Kagandahan Page 12 (The Goddess and the wound)

4.7K 94 11
                                    

Marami ang natuwa sa pagkapanalo namin at marami rin ang nagreklamo. Kesyo porket section A kaya pinapaboran. Kesyo kaya nanalo dahil nanguha ng athlete mula sa ibang section. Lalo na ang section C, sila ang may pinakamaraming reklamo. Sila raw dapat ang nanalo dahil kanila naman originally si Kimee. Hanggang sa pati sa pagkain daw, nauuna pa rin kami. Napaka-unfair.

Natatawa nalang kami kasi hindi sila sports. Kasi tao sila kahit hindi halata. Ni hindi nila matanggap yung pagkatalo nila. Hindi naman kami ang pumili kay Kimee ah? Ang mga teachers ang pumili sa kanya. Hindi sa pinapaboran kami. Duh? Wala kayang athlete samin. Meron pala pero one-fourth lang ng klase dahil lahat talaga kami ay matatalino. Nangunguna sa mga bashers namin ay si Henny at Katalina. Bagay talaga yung mga yun. Ang papangit na, ang babaho pa. Chos!

Yung pambabash nilang dalawa sa section namin, napunta naman sakin. May HD daw ako kay Prince Charoum nila. Tama. Prinsepe nga si Charoum... frog prince. Ay wait. Bisugo nga pala siya. Pwe! May HD daw ako kay Bisugo? Nakakalurkie. Ano ba yung HD? High dlood? Hello der? Joke! Syempre, alam ko yun. Dyosa lang ako pero hindi ako tanga. Wala akong HD kay Charoum dahil unang una, hindi naman hidden yung desire ko sa kanya.

EEEEEEEEEEWWWWWW!!!! Kahit biro lang yung sinabi kong yun, nakakadiri pa rin. Kaderder. Ayun. Inasar nila ako. Eto namang "prinsepe" nila, damang dama. Ginagatungan pa. Kilig na kilig daw ako sa kanya. Like duuuuh! Ang pangit kaya niya. Feeling niya ang hot niya doon sa sexy dance niya kanina. Dahil dun sa sexy dance na yun, mas lalong dumami ang admirers niya sa seniors.

Habang kumakain kami, inaasar niya ako. Crush na crush ko raw siya. Napatawa nalang kami sa joke niya. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga kami sandali kaya nagkaroon pa ako ng oras para sulatan si Bambini tungkol sa nangyari sa takbuhan kanina.

Wall climbing ang sunod na laro. Kaasar lang. Hindi na naman ako magaling. Pihadong magaling diyan sina Henny at Katalina. Duuh! Unggoy kaya sila kaya siguradong magaling silang umakyat. Nag-warm up kami bago umakyat.

Dahil malaki naman yung aakyatin naming wall, sabay-sabay ang bawat isa sa bawat section. Bubunutin ng game master ang mga pangalan ng mga magkakalaban sa harap namin. Fortunately, hindi naman ako nabubunot pa. Unang nabunot si Pepper. Sabi ko sa inyo eh! May balat siya sa puwet. Mangiyak-ngiyak siya sa pag-akyat. Maliliit kasi yung batong tinatapakan tapos medyo matalas. Kaya kapag nagkamali ka ng tapak at napasadsad sa isang bato, mapuputol ang tuhod mo. Charot! Magagalusan ka lang. Pero hurtful pa rin yun no!

Nagtawag na ng bagong batch. Si Charoum ang napili sa amin. Kumindat pa siya sa mga fans niyang may catarata. Ang mga bruha naman, napasinghap pa! Bumaho tuloy ang paligid. Kahit kailan talaga, feeling gwapo ang bisugong yun. Papansin. -.-

Panalo siya. At syempre, ano pa nga ba ang mangyayari kapag nanalo siya? Chini-cheer siya ng mga bruha. Nag-flying kiss pa sa kanya si Henny. Nakakadiring bakla! Itapon na nga yan sa ibang planeta! Lagi yang nagko-contribute sa air pollution. Nakaka-suffocate.

"Ang gwapo ko na nga, ang galing ko pa," pagpaparinig sa akin ni Bisugo habang sinusuklay yung buhok niya gamit yung daliri niya. Oo na. Siya na ang gwapo!

"Feeler," bulong ko nalang.

Sunod naman na pinanlaban sa amin ay si Kimee. Napanganga kami nung umakyat siya. Halimaw ba tong lalaking to? Ang bilis niyang umakyat! Kuya ata ni Kimee si Kingkong. Panalo na naman kami. Pero hindi siya katulad ni Charoum na pa-etuc. Siya, pagkababa niya, dere-deretso lang siya paglalakad tapos umupo sa damuhan. Pagod daw siya. Magkaiba talaga sila ni Charoum.

Diary ng DyosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon