[J.L.]
"Tol." Bati sakin ni Calix pagpasok ko sa lounge ng basketball team nila sa school.
Mukhang pagod ang mga kaibigan ko at lahat sila nakatopless at nakasalampak sa sofa. Mukhang galing sa practice.
Naupo naman ako sa bakanteng couch katabi ni Brix.
"Yo.." walang kabuhay-buhay namang bati ni Xavier.
"Pinahirapan nanaman ba kayo ni coach?" Tanong ko sa kanila habang pinipigilan ang matawa.
"Shut up J.L. palibhasa tumakas ka sa pahirap na gurang na 'yun." Sagot naman ni Xavier sabay hagis sakin ng jersey niyang basa sa pawis.
Tiningnan naman ako ni Brix mula ulo hanggang paa. "Di ko rin maintindihan ang trip mo kung bakit pumasok ka sa school na yun para lang magpaka-baduy."
"Wala ka bang pakialam sa sasabihin ng mga fans mo kapag nalaman nila na ang idolo nilang teen model of the year ay nagpapaka-weirdo sa isang no-name na school." Si Tremor.
"Stop it guys. Hanggang ngayon ba eh di parin kayo makamove on na wala na sa team si J.L. at di na rin dito pumapasok? Tinalo niyo pa yung ex ni Calix na di maka-move on sa pakikipagbreak niya." Saway naman ni Benj sa mga ito.
"Bakit nanaman ako nadamay sa usapan?" Reklamo naman ng huli.
"At wag nyong tatawaging no-name ang school nila mga ugok! lahat ng School may pangalan!" Sabi pa ni Calix. "....ah ano nga pala uli pangalan ng school nyo?"
"Ugok!" Binatukan naman ito ni Benj.
Natawa nalang ako.
Halos magdadalawa ng taon simula ng iwanan ko ang team namin pero bumibisita parin naman ako lagi dito kasi isusumpa ako ng mga to' kapag di ako nagpakita sa kanila.
"C'mon guys. Di lang naman ako ang umalis ah, ang unfair nyo naman 'ata sakin." sabi ko naman.
"Tsss. Parehas kayong dalawa! Magsama kayo tutal parehas kayo ng school na pinasukan." Si RJ.
"Masiyado ka atang bitter RJ ah."
"Mas bitter pa sa ex ni Calix." pagsang-ayon naman ni Benj.
"Bakit ako nanaman?"
"Losing two good players is a big loss from the team you know." Si RJ.
"C'mon guys alam naman natin na di natin sila mapipigilan sa mga gusto nila lalo na si bossing di ba?" Si Benj.
"And that guy passing all his responsibilities to me..tsss." napailing naman si Tremor.
"Di na kayo nagbago. Everytime na pinapahirapan kayo ni coach ang init ng ulo niyo saamin. Kayo parin naman ang champion di ba?" Pampalubag loob ko na lang na sabi sa kanila. Pero totoo naman, sila parin lagi ang champion sa kahit na anong tournament.
"Try mo kayang magpakita sa gurang na 'yun kung di ka i-flying kick nun." sabi ni RJ. Naalala ko tuloy ang coach naming napakabait na halos di kami bigyan ng day-off sa pagpraktis kapag may paparating na laban.
"Maybe next time. May upcoming pictorial pa ko bawal ang pasa mukha."
"Eh kumusta naman yung chic na pinopormahan mo? Nakilala ka na ba?" Biglang tanong ni Tremor.
Napabuntong hininga na lang ako nang lahat sila nakatingin sakin at naghihintay ng isasagot ko.
"Not yet, but she'll recognize me eventually. Malapit na."
"Sus almost two years na pre' di ka pa nakikilala sa tingin mo may pag-asa ka pang makilala niya?" Kumento ni Brix.
"Oo nga and besides marami namang babaeng nagkakandarapa sayo diyan bakit mo pa hinahabol ang babaeng di ka na nga maalala." Sang-ayon naman ni RJ.

BINABASA MO ANG
My MVP Love : FIRST LOVE
Teen FictionWhat if ma-meet mo uli ang first love mo? Ang first love mo na bigla na lang nawala na wala man lang paalam. Would there still be a chance for you to fall for that person all over again even if everything about him changed? Even his name?