"Grabe, Dyosa! Pagkatapos niyo kaming iwan ni Kimee, alam mo ba kung ano ang ginawa niya?" tanong sakin ni Pepper.
"Iniwan ka na rin niya?"
"Yun! Yun ang akala kong gagawin niya. Pero alam mo kung ano ang ginawa niya?"
"Ilang beses mo pa bang itatanong sakin yan bago mo ikwento? Wala kaya ako dito kahapon."
"Eto na. Sasagutin na." Nag-straight body pa siya. Iwinasiwas pa niya yung mga kamay niya. Mabuti nalang at vacant kami. Tumili siya nang daig pa ang sirena ng firetruck kapag may sunog. Pinakinggan ko nalang habang yung iba naming kaklase ay nagtaklob ng tainga. Immune na ako. Sanay na. "Umupo siya sa tapat ko."
"Nakakakilig na yun?" tanong ko sa kanya.
Nakakakilig na yun? Eh ako nga, naka-date ko si Charoum at sinabi niyang mahal niya ako... well, at least, sinabi ni Manong.
Napapangiti nalang ako. Alas quatro na ako nakatulog kagabi sa kaiisip tungkol sa nangyari. Kinikilig pa rin ako! Iyon nga lang, no sight of Charoum for today. Hindi ko alam kung saan siya sumuot eh. Pero nandito ang bag niya. Mas maigi na rin. Baka malaglag pa ang panty ko sa kilig kapag nakita ko na naman siya. Jokieee!
"At kinausap niya ako," nakangiting sabi ni Pepper.
"Ano namang pinag-usapan niyo?"
"Ang ganda ko raw."
"Bulaan na."
"Grabe talaga to! Wala man lang support."
"Hep! Hep! Hep! Ano na namang kakirihan yan, Pemperia?" tanong ni Kendrall mula sa likuran ni Pepper. The latter just rolled her eyes.
"Hindi ka kausap dito, Kendrall, kaya manahimik ka," pagtataray ng paminta.
Kendrall made face then spoke. "Crush mo si Kimee? Ang sama-sama naman ng ugali non."
"Hindi mo siya kilala kaya wag mo siyang husgahan."
"Isusumbong kita kay Charoum."
"Go! Samahan pa kita."
"Magkaaway pa man din yung dalawa."
Parehas kaming natigilan ni Pepper sa sinabi ni Kendrall. So, alam din ni Kendrall? Mukha rin namang nagulat siya sa sinabi niya.
"Joke!" sabi niya sabay talikod na. Hinarap naman siya ni Pepper at hinigit ang kwelyo. "Ano ba, Pepper! Nakakabawas pogi points ka naman eh."
"Hindi ka naman pogi kaya walang mababawas sayo. Ano yung sinasabi mong magkaaway si Charoum at si Kimee?"
"Wala akong sinasabing ganon," pagtanggi ni Kendrall.
"May sinabi ka!" sigaw ni Pepper na may kasama pang pagpitik sa tainga ni Kendrall. Kawawang bata.
"Wala nga. Lintik ka naman. Kakausapin mo lang ata ako kapag si Kimee ang topic eh," reklamo ni Kendrall.
Napapangiti nalang ako. Parang ganon kami ni Charoum noon. Sigawan, sakitan, murahan...
"Ang cute niyong tingnan," sabi ko. Ngumiti si Kendrall.
"Cute talaga ako. Wow. Achievement. Napuri ako ng dyosa ng ETU," sabi pa niya.
Sinapok naman siya ni Pepper. "Sagutin mo yung tanong kong hayop ka! Bakit magkaaway si Kimee at Charoum?"
"Hindi naman yan ang tanong mo kanina eh."
"Basta, sumagot ka nalang!"
"Hindi ko rin alam, okay? Basta naririnig ko lang silang nagsasagutan kapag sila nalang ang tao. Para laging mga sasabog. Kaya bitiwan mo na ang kwelyo ko dahil baka mahalikan pa kita."
BINABASA MO ANG
Diary ng Dyosa
RandomThis story is a fan fiction of HaveYouSeenThisGirl's Diary ng Panget.