Kagandahan Page 13 (The Goddess and the Mystery)

4.8K 92 10
                                    

Injured ako so habang naglalaro silang lahat, isa akong dakilang dyosang loner na nakatambay at inuugat na sa camp house. Nakaupo pa rin ako sa front porch kung saan ako iniwan ni Prince Charming... Pwe! Hindi bagay sa isang bisugo ang maging isang prinsepe. Never in my dyosa-est dreams!

Hindi ako umalis don. Ang hirap kayang maglakad! Hello? Feeling mo naman porket dito ako iniwan ni Charoum eh hindi na ako aalis dito para ang drama ko ay kung saan ako iniwan ni Bisugo ay doon din niya ako mababalikan. Ang corny na, ang arte-arte pa. Hindi bagay sa love story namin ni Charoum.

Love story? EW!

Seryoso na. 3 848 274. Yan ang bilang ng mga anay na karamay ko ngayon dito sa porch. Dami nila no? Ang babait nila. Sinasamahan ako. Ang tingin ko nga dito sa camp house ay hindi camp house eh. Isa siyang magkakahawak-kamay na mga anay na nagkorteng malaking bahay. Katuwa nga. May teamwork. Speaking of teamwork, kumusta kaya ang team namin? Mukhang natatalo na kasi kami kasi nakikita kong lumalabas na ang mga gatla sa noo ni Charoum. Hindi naman sa tinititigan ko siya no. Medyo slight lang. Napapansin ko kasi parang nawawalan na siya ng gana.

Hay. Gusto ko nang bumalik don. Ako kasi ang inspirasyon nung mga kaklase ko eh. Dahil wala ako don ngayon, nawawalan sila ng ganang lumaban. Natatalo tuloy kami. Tsk! Kahit naman kasi hindi ako athletic, malaki pa rin ang kontribusyon ko sa team namin. Para akong energy drink. I keep their cells running. Ganda ko kasi. Lol.

Nang tuluyan nang magreach sa maximum level ang boredom ko, kahit iika-ika at sobrang nasasaktan, tumayo pa rin ako at pumasok sa loob ng camp house. Kumakapit nalang ako sa mga gilid para hindi ako matumba. Parang nabuka lalo yung sugat ko sa tuhod. Nakakadiring isipin pero uhaw na kasi ako talaga. Hindi naman ako napilay. Masakit lang talaga siya.

Muntikan ko nang mabasag yung basong ininuman ko nang biglang may sumulpot na bisugo sa tabi ko. Mabuti nalang at mahigpit ang kapit ko sa baso. Kung hindi, baka dumami na to sa sahig at nadagdagan na naman ang sugat ko. Hindi ko alam kung mabilis ang tibok ng puso ko dahil ginulat ako ni Charoum o dahil nandito siya sa tabi ko. Hindi ko alam.

"Peste! Bisugo ka lang noon ah? Hindi ko alam na kabute ka na rin pala," singhal ko sa kanya.

Kinuha niya yung baso mula sa kamay ko habang nakangiti. Sinasadya niya atang magdikit yung balat namin. Nakuryente ako.

"Nawala ka kasi sa labas kaya pumunta na ako dito," sabi niya.

Tiningnan ko lang siya habang umiinom siya sa basong ininuman ko. Pagkatapos ay nilapag niya yun sa table tapos hinarap ako. Pawis na pawis siya.

Syet. Indirect kiss.

"I-ininuman ko yun," mahinang sabi ko habang tinuturo yung baso. Hindi niya ako pinansin.

"Masakit pa ba yung tuhod mo?" tanong niya. Hindi ako agad nakasagot. INDIRECT KISS!

Umiling nalang ako. Why are there butterflies in my stomach? Parang biglang gusto kong tumakbo papuntang kwarto at magtago. Pero hindi ko naman yun magagawa kasi masakit nga ang tuhod ko. Saka... nanlalambot ang tuhod ko sa mga mata ni Charoum.

Diary ng DyosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon