Napangiti nalang ako habang binabasa yung diary. Pakiramdam ko talaga, ako ang kinakausap nila. Kinilig ako nang sobra sa mga nabasa ko. Daig ko pa ang nagbasa ng pocketbook. Kaya siguro ito ang ipinangalan sa akin nila Mommy at Daddy. Dahil siguro dito sa diary na ito.
"Bambini!"
Mabilis na napatingin ako sa pinto ng kwarto ko. Mommy smiled at me. Nakaupo siya sa kama, sa tabi ko at tinutulungan akong mag-impake.
"Tawag ka na ng daddy mo," sabi niya. Ang ganda-ganda talaga ng mommy ko. At ang gwapo-gwapo naman ng daddy ko. Kaya naman ang ganda-ganda ko rin! Lahi nga talaga siguro kami ng mga dyosa.
"Mommy, ang ganda pala ng love story niyo ni Daddy!" tuwang tuwang sabi ko kay Mommy.
She smiled then placed her pointing finger in front of her lips.
"Wag kang maingay sa kanya na ipinabasa ko yan sayo ha?" sabi pa niya sakin.
I nodded vigorously. Dahan-dahan kong isinara yung diary nila Mommy at Daddy. Kailangan kong ingatan ito dahil luma na. Naninilaw na yung mga pages niya sa sobrang katagalan. May mga ilang pages na ring nalalagas. Luckily, the pages they wrote at are still intact.
We are packing our things today since we are leaving for England, where we will be spending our vacation and my parents' thirteenth anniversary, when Mom introduced me to Bambini. At first, I was confused. Like what? Ipapakilala raw ako sa sarili ko. Until she took out something from her desk. Isang pink at cute na medyo luma nang notebook. She made me read it.
I asked her what's inside it. She just told me to read it for me to know. Andoon pala yung 1/4 ng love story nila noong high school sila. Mixed emotions habang binabasa ko yung diary. Yes. Ang landi-landi ni Daddy kay Mommy noon. Ang cute-cute lang. Ang seryo-seryoso at strikto sakin ngayon ni Daddy pero ganon naman pala siya nung high school niya.
"Mommy, bakit mo po ipinabasa sakin to?" I asked her.
"Gusto ko lang i-share sayo yung mga pangyayaring yan. Pati na rin ang origin ng name mo," nakangiting sagot sakin ni Mommy habang inaayos yung buhok ko.
Akala ko, ipinangalan lang ako kay Tita Bambini, pinsan ni Daddy. Hindi pala. May iba pa palang meaning. Hindi mawala sa mga labi ko yung ngiti. Ang cute lang ni Daddy at Mommy noong high school sila. Tapos... hindi pa marunong si Mommy sumulat sa diary. Nauuna ang P.S. bago signature.
Pagkatapos naming mag-impake ni Mommy, ibinigay ko na ulit yung diary sa kanya. She shook her head.
"Sayo na yan, Bambini. Malay mo, maisipan mong mag-diary at diyan mo isulat ang love story niyo," sabi niya.
"Uso pa ba, Mommy, ang diary ngayon? Hindi na ata. Saka, paano po yung story niyo dito ni Daddy? Sayang naman. Mababalik-balikan niyo pa sana," sabi ko habang tinitingnan yung diary. Actually, ayoko pa ring ibalik kay Mommy. Gusto ko sanang angkinin na. Kaso sayang yung memories nila dito sa diary, saka, property nila ito.
Hinaplos ni Mommy yung pisngi ko. "Alam na namin yan ni Daddy mo. Napagdaanan na namin. Hindi mo naman pababayaan yang diary diba? Okay lang yan. Thirteen years na kaming kasal ni Daddy Charoum mo and counting. We've already created a lot of memories, and will create a lot more together. Sayo na yan, anak."
Niyakap ko si Mommy nang mahigpit. "Thank you, Mommy."
"Pero wag muna ha, Bambini? Saka na. Bata ka pa."
I nodded. Pagkatapos ay sabay na kaming lumabas ni Mommy ng kwarto. Mommy secured all the doors and windows. There will be someone to keep an eye on our house but it is better if we'll make sure if it is secure before we leave it. Paglabas namin ng bahay, nakahalukipkip habang nakasandal sa hood ng kotse namin ang gwapong gwapo kong daddy na nakasalamin pa.
BINABASA MO ANG
Diary ng Dyosa
AléatoireThis story is a fan fiction of HaveYouSeenThisGirl's Diary ng Panget.