Oo na. Sabihin niyo nang OA ako dahil hanggang ngayong umaga ay hindi ko pa rin pinapansin yung kambal. Eh paano ba naman kasi! Natataranta na ako kagabi dahil sa pag-ubo-ubo ni Charoum... tapos joke lang pala? Buti kung nasa mood ako para sa mga ganoong jokes, okay lang. Pero hindi eh. Naba-bother na nga ako sa puno sa labas, natatakot na nga ako sa horror stories na kinukwento kagabi, ganon pa ang ginawa nila.
Yeah. I know. Hindi nila alam na ganon yung nararamdaman ko sa camp na to. Hindi nila alam na may phobia ako sa mga puno at natatakot ako sa mga horror stories. Pero basta! Nakakapikon pa rin.
"Naveen, sorry na."
Hayan na naman si Pepper. Kahit naman kasi hindi ko sila pinapansin, magkatabi pa rin kami ni Pepper sa pagkain at magkasama pa rin kami sa lahat. Yun nga lang, rigid ako sa kanya ngayon. One-liner ako o kaya naman tango lang. Hindi na naman talaga ako galit sa kanya masyado. Nagda-drama lang ako.
"Naveen..."
"Pepper, kumain ka na. Ang pangit mo," sabi ko saka sumubo. Kasabay namin yung mga kaklase namin sa pagkain kagaya ng sabi ng directress.
Si Charoum na usually katabi ni Pepper, ngayon ay nakahiwalay at tahimik. Doon sa katabi nung iba naming kaklaseng lalaki. Ngayon lang siya nakisama sa mga yun. Madalas kasi talaga si Pepper ang kasama niya. Kung hindi man, mag-isa siya. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw talaga niyang nasama masyado sa mga lalaki. Hindi naman siya bakla kasi kung bakla siya, sana nahalata ko na.
"Bati na tayo?" tanong sakin ni Pepper.
Simula kagabi, nahalata ni Charoum ang pag-iwas ko sa kanila. Hindi na siya nangulit. Hindi na niya ako inaasar. Nakaka-miss tuloy.
"Oo na. Kumain ka nalang," bulong ko.
"Eh si Charoum?"
Hindi ako nagsalita. Bahala siya. Hindi sa galit ko dahil don sa nangyari. Dahil na rin siguro sa nakakahiyang pangyayari kagabi tungkol dun sa bra. Baka kasi kapag nagkabati kami, ungkatin niya bigla. Hindi ko pa kaya. Nahihiya pa ako. Ewan ko. Para akong engot.
Bago kami kumain ay nag-exercise muna kami sa labas. Tapos kumain kami ng almusal. Pagkatapos naming kumain ng almusal, pinagpahinga kami tapos maya-maya raw ay magsisimula na ang outdoor activities. Mabuti nalang at maliwanag. Hindi ako gaanong natatakot. Konti lang.
Balik na kami ni Pepper sa dati. Lokohan tapos barahan. Si Charoum... tahimik pa rin. It is not him. It's out of his character. Never pang natahimik ang isang non-stop talking machine. Tinutusok-tusok ako ng konsensiya ko. Si Pepper, napatawad ko tapos siya hindi?
EH KASI HINDI NAMAN SIYA NAGSO-SORRY! PAANO KO SIYA PATATAWARIN? Ganyan lang siya. Nakikiiwas. Pero hindi pa rin naman nagso-sorry.
Pagkatapos ng pagwo-walkout ko kagabi, tahimik lang siya. Walang imik at matamlay na lumabas mula sa kwarto. Hindi na niya ako kinausap afterwards. Para ngang siya pa ang galit eh. Nakakaloka diba? Wala nga siyang kinakausap na kahit sino eh. Tatawa lang siya, tatango, iiling, ngingiti. Parang bisugo.
BINABASA MO ANG
Diary ng Dyosa
AcakThis story is a fan fiction of HaveYouSeenThisGirl's Diary ng Panget.