"Crush ata ni Naveen si Charoum."
"Ganon din ata si Charoum."
"Baka M.U. sila. Hindi lang natin nalalaman."
"Syet! Taken na si Prince Charoum?"
I told you! Pagkekwentuhan kami ng mga tao after that. Syempre, matatalak ang mga yan eh. Mga palakain ng pwet ng manok kaya ayun, kamukha na rin ng pwet ng tao. Although, I don't regret hugging and crying on Charoum's shoulder. Hindi naman porket pinagtsismisan kami ay dapat ko nang pagsisihan yun. Kahit pa anuman ang kinalabasan non sa mga tao, ginusto ko naman eh. Kaya ayos lang.
Right now, I am officially removing the crown of being an in denial queen. Pero hinding hindi ako aamin sa kanila na may gusto ako kay Charoum.
So yun nga. Yung alibi na sinabi ko kay Bambini, yun ang sinabi ko sa kanila. Syempre, maraming hindi naniwala. Dyosa ako ng kagandahan pero hindi ng kasinungalingan. Pake ko pati kung maniwala sila? Basta ako, nakayakap ako sa crush ko. Bwahahahahaha! Ang corny.
"Hindi talaga ako naniniwala dun sa sinabi mo."
Isa pa sa mga hindi naniniwala ay ang NAPAKALOYAL kong best friend. Ayaw maniwala ni Pepper na napagkamalan ko kuno si Charoum na siya.
"Parang insulto na rin yun para sakin kasi mas mahaba naman ang buhok ko kay Charoum."
"Naka-puyod ka non," dahilan ko habang nanguya ng tinapay at nakatambay sa front porch. May ilan kaming kasama dito pero halos lahat ay nasa field. Pagabi na kaya naglalaro na sila nang naglalaro. Bawal na kasing lumabas kapag gabi.
Para silang mga bata. At isa don si Charoum... My labs.
Eeeeeeeewwww! Hahahahaha.
"Pero burgundy red ang buhok ko habang siya ay brown blonde ang buhok. Nilibot mo kaya ang mga mata mo non. Paanong hindi mo ako makikita sa kaliwa mo at niyakap mo pa ang nasa kanan mo?"
I sighed. She just couldn't drop it.
"Lipang nga ako, Pepper eh. Lipang. Alam mo ba yung lipang? Ibig sabihin non, para kang lumulutang na wala kang maintindihan sa mga naririnig at nakikita mo. Gising ang katawan mo pero tulog ang diwa mo. Naiintindihan mo ba ako, Pemperia Louise Salvatierra?" paglilinaw ko sa kanya.
She smirked. "If I know, gusto mo rin namang maging Salvatierra," nakangising sabi niya.
"Wala akong balak magpaampon sa mga magulang niyo."
Nanlaki ang mga mata ko nang sapukin niya ako. Tapos humagalpak siya sa katatawa.
"Tange! Uno ka ba talaga sa lagay na yan? Ang dry mo naman, grabe. Ang ibig kong sabihin, gusto mong maging isang Mrs. Charoum Luis Salvatierra."
Saktong umiinom ako ng tubig nung sinabi niya yun kaya naman nasamid ako. Sunod-sunod ang pag-ubo ko. Nakakaloka! Alam ko namang yun ang ibig niyang sabihin. Hot ako pero hindi ako dense. Pero nakakagulat pa rin nung sabihin niya yun.
BINABASA MO ANG
Diary ng Dyosa
DiversosThis story is a fan fiction of HaveYouSeenThisGirl's Diary ng Panget.