Kanina pa ko patingin-tingin sa wristwatch ko. Marami na ring oras ang lumipas. Pemperia is 15 minutes late already. Hindi ko ugali ang maghintay. Naman! Ang ganda ko naman ata masyado para paghintayin lang niya. I leaned back again on my chair. Nakaupo lang ako sa coffee shop na napag-usapan namin ni Pepper.
Sa kasamaang palad, 15 minutes na kong nandito pero ni anino ng Pamintang alalay ko ay hindi ko pa rin maaninag. Big deal na sakin ang 15 minutes kasi never pa naman akong pinaghintay no! Pagdating ko kasi sa meeting place, laging nandon na agad ang ka-meet ko. Hindi yung nagpapahintay pa. Chaka talaga nung babaitang yun!
I took out my cellphone then dialed her number. Na-ring na yung cellphone niya pero walang nasagot. Unattended daw! At kelan pa naging unattended ang cellphone ng isang Cellphone Queen?
"Dyosa!"
Inis na hinarap ko siya. Umurong yung inis ko nung may sumulpot na bisugo sa likod niya. Ay, hindi pala umurong. Lalong umabante. Lalong nag-push nang bongga.
"At anong ginagawa ng bisugong yan dito? Invited ba siya?" sabi ko sabay turo kay Charoum na pormadong-pormado.
Isa sa mga dahilan kung bakit lumalaglag ang panga ng mga bulag sa kanya ay dahil sa magaling siyang pumorma. Nakakadadagdag sa... err... kagwapuhan niya na hindi ko alam kung saan naroroon.
Ngumiti siya. Imbes na si Pepper ang sumagot ay siya na mismo ang sumagot sa tanong ko. "Lagi ka nalang may tawag saking lait ah. Yan ba ang endearment mo sakin, Ngets? Porket may endearment ako sayo eh, gusto mo naman may endearment ka rin sakin," sabi niya tapos kumindat pa. Ew. "Sumama ako kasi bibili din ako ng mga gagamitin ko sa camp. Bakit? Masama ba?" dagdag pa niya.
"Endearment your face! Ang akin lang, baka mapagkamalan kang alalay ko. Sapat na naman sakin si Pepper eh. Bakit ba sumasama ka pa? And girls kami. Bakit ka pa sasama samin sa pamimili eh madami naman tayong kaklaseng lalaki? Bading ka talaga," akusa ko.
He raise his hand and form a W sign-a "WHATEVER" sign of the girls. "Whatever, Panget," sabi niya na pa-bakla, pang-aasar sakin. "Pasalamat ka nalang at makakasama mo na naman ang gwapong si Charoum sa pamimili kaya wag ka nang magreklamo."
"Okay? Tapos na kayo? Pwede nang umextra ang alalay ng dyosa?" pag-extra ni Pepper. I folded my arms in front of me. "Para kayong mga aso't pusa. Kaya ho ako natagalan, Madame Bustamante, ay dahil dito sa kakambal kong to. Sumama bigla. Ewan ko ba diyan. Nakasinghot na naman ata kagabi. So whether you don't like or you don't like it, kasama natin ang bisugong Prince Charming mo. Stel og!" sabi niya sabay hila sakin. "Stel og" ay ang pabaliktad na "Let's go." Baduy kasi yang si Pepper eh.
Habang naglilibot kami ni Pepper sa girls' section, si Charoum ay nasa likuran namin. Naka-headset yung isang tenga tapos naglalaro sa cellphone tapos titingin sa daan tapos maglalaro ulit. Pinagtitinginan na naman siya ng mga hampas-gubat na mga saleslady. Seriously, bakit ba kasi sumama si Charoum? Para irampa ang mukha niya? Mukha namang hindi siya bibili ng gagamitin niya eh. Papansin lang talaga.
"So ito na?" Napatingin ulit ako kay Pepper.
"Ha?"
Bigla siyang tumingin kay Charoum tapos tumingin ulit sakin. "Grabe! Kanina mo pa tinititigan si Charoum! Crush mo ba siya?
Halos ipasubo ko na sa bibig niya yung hawak niyang damit. Talagang nilakasan pa yung boses eh no? Gaga rin eh.
"Baliw ka ba? Ew, no! Feeling mo naman!"
"O, wag OA. Nagtatanong lang ako."
Ipinulupot ko sa leeg niya yung damit. "OA? OA? Nagtatanong ka lang? Eh sumisigaw ka eh! Patayin kaya kita diyan."
Umubo siya nang matanggal niya na yung damit sa leeg niya. "Sige! Sige! Patayin mo ko! Mawawalan ka nang alalay."
Hala. Nanakot? Parang tatalab ah. "Ayos yun. May biscuit and coffee party tayo sa lamay mo." Hinila niya yung buhok ko.
"Sama mo!" sabi niya.
Tapos naningin na ulit siya ng mga damit. "Balita ko sasama na daw sa wakas si Kimee (Kaymi) sa field trip this year. Hinding hindi pa yun nasama sa mga ganito eh. Saksakan ng KJ. Buti nalang kahit papaano nasama ka pag na-trip-an mo," sabi ni Pepper.
Si Kimee ay ang dati naming classmate na nagpalipat sa Class C kasi nandon yung dati niyang nililigawan. He used to be my suitor, too. Pero after 2 weeks, nakahanap na agad ng bago. So ayun, babush na siya sa club ng mga korniks na admirers ko. Hindi siya mahilig sa mga ganong events. Mas gusto niya yung nakaupo lang siya, nananahimik, nganga.
Para siyang si Charoum, campus heartthrob. Pero siya yung freakish one. Nambubugbog daw kasi yun ng babae pag nababadtrip. Hindi naman bugbog na as in mapapatay. Tinutulak lang niya, hinahampas o hinahayaan ng suntok. Kaya kahit na heartthrob siya, marami pa rin ang mga babaeng mailap sa kanya. Lalo na yung mga na-sampolan na niya.
"Gwapo ni Kimee no? Kung hindi lang talaga brutal. Crush ko kaya yun dati!"
Ayan na naman si Charoum. Pa-cute na naman sa mga babaeng nangiti sa kanya. Tuwing ngingiti o babati sa kanya ng "Hi, pogi," damang dama naman niya at halos mapunit na ang mukha sa sobrang ngiti. Malandi rin talaga tong lalaking to eh. Yung mga tipo niyang mas malandi pa kesa sa babae, sarap bigyan ng panty! Ibili ko kaya to ng isa?
"Crush mo rin ba siya?"
Napatingin ulit ako kay Pepper tapos binigyan ko siya ng huh-what-the-hell look.
"Hindi ko nga crush si Charoum!" sabi ko.
Tiningnan niya ko ng what-the-fvck look.
"What? Anong Charoum? Si Kimee ang sinasabi ko no! Naka-move on na tayo kay Charoum," sabi ni Pepper tapos bigla akong tiningnan ng nagdududa at mapang-asar na tingin.
Huh? Si Kimee na nga ba topic namin?
"Edi sorry! Lutang ako eh," dahilan ko.
"Mm-hm. Kung malisyosa lang talaga ako, iisipin kong nagiging defensive ka at crush mo lang talaga ang kambal ko. Eh malisyosa ako, so iniisip kong nagiging defensive ka at crush mo lang talaga ang kambal ko," sabi niya tapos tinitigan ako.
Humablot ako ng isang damit sa mga nakahanay don. "Baliwag. Hindi ko crush yung kambal mo," mahina kong sabi.
Feeling ko napapagod ako. Grabe naman tong dibdib ko. Wagas maka-kabog. Gusto na atang umalpas nung puso ko sa ribcage ko. Pero kinabahan ako bigla dun sa tanong ni Pepper. Ewan ko kung bakit. Pero kinakabahan talaga ako.
"Crush mo talaga siya no?" taas ang isang kilay na tumingin ako kay Pepper. Nakatingin siya dun sa damit na hawak ko.
Napatingin din naman ako. Halos hapuin ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko nung mabasa ko yung nakasulat sa t-shirt.
CRUSH KO TO --> Tapos yung arrow... nakatapat kay Charoum na nakikipaglandian sa saleslady. Ang sarap lang tirisin. Pati tong kambal niya.
Mabilis na binitawan ko yung damit. Yuck! Crush my ass.
-
Dear Bambini,
Ang sarap lang gawing pamintang durog ni Pepper. HINDI KO CRUSH SI CHAROUM. Period. Exclamation point. Malisyosa lang talaga si Paminta. Promise. Mas pipiliin ko pa naman si Kimee kesa kay Charoum.
Joke. Si Charoum ang mas pipiliin ko kahit na mukha siyang bisugo. PERO HINDI KO TALAGA CRUSH SI CHAROUM. Hindi sa in denial ako. Hindi rin ako defensive. Hindi ko lang talaga siya crush. End of argument.
P.S. ANG LANDI NI CHAROUM SA MGA SALESLADY. DAPAT LANG BIGYAN NG PANTY.
Yours Goddessly,
Naveen Jaizz
-
I deleted pictures. May watermark pa kasi ng former username ko. Anyway, Jiro Wang as Kimee but you can think of somebody else. Build your own character. xoxo
BINABASA MO ANG
Diary ng Dyosa
RandomThis story is a fan fiction of HaveYouSeenThisGirl's Diary ng Panget.