"Okay ka lang, Naveen? Kanina ka pa parang balisa ah," sabi ni Clifford.
Hawak-hawak niya yung kamay ko. Parte yun ng kaartehan sa intrams. Yung paghawak niya, parang wala lang sakin. Hindi katulad kapag kay Charoum, para akong humahawak sa live wire.
"Wala naman," sagot ko.
Tumawa siya. "Ang tanong ko, kung okay ka lang. May iniisip ka nga siguro."
"A-ah. Sorry. Hindi ko naintindihan," sabi ko.
Nakatingin lang sakin si Clifford. Hindi na siya nagsalita. Dahil kung tatanungin pa niya ako nang tatanungin, baka masapak ko na siya. Wag niya akong kinukulit bagay ganitong nalaman na ni Charoum ang lahat ng sikretong itinatago ko.
Kung iisipin, ayos lang na malaman niya na may gusto ako sa kanya dahil alam kong hindi one-sided yung feelings ko pero... basta! Hindi pa ako ready na malaman niya ang tungkol sa mga bagay na iyon. Saka ang dami ng sikretong nakalagay doon. Parang hindi ko na kaya pang kunin yun sa kanya.
Break time namin nang buklatin ko yung cellphone ko. Nagtext sa akin si Pepper.
| Dyosa, sa waiting shed nalang tayo magkita mamayang uwian. |
For sure, kasama niya si Charoum. Sana hindi niya sinabi kay Pepper. Sana hindi.
| Hindi ako sasabay, Pepper. Gagabihin kami ng uwi. |
Kahit na hindi naman. Actually, baka nga medyo mapaaga pa kami dahil kaunti nalang naman ang pa-practice-in namin. Ilang sandali pa ay nagtext na si Pepper.
| Ganon? Hintayin ka na raw namin sabi ni Charoum. |
Ugh. Malamang sa malamang ay kakausapin ako ng hinayupak na yan. Hindi ko kaya! Nahihiya ako.
| Wag na. |
Kung kailangan ko pang tumalon sa likod na gate ng ETU para lang hindi kami magkita-kita, gagawin ko. Kahit pa kailangan kong makipagsiksikan sa paghihintay ng FX, okay lang. Wag ko lang makita si Charoum.
Bakit nga ba ako iiwas? Dahil hindi biro ang mga bagay na mababasa niya sa diary ko! Para na rin niyang hinalungkat ang inbox ko non. Para na rin niya akong nasilipan habang naliligo.
Medyo weird yung last kong sinabi. Disregard that. But still, I feel so embarassed. Iiwas muna ako. Magpapa-miss. Magpapaka-loka-loka kahit na matagal na akong ganon.
Balik na kami sa practice. Lutang pa rin ako. Bigla akong tinapik ni Clifford. Nagfo-formation kami.
"Ano?" inis kong tanong.
"Aba, hija. Baka naman gusto mong i-silent ang cellphone mo sa susunod. Kanina pa nagri-ring o. Bingi ka?" mataray na tanong sa akin ni Baklitang Hampaslupa. Na-echo sa buong gym yung boses niya.
Natunog nga ang cellphone ko. Ang lakas! May natawag.
"S-sorry po," sabi ko saka pinuntahan yung cellphone kong nagpa-party-party kahit na pinapagalitan na ako ni Baklitang Hampaslupa.
Malilintikan talaga sa akin ang bwisit na tumatawag na ito.
Syet.
Si Pepper!
Sasagutin ko ba? Kapag hindi ko ito sinagot, mapapagalitan ako lalo ng bakla. Kapag naman ikinancel ko, magtataka si Pepper.
"Hello?"
"Hoy! Pa-girl mo naman. Maka-hello ka! Anong wag na? Sabay na tayo. Wag kang maarte," bungad ni Pepper sakin.
"Pero ano..." Hininaan ko yung boses ko. "Mamaya pa kaming gabi."
BINABASA MO ANG
Diary ng Dyosa
AcakThis story is a fan fiction of HaveYouSeenThisGirl's Diary ng Panget.