Ang tahimik ng klase namin. Pigil ang mga hininga. Alam niyo kung bakit? Kasi ang babaho ng hininga nila. Kapag huminga sila, mamamatay kaming lahat.
Joke. Kasi yung teacher namin sa Math, nagpapa-recitation. Eh yung topic namin ngayon ay yung may sandamakmak na "x". That x is so overrated. Hindi ako nagbabayad ng tuition dito, para lang hanapin ang "x" ng lecheng Math na yon. Di nalang maka-move on. Dami pa namang letters diyan.
Bored na talaga ako. Dahil don, nagiging korni na ako. Nagiging katulad ko na yung mga admirers ko. Medyo malayo kasi si Pemperia. Hindi ko tuloy makadaldalan. Cellphone na lang kaya? Okay. I have no choice kundi mag-cellphone na lang. Titigan na lang kami ng cellphone ko.
I fished out my cellphone from my pocket. Tapos tinago ko sa ilalim ng desk ko para di ako mahuli. Pagbukas ko sa cellphone ko, may 83 text messages ako. Yung iba, gm ng mga walang kwentang tao. Yung iba, pm ng mga korning admirers na hindi ko alam kung saan nakuha ang number ko. At yung isa... pm ng isang nagpi-feeling gwapo na nilalang.
From: ChaOnggo
Ngets, text tayo? Bored eh.
Oh?
To: ChaOnggo
Talaga? Baka naman dahil gusto mo lang akong maka-text.
Pasimple ko siyang sinilip mula sa likuran ko. Nakatitig siya kay Ma'am pero nagte-text siya sa ilalim ng desk niya. TWL. Texting Without Looking. Major yan ni Charoum hindi pa man kami college.
From: ChaOnggo
Hahahaha! Feeler ka rin talaga no? If I know, gusto mo rin naman talaga akong katext. Baka nga kinilig na ang tumbong mo diyan sa upuan mo nung nakita mo ang gwapong-gwapong pangalan ni "Charoum" sa inbox mo.
Tumbong? Words of Charoum.
To: ChaOnggo
Sino sa tingin mo ang mas feeler sating dalawa? Di ka naman gwapo. Lelang mo.
"Then substitute the following," sabi ni Ma'am. Tumingin ako at tumango. Kunwari nakikinig ako sa kanya.
From: ChaOnggo
Whatever, Ngets. Nga pala, sabi ni Pepper bibili daw kayong bra? Sasama ako. ;)
Okay, don't tell me he is going to bring up that topic.
To: ChaOnggo
At bakit ka naman sasama? Bakla ka ba?
Can't we just get over that thing? I bet he always think about that freakin' thing whenever he needs a laugh.
From: ChaOnggo
Hindi ah. Baka kasi sakaling hindi mo alam yung size ng bra mo. Ako kasi alam ko. ;))
He is such a pervert!
Nilingon ko siya sa likuran. Seryoso siyang nakatingin kay Ma'am. Nang ma-realize niyang nakatingin ako sa kanya, tumingin siya sakin tapos... nag-smile siya.
I have to admit. Charoum has a beautiful smile.
Re-reply-an ko sana si Charoum nang biglang pumasok si Ma'am Delgado sa room namin. Pansamantalang lumabas yung isa naming teacher.
"Good morning, class!" bati ni Ma'am.
Tumayo kami tapos bumati. "Good morning, Mrs. Delgado."
Umupo na kami. Tinago ko muna yung cellphone ko sa bulsa ko. Makikinig muna ako kay Ma'am. Kasi hindi porket dyosa ako na saksakan ng ganda, eh hindi na ako makikinig.
BINABASA MO ANG
Diary ng Dyosa
RandomThis story is a fan fiction of HaveYouSeenThisGirl's Diary ng Panget.