[J.L.]
Napakamot nalang ako sa batok nang ma-realize kong natawag ko siya sa nickname na binigay ko sa kanya. Nawala rin kasi sa isip ko na naka-disguise ako, kaya ayan tuloy namukhaan niya rin ako, pero hindi bilang si Kenken kundi bilang J.L.
Gusto kong matawa sa reaksiyon niya kasi halatang halata na naguguluhan siya lalo na nang magsalita ako ng nihongo, pero pinigilan ko baka ma-flying kick ako ng isang 'to eh.
Napabuntong hininga nalang ako at nakangiting tumingin sa kanya.
"Hisashiburi."
[Long time no see.]Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Siguradong lalo ko siyang na-gulat.
"Hisashiburi? D-dou iu imi desu ka?"
[Long time no see? W-what do you mean?]Di ko siya masisisi, eh paano ba naman kilala niya ako bilang nerd classmate niyang si James at di ko inaasahang kilala niya ako bilang si J.L. at tinawag ko pa siya ng nickname na binigay ko sa kanya noong grade school kami tapos kinakausap ko siya ngayon in Japanese. Naawa tuloy ako sa brain cells niya.
"Ore da yo Ai-chan."
[Ako to Ai-chan.]
sabi ko. Pero mukhang di pa mag-sink in sa kanya kung sino ako. Ako lang naman ang abnormal na tumawag sa kanya ng Ai which means love in Japanese eh. Maliban nalang siguro kung may ibang tumawag sa kanya ng Ai?"Ha-na-za-wa Ken-to." Sabi ko na lang para di na siya mahirapan mag-isip.
"Eeeh? H-Hanazawa Kento?" Tinitigan niya ko ng mga ilang segundo, ang cute.
"K-kenken?"Dagdag pa niya.
"Un." Sagot ko naman.
[Yup.]Lalong lumawak ang ngiti ko na malamang naalala pa niya ng nickname na binigay niya sakin.
"Uso!"
[Di nga?]"Hontou da yo."
[Totoo nga.]"Demo, anata no namae wa James deshou?"
[Pero James ang pangalan mo di ba?]"Un, sore mo ore no namae da."
[Yup. Pangalan ko rin yun.]"Eh?"
Di ko na napigilang matawa "Aikawarazu na."
[Di ka parin nagbabago.]Ang cute niya talaga. Di pa rin siya nagbabago. Loading lagi.
"Ikaw talaga yan? Di nga? Bakit kamukha mo rin si J.L.? Yung model?"
"Ako rin yun."
A moment of silence for her brain cells.
Literally natulala siya sakin habang pinoprocess sa utak niya ang mga sinabi ko. Gusto ko ng humagalpak sa tawa pero mas takot parin akong ma-flying kick kaya kinagat ko na lang ang labi ko. Ang seryoso pa naman niyang nag-iisip.
"Teka lang ha. Ikaw si James, Kento at J.L?"
"Un."
[Yup.]"Karakatteru no? Dou yatte okotta no?"
[Are you kidding? Paano nangyari yun?]Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at tiningnan diretso sa mata. "Ai-chan, ganito yan kasi yan. Ako talaga ito si kenken, yung mataba na uhugin nung gradeschool tayo. Di ba di na ako pumasok bigla? Lumipat kasi kami sa Pilipinas, kasi naghiwalay ang Mom at Dad ko. At dahil bitter masiyado ang Mom ko, kahit na apelyido na niya ang gamit ko after divorce nila eh pinapalitan parin niya pangalan ko. So my name totally changed from Hanazawa Kento to James Leonard De Leon. And as for J.L., it's my screen name. You know, celebrity thing." Kwento ko. Yan na ata ang pinakamahaba kong nasabi sa kanya simula nang magkita kami uli.

BINABASA MO ANG
My MVP Love : FIRST LOVE
Teen FictionWhat if ma-meet mo uli ang first love mo? Ang first love mo na bigla na lang nawala na wala man lang paalam. Would there still be a chance for you to fall for that person all over again even if everything about him changed? Even his name?