Naituloy na naman ang walang kwentang laro pagkatapos umambon. Nanalo ang section C. Nagtatlong sunod-sunod na panalo sila. Nakakaasar. Mabuti nalang at nanalo kami sa last game ng camp. Hindi in-announce ang scores namin. Ise-surprise daw kami mamayang awarding ceremony.
Bumuhos na naman ang ulan kasabay ng pagpatak ng aking mga luha. Keme! Pa-emote lang kunwari. At dahil umuulan, napilitan kaming mag-stay muna sa loob ng camp house. May isang oras at kalahati pa kami bago ang awarding session at ang farewell ceremony. Na-trip-an nilang magkaroon ng open forum ang buong seniors. Ayoko sanang sumali kaso sinabihan ako ng hipon na KJ daw ako. Ngali-ngali ko na nga sanang sabunutan kaso pinigilan ko lang.
Wala tuloy akong nagawa kundi sumali sa pautot nilang open forum. Nagsimula siya sa crushes. Nalunod nga ako sa papuri nila eh. Naikot ang pagsasalita ayon sa kung sino ang gustong magshare mula sa bawat section. Sa bawat section naman, parating may umaaming crush nila ako. Ungot nang ungot sina Henny at Katalina sa tuwing may umaamin. Actually, alam ko na naman yung mga yun. Expected na yun. Matik na! Mygash. Ikagugulat pa ba na maraming nagkakagusto sa dyosa? Susme naman.
"Ako naman! Ako naman!" biglang eksena ni Myka nang naghahanap na ng magsasalita sa section A. Atribida talaga.
"Sige. Si Myka naman," nakangiting sabi ni Charoum.
Hulaan mo kung saan nakaupo ang bisugo. Yeah! Tama ka. Sa tabi ni Myka the shrimp. Hindi ko na nga lang tinitingnan eh. Ang clingy-clingy masyado ni Myka kahit hindi naman siya girlfriend. Pa-etuc lang ata ni Charoum yung biglang paglipat niya sa amin ni Kimee sa bilog. Gusto lang ata niyang pagselosin ang hipon niyang crush.
Aray ko, bh3.
Ang jeje ko lang don. Pero yung totoo, crush kaya ni Charoum si Myka? O si Myka lang itong nagpupumilit na dumikit kay Charoum at dahil ayaw lang ng bisugo na ma-offend ang hipon, hinahayaan nalang niya ito? O baka naman talagang M.U. lang sila? Mukhang Unggoy?
Nagpa-cute pa muna sa pagngiti si Myka the shrimp bago magsalita.
"Tutal majority naman ng ino-open niyo ay tungkol sa crush, mag-o-open up na din ako." Lumawak yung ngiti niya. "Crush ko si Charoum."
"Wow! Nakakagulat ha!"
Napatingin sakin sila Pepper nang hindi ko na naman napigilan ang bibig ko sa pagsasalita. Ang bilis kasi laging mag-react ng bibig ko. Nauuna pa sa utak ko kaya bago pa man maedit ng utak ko ang manuscript ay naipasa na agad ng bibig ko. Kalurkie!
Panindigan na itey. "Bakit? Eh nakakagulat nga eh," sabi ko nalang habang painosenteng nakangiti.
Nakangisi lang si Charoum habang nakatingin sakin. Ano na naman kayang tumatakbo sa maliit na utak ng bisugong to?
"Sarcasm there was as clear as water."
"Taray. Naka-english ang bakla. Bongga ka! Wala kang wrong grammar ngayon," pambabara ko kay Henny. Pinanlisikan niya ako ng mata na ikinataas lang ng kilay ko.
Sumunod ay si Katalina ang nag-open. Oo. Yun lang ang sinabi ni Myka. Ang deretsahang pag-amin niya na crush niya si Charoum! Nakangiti lang si Charoum nung umamin si Myka. Nakakaasar!
Ayun na nga. Nag-open si Katalina. Ano pa nga ba ang io-open niya? Syempre hindi about sa crush. About sa insecurity niya towards sa aking kagandahan.
Nakahalumbaba lang ako habang nakikinig sa kanya. Bored na bored ako habang nakikinig. Kahit yung iba naming kasamahan, iba-iba na ang ginagawa. Wala naman kasing kwenta ang pagra-rant niya sa aking kadyosahan. As if it is going to change if she bashed it.
Kaya naman pagkatapos niyang mag-share nang walang kakwenta-kwentang bagay ay isa sa mga taga-ibang section ang sunod na nagsalita.
"Hindi ako magshe-share. May gusto lang akong itanong sa isa sa mga section A. Kay Charoum."
BINABASA MO ANG
Diary ng Dyosa
RandomThis story is a fan fiction of HaveYouSeenThisGirl's Diary ng Panget.