Kagandahan Page 30 (The Goddess at rest)

3.3K 85 1
                                    

Maaga akong nagising. Ewan ko ba, kung kailan wala naman akong pasok saka ako maagang nagising. Tapos kapag may pasok, saka ako tinatamad bumangon. Ganon nga talaga siguro ang mga dyosa, pabago-bago ng isip.

Pagkamulat ko, hindi pa ako naghihilamos ay yung cellphone ko agad ang kinuha ko. Nag-expect ako ng text mula kay Charoum. Hindi naman ako na-disappoint. Umagang umaga, ang landi ni Charoum. Ganon naman ata talaga siya sa bawat oras.

Good morning, baby girl. ;) |

Mabilis na dinampot ko ang unan ko at itinaklob iyon sa mukha. Saka ako tumili nang bonggang bongga. Basta! Nakaka-leche sa kilig ang pagtawag niya sa akin ng ganon. Alam ko, ang corny niya kung iko-compare mo sa ibang "personalized" endearments na ginagawa ng ibang couples. Wow, couple ba kayo? Pero nakakakilig pa rin siya nang over the batok.

Kahapon pagkatapos niyang mag-text sa akin nang ganon, hindi ko na siya nagawang reply-an. Eh anong irereply ko? Wala akong masabi.

Good morning! |

Text ko sa kanya. Nakangiting bumangon ako at nagpunta sa banyo ng kwarto ko. Pagkatapos ay bumaba na ako. Sinalubong ako ng mga nakahanay naming katulong. Binati nila ako habang ako naman ay kulang nalang ay sumayaw habang nababa ng hagdan sa sobrang kasiyahan. Napansin nilang sobrang saya ko ngayon pero hindi naman sila nagtanong.

Hanggang sa pagkain ay ang saya-saya ko. Wala lang. Basta masaya ako. Takang taka rin sila Mommy. Banat agad sa akin ni Daddy? Kung may boyfriend na raw ba ako. Ngumiti ako at umiling. Nagkatinginan nalang sila ni Mommy. Si Kuya ay nasa isang photoshoot para sa cover ng isang magazine rito sa bansa. He'll be staying here until tomorrow. Ayaw daw niyang mawala sa kauna-unahang pageant na sasalihan ko.

Ine-expect kong matatagalan bago maka-reply si Charoum dahil may klase siya pero nagkamali ako. Ang bilis mag-reply!

Ang boring ng klase. Wala ka. :( |

Heto na naman po si ChaLandi.

Ilang araw naman akong wala ah? Ngayon ka lang na-bored? |

Ang bilis talagang mag-reply ng mokong.

At least, alam kong makikita naman kita sa uwian. Eh ngayon, wala ka. |

Nagta-type pa lang ako ng ire-reply ko sa kanya nang magtext na naman siya.

Hoy, babae! Hindi mo pa nakukuha sa akin yung diary mo. :) Bahala ka. Itatago ko na ito. |

From "baby girl" to "babae"? Medyo gago ang bisugo.

Hoy, lalaki! Wag na wag mong itatago yan. Finders keepers. Palibhasa, iniwan mo sa room. |

| Correction: naiwan ko. |

| Ganon na rin yun. Ibalik mo yan sakin. |

| Kiss muna. :)) |

"Tingin ko nga, may boyfriend na itong anak mo. Ngiting ngiti sa katext niya o," puna sakin ni Daddy.

Naka-de quatro akong nakaupo sa couch habang si Daddy ay nakaupo ay nagda-dumbell. Napatingin ako kay Daddy.

"Hayaan mo na nga yang anak mo. Kung napapasaya naman siya ng boyfriend niya, why not diba?" pag-extra ni Mommy.

Kaya love na love ko yan si Mommy eh. Supportive!

"Kinukunsinte mo naman eh," sabi ni Daddy.

Nameywang si Mommy sa harap ni Daddy. "Para ka namang hindi dumaan sa pagkabata." Tinabihan pa ako ni Mommy saka hinaplos ang buhok ko. "Okay lang yun. As long as dapat makilala natin kung sino yung boyfriend niya. At dapat hindi mo mapapabayaan ang grades mo ha?"

Diary ng DyosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon