Kagwapuhan Page 35 (MY Goddess)

3.7K 87 8
                                    

Dear Bambini,

Teka. Bubuntong-hininga lang ako. Nakaka-frustrate kasi eh. Ang tagal na simula nung huli kitang sinulatan. Pasensya ka na ha? Naging busy na kasi kami eh. Alam mo na, graduating. Nilunod kami ng mga teachers namin sa projects. Nakakabwisit nga eh. Pero ang mas nakakabwisit, Bambini? Yung cold shoulder treatment sa akin ni Naveen na hindi pumapalya nang ilang buwan na. Parang hindi niya na ako kilala.

Noong huli kong sulat sayo, ang akala ko ay babalik na siya sa dati. Asang asa na nga ako eh! Akala ko magiging dating Naveen na siya. Hindi pa pala. Pagkatapos ng lahat nang nangyari sa booth, wala pa rin pala. Kulang pa rin para sa kanya. Si Pepper nga, muntikan nang sumuko at patulan si Naveen. Noong isang buwan kasi, nang kulitin niya si Naveen, nagalit si Naveen. Pinagpupunit yung notebook ni Pepper. Nagulat nga kaming lahat eh. Kung hindi ko napigilan si Pepper, baka nasabunutan na niya si Naveen. Nasa notebook na yun kasi yung mga notes niya... saka yung mga palitan nila ng corny "secret messages" ni "Secret Lover" niya na alam ko naman kung sino.

Yeah, Bambini. May progress na sila ni Kendrall. Hindi pa nanliligaw si Kendrall pero nasa point na sila ng landian. Nakaka-bitter tuloy.

Ang sama ng ugali ni Naveen sa mga kaeskwela namin, pero medyo tamed naman sa mga teachers. Mas lalo siyang naging pursigido sa pag-aaral. To the point na pati ako, ang tingin niya, kakompetensya niya. Kapag tinatanong ko siya kung ano ang assignment, ini-snob niya ako. Noong naging mas mataas ang grades ko kaysa sa kanya, nagalit siya sakin. Hindi niya ako pinansin lalo. Nakakapikon na nga minsan eh. Sumosobra na. Nakakasakit na.

Sobrang sobra na siya... pero wala naman akong magawa. Sobrang sobrang mahal ko eh.

Ok. Ang korni. Parang tanga. Pero... Alam mo ba, Bambini, isang buwan nalang, ga-graduate na kami? Magkahalong saya at lungkot. Ganon naman talaga siguro kapag fourth year ka eh. Masaya kasi ang high school life. Masaya kasi Dos ako. Ga-graduate akong Dos. Na-maintain ko talaga siya. At talagang minaintain ko. I didn't go lower... but I didn't aim higher. Para kay Baby Girl ko yun eh. Saka, mahirap siyang kalabanin. Matalino kasi talaga.

Malungkot kasi magkakahiwa-hiwalay na kami. Ang hirap pala talaga kapag nasanay kang sila at sila ang mga acquaintances mo. Yung mga naging kaklase mo ng high school, parang naging parte na ng araw-araw na routine mo. Yung makalat na room... Yung magulong kaklase... Yung mga epal... Yung mga landian... Yung mga masusungit at nagmamagaling na teachers... Yung magagaling na teachers... Si Naveen.

Balita ko kasi, Bambini, sa ibang bansa na siya mag-aaral eh. Pa-buntong-hininga ulit. Wag ka nang magreklamo. Mabango naman ang breath ko.

Bambini, isang buwan nalang. Bakit pakiramdam ko, wala siyang pakielam? Magkakahiwalay na kami pero parang wala lang sa kanya. Nagbasa-basa ako ng mga librong pangkalandian ni Pepper nung minsan. Meron doon na kwento tungkol sa isang nagyeyelong babae. Hindi literal. Ice Princess. Hindi. Walang "GoCha" loveteam doon. Iba yun. Medyo fantasy itong nabasa ko.

Doon sa kwentong iyon, inakala niyang namatay yung lalaking mahal niya. Sumubok siyang magmahal ng iba, pero lahat ay niloko lang siya. Sa sobrang sakit na dinanas niya, nagmanhid ang puso niya. Cold-hearted. Lifeless. Isang araw, nagkita ulit sila nung lalaki... pero iba na yung mukha nung lalaki. Nagkataon pala na yung kaluluwa nung lalaking mahal niya na si Leo nang maaksidente, napunta roon sa katawan nung lalaking nakaaksidente Kay Leo. Si Froilan. Nagswitch ng kaluluwa. Yung kaluluwa pala kasi ni Froilan, patay na. His body is alive, but his soul is broken and dead. The only thing that makes Froilan alive is his system. Ayun.

Leo tried to win Gabby's heart again. But he couldn't win it unless it is alive. Si Froilan, kaluluwa ang patay. Si Gabby, buhay ang kaluluwa pero pinipilit niyang patayin. Basta, magulo, Bambini. Ang ginawa ni Leo, pinilit niyang buhayin ang puso ni Gabby. In a way that he made her feel something. Pinasaya niya ito. Walang reaksyon. Pinatawa niya ito. Walang reaksyon. Tinakot niya ito. Walang reaksyon. It even came to the point that he hurt her. Still, no reaction. Nakaka-relate nga ako eh. Puta.

Diary ng DyosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon