Gusto ko nang takluban ang tenga ko pero di ko magawa. Hindi ako makapagconcentrate sa pagsusulat. Paano ba naman, kanina pa umiimik... Oh, scratch that. Kanina pa nagyayabang si Charoum sa likuran ko. Nakasandal siya sa sandalan ng upuan ko tapos kanina pa paulit-ulit na nagyayabang, eh wala naman akong pakielam.
"Kanina nga eh, sinabi na naman niya sakin na crush niya ko. I mean, alam ko na naman yun. It's just that... nakakasawa din sa pandinig."
Seriously? Who cares? Eh ano naman kung nakakasawa na pinauulit-ulit sa kanya ng admirer niya kuno na crush siya nito? Eh ramdam na ramdam ko rin naman kaya yun! Nakaka-relate kaya ako. Yung akin nga eh, ako pa mismo ang nagbabasa ng gusto nilang sabihin. Di gaya ng kanya na sinasabi lang sa kanya ng mga bulag na admirers niya.
"Tapos kagabi, nagtext sakin si Penna ng 'Good night, Charoum. Saranghaeyo.' Ang baduy naman non. Hindi naman ako koreano."
Hindi ko alam kung nang-aasar lang ba siya o talagang sinasadya niya to para hindi ako makapagfocus sa discussion at wala akong maintindihan. Alam niyo kasi, magkalaban kami ni Charoum sa pagiging Uno ng klase.
Dito sa school namin, walang top 10. Uno, Dos, Tres, Quatro, at Cinco lang ang pwede. Last year, Uno ako. Dos lang si Charoum kasi natalbugan ng beauty ko ang kahambugan niya.
"O, Ngets. Hindi na nakaimik? Hirap talagang maging gwapo."
"Ano namang koneksyon non? Hindi ako umiimik kasi masasayang lang ang laway ko. Walang kwenta rin naman ang sinasabi mo."
"Sungit naman. Pero seryoso, Panget..." He never call me by my name. "...naging crush mo ba ko?"
Okay. Bakit kailangang paulit-ulit ang tanong?
"Kapal naman ng mukha mo."
"Weh? Talaga? Halata naman kasi sayo na may crush ka sakin eh."
I made face. "Feeler."
"But you always blush whenever I'm with you."
Hindi ko na napigilan. I faced him and almost shouted, "Ang kapal ng mukha mo! Hindi kaya!"
He raised his both hands in front of me. "Oh, chill. Relax lang, Panget. Defensive mo naman atang masyado." Sabay ngisi.
"Hindi ako defensive. Feeler ka lang."
"Taray mo na naman."
"Hindi ako mataray," sabi ko.
"Eh kung hinahalikan kaya kita sa tuwing tinatarayan mo ko. Makakarami siguro ako sayo no?" pang-aasar pa niya. Hinarap ko siya tapos...
"Ouch!" pigil ang sigaw na daing niya. Hinihimas niya yung noo niya na pinatok ko ng pencil.
"Pwede? Wag ka nang umimik. Ka-badtrip ang boses mo eh. Para kang ipis," sabi ko. Akala ko tatahimik na siya pero umimik pa.
"Mapanakit ka talaga. Lagi mo nalang akong sinasaktan. Hindi mo naman ako minamahal."
Eh?
Humarap ako sa kanya. Papatukin ko sana ulit siya nang pigilan niya ako.
"Joke! Joke lang! OA naman neto. Hindi maki-ride sa joke. Wag na. Tama na. Masakit, aba. Tatahimik na ko," sabi niya tapos he sheepishly smile.
"Good."
And I'm actually glad he did.
-
Sa kasamaang palad, kanina lang ay nagsuka ang ballpen ko na binalik sakin ni Charoum. Ang malas talaga nung lalaking yun! Dinamay pa ko! Kaya ibinigay ko na lang sa kanya. Iuwi niya yon. Bahala siya. Chaka niya.
At habang pinaiinit ni Charoum ang ulo ko, ang kanya namang twin sister ay tamang watcher lang.
"Sa susunod magdadala na ko ng madaming crumpled paper," naiinis kong sabi.
"Para san naman?" tanong sakin ni Pepper.
"Ibubusal ko sa bibig ng kakambal mo. Ingay kanina. Hindi ako makapag-concentrate sa pag-aaral," reklamo ko.
"Alam mo, lagi na lang kayong magkaaway ng kambal ko. Kung hindi lang ako malisyosa, iisipin kong..."
"Ay naku! Sorry. Hinding hindi ako magkakagusto sa kulugo mong kambal."
Hindi na ulit.
"Okay fine." Then she shrugged. "Pero wala talagang chance? Kahit konti?" tanong niya ulit.
"Wala nga. Kulet," inis kong sabi. Ano bang ibig niyang sabihin?
"Malay mo lang," sabi niya.
"Bakit? Kung crush ko ba ang kambal mo, ikaw ang magiging bridge?"
"Ha?"
"Wala."
Ano daw? Bakit ba sinabi ko yun? Chaka naman. Si Pepper, gagawin kong bridge sa aming dalawa? At si Charoum? Magiging crush ko ulit? Never. Itago niyo yan sa bato at balun-balunan ni Charoum.
Pagdating namin sa locker area para pumunta sa lockers namin. Magla-lunch na rin naman eh. Binuksan ko yung locker ko para kunin yung extra uniform ko. Buti na lang may extra ako. Kasi kung wala, naku! Makakalbo ko talaga si Charoum.
Hinayaan ko na lang na malaglag sa paanan ko yung mga love letters. Wala ako sa mood magbasa ng kakornihan nila. Kailangan kong magpalit. Baka dumikit na sa katawan ko yung tinta ng ballpen. Medyo mahirap yun tanggalin.
"Pepper, tapos ka na sa locker mo?" tanong ko kay Pepper.
Narinig kong sinarado niya yung locker niya. "Oo. Tara na."
"Teka, magpapalit muna ko. Una ka na," sabi niya.
Tumango lang siya. Maglalakad sana ako papuntang CR kaso nasa dulo pa ang girls' room sa second floor. Dapat talaga meron ding CR dito sa malapit eh.
At dahil tinamaan ako ng katamaran, tinamad na kong pumunta sa CR. Naghanap na lang ako ng room na pwedeng pagbihisan. Marami rin kasing unused rooms dito eh. Wala pa naman masyadong tao since hindi pa lunch break. Pero kailangan ko na ring bilisan kasi lunch break na mamaya.
Pumasok ako sa isang room na parang tambakan ng props ng mga clubs. Wala naman sigurong papasok dito no? Props na nga lang ang laman eh. Ilalock ko sana yung pinto kaso sira yung lock. Tinambakan ko na lang ng medyo mabibigat na props yung pinto. Wala na naman sigurong makakapasok diyan. Saka mabilis lang naman ako.
Nahubad ko na yung uniform at sando ko. Demonyong tinta ng ballpen na yan! Pati sando ko, nalagyan.
Isusuot ko na sana yung sando ko nang marinig kong may bumagsak sa pinto. My cheeks flushed when I saw blushing Charoum in the doorway. Nanlalaki ang mga mata niya.
"B-Bustamante..."
Wala nang lumabas na words sa bibig ko. Basta sumigaw lang ako. Sabay pa kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Diary ng Dyosa
RandomThis story is a fan fiction of HaveYouSeenThisGirl's Diary ng Panget.