Chapter 12

265 6 3
                                    

[Lance]

5:30 pm, oras ng pag-practice ng team para sa nalalapit na inter-high.

Kung sa dati kong school, malamang wala kaming panahon para mag-pahinga sa pag-eensayo. Sa pride na pinanghahawakan kasi ng school bilang undefeated champion ay given na yun. Knowing our coach, he must be giving those guys a hard time. But I'm sure they're enjoying it at the same time.

Dang! I'm probably missing those bunch of jerks. Ugh, it gives me creeps.

Napabuntong hininga na lang ako at inikot ang paningin ko sa court. Kasama ko ang ilang member ng bago kong team. Nakaupo lang ako sa bench, ang iba nag-wawarm-up ang ibang first years naman ay nag-mamop ng sahig ng court.

They are not as good as my former teammates pero may ibubuga sila. They just slack off very often, lalo na ngayong wala ang coach namin dahil inatake sa puso. Can't blame him, mga sira ulo kasi mga teammates ko ngayon. Pero sa totoo lang di naman sila nagkakalayo ng former teammates ko sa ugali.

"Asan na ang mga ugok na yon?!" Galit na sigaw ni Thunder. Sa sobrang lakas ng boses niya ay parang kumulog sa gym. Siya ang Vice-captain ng team, third year, isa sa mga bilang na masipag mag-practice. He's not one of the best player in the team, but his leadership is quite good, except him being hot-tempered. In my opinion, he's good at steals. Yeah, I can give him that.

"Baka naparusahan nanaman yun si Thorn ni Ms. Rosales, nakita ko kasi kanina pinapagalitan sa faculty." iiling-iling na sabi ni Ryder. Third year, he's not that good in basketball either. Well, maybe in this school his skills is enough to be part of the varsity players but in my former school, he still needs to train his butt very hard to pass the standards of our coach.

"Ang lalaking 'yun talaga ano nanaman kayang kalokohan ang ginawa!?" Si Thunder. "Eh si Josh at Hunter?"

"Baka nang-huhunting pa ng mga chicks." Natatawa namang sabi ni Axel. Second year, point guard. I can say that he is in par with Benj when it comes to ball handling. His skills as the point guard is unquestionable, he can make great passes even in the most impossible situation at the court.

"Captain mag-hire na kasi tayo ng manager. Yung maganda at seksi, para ma-motivate sa pag-papraktis ang mga 'yon."Sabi naman ni King sa nanahimik naming Captain. First year lang siya pero matangkad at ayos ang build ng katawan, siya rin ang nilagay bilang power forward. Magaling din siya sa paglalaro mabilis nga lang ma-distract kapag may magandang babae.

Napa-iling si Zeke. "Baka naman para may mapag-piyestahan ang mata mo? Mag-mop ka nga!"

Zeke, Third year, Captain and Centre. Compare to Thunder mas pasensiyoso siya, he's nice and kind but don't push him to his limits. He's scarier than Thunder when he is mad, so you don't wanna mess with him.

Thinking back, parang baliktad kami ng sitwasyon ni Cap. Bilang captain noong Junior high, ako ang unang nawawalan ng pasensiya at si J.L. bilang Vice naman ang mahaba ang pasensiya.

"Cap naman, sa gandang lalaki kong 'to?" reklamo ni King.

"Bakit mukha mo ba ang ipang-momop mo?" Binato niya dito ang mop.

Nagtawanan naman ang iba pang kasama namin.

Kung ikukumpara ko si Cap kay Tremor, siguro medyo nakaka-lamang lang si Tremor sa liksi at konti sa tangkad. Magaling din sa rebound si Zeke pero di kasing aggressive maglaro ni Tremor.

Tumabi naman sakin si Alec sa bench at umakbay. "Idol, magkwento ka naman kung ano mga technique ng mga Lions! Di ba captain ka nila nung junior high?"

"Oo nga naalala ko nilampaso niyo kami noon preliminary pa lang." Sang-ayon naman ni Axel na nag-papractice sa dribbling.

"Kahit sabihin ko pa sainyo siguradong di tayo mananalo kung di tayo mag-seseryoso sa pag-practice." Sagot ko naman.

My MVP Love : FIRST LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon