"A-ano?!"
Hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa kay Charoum. He's like hugging me from my back! Pero... totoo kaya yung sinabi niya? Kinabahan tuloy ako bigla. Kanina ko pa rin naman nafi-feel na may something talaga sakin. Kaya nga sabi ko iihi muna ako eh. Pero... may tagos ba talaga?
"You owe me one. Pasalamat ka na nakita agad namin ni Pepper. How come you didn't feel that? Dapat alam mo yan dahil katawan mo yan," bulong pa niya sakin.
Dahan-dahan akong tumingin sa mga nasa bleachers. May mga nakatingin samin at nagtataka kung bakit ganon ang pwesto namin. Nakita kong masama ang tingin sakin ni Myka. Nagseselos siya. Kung makasama ng tingin sa akin, akala mo pagmamay-ari niya itong bisugong nasa likuran ko.
"T-tunay ba? Meron?" tanong ko. Baka kasi ginagago na naman ako ng mga to eh.
"Tingin mo, isusugal ko ang malinis at mabango kong tshirt para lang ipantaklob sayo kung nagbibiro lang naman pala ako?"
I frowned. "Ang yabang mo naman! Ekskyusmi. Ang bango-bango ko kaya. So it's your pleasure!"
"Okay. Anong shampoo mo?" out-of-the-blue niyang tanong.
"Bakit?"
"Ang bango ng buhok mo."
Gusto kong magpapadyak sa kilig. "Wag mo ngang amuyin ang buhok ko! Nakakaasar ka," sabi ko na tinatago ang kilig sa kaibuturan ng aking puso.
"Ang bango kasi. So, maghapon nalang tayong ganito? Masyado ka nang kinikilig sa pwesto natin."
Nakikinita-kinita kong nakangisi siya. "Ang kapal mo! Baka ikaw." Pero ang totoo, tama siya. Lol. Cheret!
He chuckled. "Ikaw talaga. Ang galing mo. Kung pwede lang kitang yakapin dito, nayakap na kita."
Eeeeehhh? At bakit naman hindi pwede? Dahil ba nandyan ang magaling niyang hipon? Ganern? Girlfriend mo na ba siya, Charoum? 4r4y ko, bh3.
"Tatagusin ako lalo kung magtitigil tayo rito. Aalis na ako. Pahiram muna ng tshirt mo. Iuuwi ko nalang muna tapos ipapalaba ko kay Manang o kaya itatapon ko na tapos ibibili nalang kita ng bago. Okay?" sabi ko sa kanya. Kasi syempre, maarte rin naman kasi itong si Charoum. Baka sabihin matapos kong ipanaklob sa aking red flag ang kanyang tshirt, ibabalik ko pa sa kanya. Kahit pa sabihing nalabhan na. Elem nye nemen si Cherem. Meerte peg mensen.
"Hindi. Wag mo na akong ibili ng bago. Ibalik mo nalang sakin pagkatapos mong ipalaba. May sentimental value kasi yan eh," seryosong sagot niya.
Napaisip ako. Sentimental value? Bakit naman kaya? Hindi kaya bigay ito sa kanya ni Hips? Kung ganon, sunugin ko nalang kaya ito? Kunwari napadikit sa kalan na nakabukas. Joke. Hindi naman ako ganon ka-bitter. Gugupit-gupitin ko nalang.
"Okay." Kinuha ko na yung tshirt. Para ngang ayaw pa niyang bitawan. Ganoon ba talaga kahalaga sa kanya itong tshirt na to? "Ibabalik ko sayo to. Promise. Wala naman akong ibang gagawin sa tshirt na to kaya pahiram muna," naaasar kong sabi.
Ilang sandali lang siyang tahimik tapos binitawan na niya yung tshirt. Ako naman, ibinalot ko sakin yung lintik na tshirt na yun. Kung hindi ko lang talaga kailangan tong tshirt na to, itatanggi ko to. Siguro nga galing ito sa bwisit na hipon na yun! Pwe. Ang cheap ng taste niya. Hindi ko bet yung design at color nitong shirt. Hmp.
Nagmamadali akong naglakad palabas ng gym. Siguro naman ay ipagpapaalam nalang ako ni Pepper sa teacher namin. Emergency itey. Signal number 4.
Mabuti nalang at may mga klase yung ibang mga estudyante kaya kokonti lang ang tao sa corridor. Halos patakbo na akong pumunta sa locker area. Mabuti nalang lagi akong may spare uniform sa locker ko at may napkin akong pang-emergency. Muli na namang nagsitapunan ang mga love letters sa locker ko. Leche! Parami-rami sila. Nagse-sex kaya sila sa loob ng locker ko? Mygash. Ginawa pang motel ang aking locker.
BINABASA MO ANG
Diary ng Dyosa
CasualeThis story is a fan fiction of HaveYouSeenThisGirl's Diary ng Panget.