"Inhale-exhale lang, hija. Wag kang kakabahan. Lalo kang magkakamali kapag kinakabahan ka," sabi ng makeup artist ko.
Yeah, easy for them to say that. Hindi naman kasi sila yung first timer sa mga ganitong bagay. Hindi naman sila yung rarampa sa harap ng maraming tao.
"Maganda ka naman, anak. Hindi mo kailangang kabahan," sabi ni Daddy. Minsan lang pumunta si Daddy sa school. Hindi kasi siya mahilig sa mga ganitong events, pero dahil lalaban ako, pumunta siya.
"Thanks, Dad."
Sumulyap ako sa cellphone ko. Wala pang text si Charoum. Puro mga kaklase ko lang at yung mga nasa contacts ko. Mga naggu-good luck. Ganon din ang sinabi ni Charoum kaninang umaga pero plain na "Good luck!" lang tapos smiley. Not that I am expecting pretty much but...
"One minute before our start! Bilisan niyo," sigaw ni Baklitang Hampaslupa.
Kanina pa siya padaan-daan. Isa sa mga ikinakakaba ko ay yung mga tingin niya. Para kasing laging nang-uuyam. Sa mga ganitong moments, ayoko ng mga ganong tingin. Pakiramdam ko, kahit alam kong isa akong dyosa, napakapangit ko. Yung mga tingin na parang may mali sa akin.
Kumabog nang malakas ang dibdib ko. Kanina panay ang pagpipinta ng makeup artist ko sa mukha ko. Hindi ko na alam ang itsura ko. Pinagkakatiwalaan naman siya nila Mommy kaya siguro naman ay maganda ako.
Sa totoo lang, hindi naman nakaka-flatter ang paglaban sa mga ganito lalo na at first time mo. Minsan, mas nagfa-flash sa isip mo yung mga insecurities. Pati na rin yung mga bagay na maaaring mangyari na hindi maganda. Mapapaisip ka na, paano kung hindi ako maganda? Paano kung hindi sila magandahan sa akin ngayon dahil nasanay na sila na maganda ako kaya hindi na sila mabibigla kung ganon pa rin hanggang ngayon?
"Candidates, let's start! Wag niyo akong ipapahiya ha. Ayusin niyo ang sayaw niyo," sabi ni Baklitang Hampaslupa na may kasama pang pagpalakpak.
Mabilis na nag-ayos kami ng pwesto.
"Naveen, smile!" sabi ni Mommy.
Ginawa ko naman.
"Naveen, confidence," sabi ni Kuya sabay kindat sa akin. Napangiti ako. Ang supportive ng kuya ko! At ang gwapo rin niya. Kanina pa siya sinusulyapan ng mga kasamahan ko lalo na ni Baklita.
Isa-isa na kaming lumabas. Nakahawak ako sa bewang ko. Parang natural na pagrampa lang sa hallway ang ginawa ko pero mas may arte at pilantik. Ang daming tao. Parang nagbackflip ang tiyan ko. Parang gusto kong masuka sa kaba.
"Hindi kaya ampon yang bunso niyo? Hindi niyo kamukha."
Rinig na rinig ko yung mga sinasabing yun ng mga amiga ni Mommy. Fifth birthday ko. Nakikipaglaro ako sa mga pinsan ko nang marinig ko yung usapan nila.
"Bakit naman? Iniluwal ko yan. Anak namin yan. Kamukha siya naming dalawa ng ama niya," pagtatanggol sa akin ni Mommy.
"Talaga? Parang hindi eh. Gwapo naman si Chrome ah. Kamukha ninyong dalawa... pero bakit itong si Naveen... parang ano."
"Parang ano?" matapang na tanong ni Mommy.
Nahalata naman nung amiga niya na naiinis na si Mommy sa sinasabi nito. "Wala naman. Anyway, happy birthday sa anak mo."
Mas nilawakan ko ang mga ngiti ko. Ilang taon din akong nagtiis sa panlalait ng iba. Ilang taon ko ring pinagtiyagaan ang panlalait nila sa akin noong bata pa ako. Ngayong maganda na ako, dapat lang na ipakita ko sa kanila na hindi na ako yung Naveen na inaakala nilang ampon ng mga Bustamante. Hindi na ako yung Naveen na madalas na pagtawanan nang patalikod.
BINABASA MO ANG
Diary ng Dyosa
RandomThis story is a fan fiction of HaveYouSeenThisGirl's Diary ng Panget.