Kagandahan Page 6 (The Goddess and the Necklace)

4.9K 114 14
                                    

Tahimik akong naglalakad. Napapadpad na naman ang utak ko sa outer space. Sobrang bilis ng heartbeat ko kanina. Hindi ko alam kulang ba ako sa exercise kaya mabilis akong mapagod o ano.

"Excuse me, Pepper. Nakakahiya naman sayo. Ako pa ba talaga ang magdadala nitong mga pinamili natin? Lahat? Nahiya naman ang amo sa alalay niya," biro ko kay Pepper. Pero sa totoo lang, gusto ko lang ma-divert yung attention niya sa iba.

Kanina pa kasi siya nakatingin sakin. As in. Kanina pa. Hindi dahil sa nagagandahan siya sakin, pero dahil alam kong may iniisip na naman na kakaiba ang alien brain niya.

"Ay sorry, Madame," sabi niya tapos kinuha agad sakin yung mga pinamili namin. "Nasan ba kasi si Charoum? Siya dapat ang nagbibitbit nito eh," dagdag pa niya tapos agad na hinanap ng mata niya ang kambal niya.

"Ayun. Malamang nakikipaglandian," bulong ko. Tapos naningin ng mga damit na nakapila.

"Uuyy! Alaaam! Paano mo nalaman yun ha? Kanina mo pa tinitingnan no?" pang-aasar na naman ni Pepper. Walanghiyang paminta to. Wala nang ginawang mabuti.

"Syempre! Paanong hindi ko malalaman? Automatic na yun no. Alam mo naman yang kambal mo, daig pa ang babae kung makalandi." I flipped my hair. "Dinaig pa ang beauty ko! Ako nga eh, sa ganda kong to, hindi ako lumalandi."

"Oo naman. Sa ganda mong yan, hindi ka lumalandi sa iba. Kay Charoum lang," sabi niya tapos pumitik pa. Hinila ko yung buhok niya.

"Feeling mo naman! Masyado akong maganda para sa bisugong shokoy mong kambal. Magsama kayo. Parehas kayong lamang-lupa."

Tiningnan ako ni Pepper ng nagtatakang tingin. "Lamang lupa ba ang bisugong shokoy? Saka, meron bang ganon? Bisugo na, shokoy pa? Nilahat na."

"Hindi. Si Charoum lang ang namumukod-tanging bisugo na, shokoy pa. At take note! Lamang-lupa ang species niya. O, diba bongga? Kaya dapat hindi babae ang naghahabol sa kanya. Dapat ang naghahabol sa kanya ay mga nag-aalaga ng mga endangered species sa mundo."

Inirapan niya ko. "Ewan ko sayo. Charing ka. Nasan na ba kasi yung lintek na kambal ko na yun?"

Eksaktong napalingon ako sa isang Jewelry Shop. At dun ako nakakita... ng bisugong shokoy na nakikipag-usap sa isang sirenang dugong.

"O, ayun o," walang gana kong sabi. Napapagod na ata ako sa paglilibot namin. 

Nilingon naman ni Pepper yung tinuro ko. "Ayun. Lumalandi nga. Ayy, bahala yan. Tara. Maningin pa tayo. Hayaan mo siyang lumandi diyan," tapos hinigit na niya ko.

Wala sa loob na tumingin ako kay Charoum. Naniningin siya ng mga alahas dun habang panay naman ang pagpapa-cute nung saleslady. Tapos umangat na ng tingin si Charoum tapos nginitian yung babae. Halos maging epileptic na yung babae sa kilig. 

Ang OA lang. Nginitian lang ng bisugo eh. Bagay sila. Parehas silang malandi.

Pagtingin ko ulit kay Charoum, nagtatawanan na sila nung sirenang bisugo niya. Magka-AIDS ka sanang lalaki ka!

AIDS agad?

-

Charoum's POV


Naglalakad ako. Naglalakad ako. Naglalakad ako. Ito lang ang madalas kong gawin dito ngayon sa mall. Actually, wala talaga akong bibilhin. Hindi naman kasi talaga pati ako nabili ng gamit ko. Nagpapabili nalang ako sa mga maids or butlers namin. Pero sumama ako ngayon para asarin ang dyosa, ayon sa kanya. Nakasunod lang ako sa kanila kanina pa. Hindi ako makahanap ng tiyempo ng pang-aasar.  Pero lumayo na ko sandali sa kanila. Nakaka-OP. Parehas kasing babae. Parehas pang panget.

Diary ng DyosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon