[Airish]
Lakad-takbo na ang ginagawa ko dahil late na akong nagising. Siguradong patay ako sa adviser namin kapag na-late ako at ang masaklap pa niyan kapag naiwan ako ng school bus, sarili kong pera ang gagamitin kong pang-commute papunta sa camp.
"Asar!" Gusto ko nang maglupasay sa platform ng train station nang di ko maabutan ang 6:00am train.
Patay ako nito, wala akong ibang choice kundi mag-bus. Five minutes pa bago dumating ang bus sa bus-stop pero okay na rin yun kaysa sa fifteen minutes akong maghihintay sa susunod na train, sana lang walang traffic para makarating parin ako sa oras.
Halos humaba na ng 5cm ang leeg ko sa kakatanaw kung paparating na ang bus, dalawang minuto pa lang siguro akong naghihintay ay parang ten years na akong naghihintay. May mga kasama rin naman akong naghihintay na estudyante sa school namin, malamang di rin umabot sa train.
Nagulat ako nang biglang may itim na kotse na tumigil sa harapan ko.
Wow ha! Bus stop po ito hindi Kotse stop.
Hindi ko na lang pinansin ang kotse kahit BMW pa yun, ang concern ngayon ay ang pagdating ng bus.
Kainis naman bakit ang tagal ng bus!
"Hey, hop in." Narinig kong sabi ng isang lalaki sa loob ng kotse pero di ako tumingin baka isipin nakiki-usyoso ako. Girlfriend ata ang pinapasakay o kaya nililigawan? Swerte naman ng babaeng yun.
"Hoy bingi!"
Napalingon na ako pagkarinig ko sa sinabi niya at halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko.
What the perk?
Lance?
Nakaupo siya sa may passenger's seat ng isa sa dream car ko na BMW 7 series.
Teka kelan naging big time ang isang 'to?
"Alam kong gwapo ako pero mamaya mo na sabihin yan sakin dahil malelate na tayo. Pasok na!"
Napaawang na lang ang bibig ko sa sinabi niya. Ang yabang talaga ng kurimaw na 'to and take note seryoso ang pagmumukha niya nung sinabi niya 'yon.
"No thanks!" Maghihintay na lang ako ng bus kesa sumakay sa magarang BMW na kotse kasama ang isang napaka-yabang na tao.
Pero na-tetemp ako. Ang ganda kasi ng kotse talaga.
Napa buntong hininga siya at biglang bumaba sa kotse. Napaatras pa ako nang bigla siyang tumayo mismo sa harapan ko.
Ang tangkad niya talaga, ang bango pa at ang gwapo niya kapag suot ang school jacket.
Luh! Shut up mind!
"H-Hoy!"
Hinawakan niya ako sa braso sabay bukas sa pintuan ng backseat at itinapon lang naman niya ako sa loob.
"Aray ko naman!" Napaka-gentleman talaga bwiseeet!
"Ang arte mo!"
"Ang yabang mo!"
"Ang ingay mo!"
"Ang gwapo mo!"
Bigla kong natuptop ang bibig ko.
"Huh?"
"W-Wala!"
Napailing na lang siya.
Buti na lang may pagka-bingi ang isang 'to. Haaay...
"Mang Gary pakibilisan na lang po baka kasi ma-late ako dahil sa isa diyan." Pakasabi niya nun ay saka ko lang na-alala na may iba palang tao sa loob ng kotse.

BINABASA MO ANG
My MVP Love : FIRST LOVE
Teen FictionWhat if ma-meet mo uli ang first love mo? Ang first love mo na bigla na lang nawala na wala man lang paalam. Would there still be a chance for you to fall for that person all over again even if everything about him changed? Even his name?