Kagandahan Page 14 (The Goddess and the Thunder)

3.6K 82 9
                                    

Nalinis ko na ang lahat ng dapat linisin sa mga gamit ko. Nagawa ko na lahat ng posisyon sa kama. Umupo na ako. Humiga. Dumapa. Nag-tumbling. Nagtatalon. Nag-planking. Halos lahat na ay nagawa ko para lang mawala ang boredom na nararamdaman ko na sobrang tumatagos sa dibdib ko.

Naloloka na nga ako. Pati pagbibilang ng buhok, sinubukan ko na. Gusto ko sanang makipagkwentuhan sa mga kasamahan ko dito sa camp house kaso mga busy sila. Saka ang mga old school ng mga pinag-uusapan nila. Hindi pa ako buhay nung mga panahon nung mga kinukwento nila. Kaya wala akong choice. Ayun. Tambay lang sa kwarto.

Pagtingin ko sa orasan sa bedside table ko, alas quatro pa lang pero medyo madilim na sa labas. Nakakatakot na naman yung paggewang nung mga puno. Umupo nalang ako sa kama habang nagba-backread kay Bambini. Wala na kasi akong magawa. Kanina nagkaroon ng kaunting signal. Pero yung kaunting signal na yun, tatlong messages lang ang pumasok. Dalawang walang kwentang GM ng mga co-seniors ko tapos yung isa ay text ni Kuya Chrome. Mag-iingat daw ako. Mag-text daw ako kapag hindi ako busy. Ang sweet talaga ng kuya ko.

Sinubukan kong matulog pero naudlot yun nang biglang kumidlat. Napatalon ako mula sa pagkakahiga. Mabilis akong napaupo at niyakap ang unan. Bakit ba lagi nalang ganito? Lagi nalang akong tinatakot.

Nagsimula na namang manindig ang mga balahibo ko. Lalo na nang makita ko ang pagguhit ng kidlat sa labas mula sa bintana ng kwarto nila. Bawat pagkulog ay napapakislot ako. Tinakluban ko ang mga tenga ko pero rinig na rinig ko pa rin. Hindi ko na napigilan. Napaiyak na ako.

Hindi ko magawang makatayo sa sobrang panginginig ng mga tuhod ko. Hindi ko kaya. Hindi ko na kaya.

Tatayo na sana ako para lumapit sa nagkakagulong mga teachers at staffs sa labas ng pinto pero muli na namang kumidlat kasabay pa ng isang pagkulog. Napaupo ako sa sahig at napahagulgol. Bakit walang napasok sa loob ng kwarto para tulungan ako? Hindi ba nila ako naririnig? Nalimutan ba nilang nandito ako? Walang ibang tutulong sa akin. Wala sila Pepper. Wala sila Kimee. Wala sila Charoum.

Muli akong napahagulgol. Isinubsob ko ang sarili ko sa unan na yakap-yakap ko pa rin. I knew it! I shouldn't have come to this frigging camp. Maybe if I just stayed in our house instead, I wouldn't be this helpless. I never wanted to be helpless.

This is the perfect time to pass out but it didn't happen. Para akong tino-torture sa bawat pagkulog at kidlat. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba. Wala ba talagang ibang makakatulog sa akin?

I was about to ask myself that question once more until someone opened the door. Kahit pa iyak na ako nang iyak, inangat ko pa rin ang ulo ko para tingnan ang pumasok. Tinitigan ko lang siya. Ayoko sanang makikita niya akong mahina. Ayokong nakikita niya akong ganito.

Imbes na panoorin lang ako sa pag-iyak, pinanood ko lang siya nang halughugin niya yung gamit ko. Nakita ko nalang na inilabas niya mula sa gamit ko yung headset ko at yung cellphone ko. He plugged the headset in my cellphone. Muli na namang kumidlat at kumulog. Napasigaw ako at napatakbo papunta sa kanya.

Napayakap ako sa braso niya.

"Sshh. Andito lang ako," bulong niya sakin. It somehow gave me a relief; knowing someone is here for me.

Pinaupo niya ako sa kama tapos tinabihan niya ako. Binalot niya ako sa kumot tapos ipinasak niya yung dalawang headset sa tenga ko. Maya-maya nakarinig ako ng malakas na tugtog mula sa playlist ko. In an instant, my nerves calmed bit by bit. Pinunasan niya yung luha ko gamit yung thumb niya. Tapos... hinalikan niya ako sa noo.

Saka niya ako inakbayan. Nakita kong nagalaw ang bibig niya habang hindi nakaharap sa akin. Tinanggal ko yung isang headset sa tenga ko para marinig yung mga sinasabi niya. Kumakanta siya.

Oo. Boses nuno na bisugo pero nakakakalma. Napasigaw ako nang muling kumidlat. Inis na binalingan niya ako. "Wag mo kasing tanggalin," sermon niya sakin saka muling ipinasak yung headset sa tenga ko.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nakanta siya. Hindi ko rinig pero alam kong nakanta siya. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko pero alam kong hindi na dahil sa kaba. Kundi dahil sa kanya. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa. Pero sa mga ginagawa niya at sa bawat pagtingin ko sa kanya, iisa lang ang alam ko.

Hindi ko na maitatangging nahuhulog na naman ako.

Nagpatay-buhay yung mga ilaw. Lalong humigpit ang yakap niya sakin. Sa pagitan ng paghikbi ko ay natutuwa pa rin ako. Kahit pa madalas kaming mag-away, andiyan pa rin siya para sakin. Kahit nilalait niya ako, pino-protektahan niya ako.

"Naveen!"

Naghahabol ako ng hininga nang bumangon ako. Nabungaran ko ang mga nag-aalalang mukha nila Pepper, ng directress, ng ilang mga kaklase at ka-batch ko. Pati na rin ang masagwang mukha nila Henny at Katalina.

"Hija, are you okay? Nakatulog ka ata habang hinihintay kami. You were having a nightmare," sabi ng directress namin.

Hindi pa rin ako makapagsalita. Nananaginip lang pala ako. May hinahanap ang mga mata ko sa dami ng tao sa loob ng kwarto ko.

"Ngets, okay ka lang?"

Mabilis na binalingan ko si Charoum na nasa tabi ko lang pala. Alalang-alala ang mukha niya. Katulad ng mukha niya doon sa panaginip ko.

Hindi ko siya sinagot. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko. Alam kong lolokohin kami pagkatapos nito. Siguradong iba ang iisipin nila. Siguradong bibigyan nila ng malisya kahit na ang totoo ay meron naman talaga para sakin. Basta ang gusto ko lang ay mapakalma ang sarili ko. At ito lang ang alam kong paraan.

Niyakap ko nang mahigpit si Charoum. Suddenly... Expectedly, I felt calmed and safe.

~~~

Dear Bambini,

Oo na! Hindi ko na itatanggi. Crush ko pa rin si Charoum. Hindi ko nga alam kung crush lang to eh. Basta bahala na. Kaloka talaga yung panaginip ko. Nakakatakot! Ayoko na ulit managinip nang ganoon.

Sobrang higpit ng yakap ko kay Charoum. Pero hindi siya umangal. At alam mo ba, Bambini, sa sobrang kagagahan ko, napaiyak ako habang yakap siya. Ang bango-bango niya. Ang sarap niyang yakapin. Alam kong isang malaking kahihiyan ito para sakin pagkatapos. Bahala nang gumawa ng alibi. Kunwari nalang ay lipang pa ako nang mga panahong iyon at napagkamalan kong si Pepper si Charoum kaya siya ang nayakap ko tutal magkamukha naman silang dalawa.

P.S. Charoum hugged me back. Tumili si Pepper at nainggit ang sambayanan.

P.P.S. There were scorpions, snakes and piranhas in my stomach during that time. Oo na. Kileg. Haha.

Yours Goddessly,

Naveen Jaizz

Diary ng DyosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon