P R O L O G U E
Mahirap maging Dyosa.
Bawat galaw at salita mo, binabantayan nila.
Bawat damit at gamit mo, kinaiinggitan nila.
Yung tipong kulang na lang, pati brand ng deodorant at toothpaste mo gusto nilang gayahin.
Mahirap maging Campus Sweet Heart.
Lahat na lang ng lalaki, sinasamba ka.
Lahat na lang ng admirers mo, binabantayan at sinusubaybayan ka. Minu-minuto. Segu-segundo. Walang commercial. Daig pa ang sa telenovela.
Yung tipong tuwing bubuksan mo yung locker mo, bubungad sayo ang overflowing na mga love letters galing sa mga corny mong admirers.
Mahirap maging Apple of The Eye.
Lahat ng mga inggiterang cheaplets, bina-bash ka.
Lahat ng mga inggiterang baklets, sinusupladahan ka.
Malaglag lang ang isang butil ng kanin mula sa pinggan mo, sasabihin ang kalat mong kumain. Daig pa raw ang baboy.
Sila ang mga dakilang haters ng isang dyosa: ang mga cheaplets at baklets na insekyora.
Mahirap maging dyosa.
Mahirap maging Campus SweetHeart.
Mahirap maging Apple of the Eye.
Mahirap maging isang Naveen Jaizz Bustamante.
Ito ang diary ko.
Ito ang Diary ng Dyosa.
BINABASA MO ANG
Diary ng Dyosa
RandomThis story is a fan fiction of HaveYouSeenThisGirl's Diary ng Panget.