Kagandahan Page 27 (The Goddess and the missing)

3.4K 74 6
                                    

Nagpa-practice kami na naman kami nang buong araw. Alam niyo yung feeling na parang kahit na nakakatulog ka lang sa klase at nagbibilang ng hibla ng buhok ay gusto mong bumalik at magklase nalang makasama lang yung taong gusto mo at makachikahan ang bestfriend mo?

Damang dama ko siya ngayon.

Mabuti nalang dinadala ko na lagi si Bambini. Para kapag nabo-bored ako, sinusulatan ko siya o kaya dino-drawing-an ng doodle kahit na hindi naman ako marunong. Ang madalas ko lang naman kasing kausap ko rito ay si Clifford saka si Kimee. Yung mga lalaki na kasamahan namin, nakatingin lang sa akin madalas. Yung mga babae naman, hindi ako nilalapitan. Ewan ko. Nai-intimidate siguro. Chos!

Pero ang totoo, pakiramdam ko ay pinag-uusapan nila ako. Ramdam mo naman kasi yun diba? Hindi naman sa assumera ako pero ramdam ko talaga. At feeling ko, hindi maganda ang pinag-uusapan nila tungkol sa akin.

Si Bambini ang naging kasangga ko sa lahat. Siya ang nakakaalam ng lahat ng sikreto ko at kagagahan ko. Siya ang ultimate secret keeper ko.

"Gusto mong pagkain, Naveen?" tanong ni Clifford.

Umiling ako habang patuloy na nagpapaypay ng sarili ko gamit ang kamay ko. "Ayoko."

Bigla namang may lumitaw na pamaypay sa kamay niya. Pinaypayan niya ako. Ang haba ng hair ko diba? Yung ibang magkakapartner, walang pakielaman sa isa't isa. Samantalang itong si Clifford, daig pa ang nanliligaw.

Oh, wait! Nanliligaw nga pala siya.

Pero hindi naman ako pumayag so basically, hindi siya nanliligaw. He is just being... sweet.

"Naveen, baka gusto mong—"

"Baka gusto mong lumayo-layo kay Naveen."

Lumakas ang signal ng radar ko. Mabilis na tumibok ang puso ko. Pinipilit kong pigilin ang mga ngiti ko. Syet! Na-miss ko siya.

"O, Charoum..." sabi ni Clifford. Napatayo pa siya.

Nakatingin sa amin ang iba naming kasamahan. Halos maglaway na yung iba naming kasamahang babae. Excuse me! Taken na by heart si Charoum. Wala na kayong pag-asa. Kemeness.

Si Charoum ang umupo sa pwesto ni Clifford kanina. Wala namang nagawa si Clifford. Iwas nalang siguro sa away.

"Tol, doon ka muna sa kabila. Mag-uusap lang kami ng baby ko."

Mabilis na binalingan ko si Charoum na nanlalaki ang mga beautiful eyes. Sino raw kakausapin niya?

Clifford frowned then left. Superior si Charoum kahit pa loko-loko yan at hindi halata. Hindi kasi nga magandang galitin ang isang Charoum Luis Salvatierra.

"Sino ang kakausapin mo?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw," sagot niya. Napigil ko ang hininga ko nang kunin niya yung kamay ko tapos pinaglaruan niya gamit ang kamay niya. Syet! Nakukuryente ako. Syet! Kinikilig ako nang over!

"H-hindi. Y-yung sinabi mo kay Clifford."

Nakaka-distract yung ginagawa niya sa kamay ko. Hihikain yata ako sa lintik na lalaking ito eh. Nanonood lang sa amin yung mga kasamahan namin. Gusto kong bawiin yung kamay ko pero hindi ko magawa. Ang sarap sa feeling ng ginagawa niya sa kamay ko.

"Alin?"

Leche ka! Pa-inosente pa itong hayop na ito.

"Yun ngang sinabi mo sa kanya."

"Hindi ko alam. Hindi ko tanda."

Pinapaulit ko lang. Ang damot! Hmp.

"Ah," sagot ko nalang.

Nilingon niya ako. Ang gwapo-gwapo ng hayop na ito kapag nangiti. Nakakaashhaar.

"Uuuyy. Gusto lang na ulitin ko yung pagtawag ko ng baby sa kanya eh," panunudyo niya.

My cheeks flushed. Napansin pa niya yun?

Malamang! Halatang halata kaya.

Umiwas ako ng tingin. "Hindi ah." Ang init lalo. Bwisit.

Pilit kong binabawi yung kamay ko pero ayaw niya. Mas lalo pa niyang hinigpitan yung pagkakahawak niya. "Namumula na naman siya o. Ang cute talagang mamula ng baby ko. Pa-kiss nga ako!"

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa sinabi niya. Shocks! Ang lakas pa man din ng pagkakasabi niya. Lalo tuloy napatingin sa amin yung mga tao sa gym. Hinampas ko siya. Napahiyaw siya nang malakas.

"Aray ko! Bakit kapag maraming tao, nahihiya ka sakin? Kapag nga tayo lang, pinupupog mo ako ng kiss," nakangising sabi niya.

Lalo akong namula. Inihilamos ko ang palad ko sa mukha niya. "Kapal mo! Hindi nga kita kinikiss."

"Weh? Nagtaka nga si Mommy noong isang araw at amoy-babae daw ako," sabi pa niya.

Akmang susuntukin ko siya nang mahuli niya ang kamay ko at ikinulong niya iyon sa loob ng kamay niya. Tapos inakbayan niya ako. Lakas maka-tsansing ni Charoum!

Gusto mo naman.

"Joke lang yun, guys!" sabi niya sa mga nakatingin. "Hindi siya nagpapakiss. Hanggang ganito lang kami. Kahit na maarte itong dyosang nasa tabi ko, conservative pa rin yan nang kaunti. Kaya mahal na mahal ko yan eh."

Charoum! Enebenemen... Masyado mo na akong pinapakilig. Bumabawi ba siya dahil absent siya kahapon? At tinawag niya akong dyosa! For the first time in history.

"Ang corny mo," komento ko para lang maitago ko ang kilig sa loob ko.

"Na-miss kasi kita eh. Ayoko naman kasing um-absent sana kahapon. Kaya heto ako ngayon, bumabawi sa dyosa kong baby."

At hindi ko na alam kung paano ko pa maitatago ang lintik na kilig na nararamdaman ko.

"Ang cute mo talagang kiligin."

Sunod-sunod na sinuntok ko siya. Tawa lang siya nang tawa. Yung ibang nanonood sa amin, napapangiti nalang. Si Clifford, hindi nakatingin. Si Kimee, pasimple akong tinanguan at nginitian. May silent understanding kami. De, joke. Haha.

Sa kasusuntok ko, nalaglag yung gamit ko. "Ayan! Ikaw kasi," maarte kong sabi.

Tumayo naman siya para pulutin yung mga gamit ko. "Ikaw kaya ang nanununtok," sabi niya.

"Ang gulo mo kasi," sabi ko. Tumayo ako habang pinapanood siyang namumulot. Kyot niya. "Sige, hampaslupang bisugo, mamulot ka lang diyan at ako ay kukuha lang ng inumin ko."

Nakita ko pa siyang ngumiti bago ako tumalikod tapos sabi niya, "Sama talaga ng ugali mo." habang natawa. Hindi ako na-offend. Tunay eh.

Nanguha ako sa cooler ng softdrinks. Pagbalik ko, ayos na ang gamit ko tapos medyo nakakunot ang noo niya.

"Bakit?" tanong ko.

Umiling siya. "Wala."

Uminom na ako ng softdrinks. "Bakit ka nandito?"

"Vacant. Wala akong magawa. Nakakasawa nang panoorin si Pepper at Kendrall na magpatayan sa room. Kung ma-guidance man sila, at least, hindi ako damay." Ngumiti pa siya. Shems. Nakakatunaw. "Saka miss na kasi kita."

Nakarinig ako ng impit na tili sa iba naming kasamahang babae. Ang landi ni Charoum.

Kalahating oras pa bago kami nagsimula. Kalahating oras pa ring nakulit si Charoum. Pabor na rin sa mga kasamahan naming babae. Narinig ko kasing crush nila si Charoum eh. Nakalibre silang silay habang ako, nakalibreng halay. JOKE! Nagbibiro lang ako. Masyado ka namang seryoso.

Uwian na namin nang tingnan ko ang gamit ko. Excited ako. Magkikita na ulit ni Pepper... at Charoum. Ang kiri lang! Pero nalusaw ang excitement sa dibdib ko at ginapang ako ng kaba nang hindi ko makita si Bambini. Hinanap ko na sa ilalim ng upuan at kung saan-saan. Wala talaga. Halos mangiyak na ako.

Nawawala si Bambini!

Nawawala ang diary ko!

Diary ng DyosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon