Kagandahan Page 8 (The Goddess and the Beat)

4.6K 121 4
                                    

Kagandahan Page 8 (The Goddess and the Beat)

--

Naramdaman kong may nakadagan na kung ano sa ulo ko. And in fainess ha, ang bigat. Pakiramdam ko dinadala na ng ulo ko ang mundo. Ang sakit. Tapos...

*click*

Aba, teka. Flash ata yun ng camera ah? May nagpi-picture-an ba? O baka naman may nagpi-picture sakin? Pati ba naman pagtulog ko, pi-picture-an pa? Ganon ba talaga ako ka-ganda? Dahan-dahan akong nagmulat ng mata.

Nung una, blurred pa. Nag-a-adjust pa ang mata ko sa liwanag. At pagmulat ko, bumungad sakin ang mukha ni Pepper na engrossed na engrossed sa cellphone niya. Ano kayang meron don? At bakit nakatagilid ang mukha ko? Iaaayos ko sana ang ulo ko kaso may nakadagan pa rin. Ano ba to?

Ano ba tong nakapatong sa ulo ko? Ulo ba to? Ulo ni...

"Charoum! Gising na!" paggising sa kanya ni Pepper.

Nawala bigla ang bigat sa ulo ko. So ulo nga ni Charoum ang nakapatong sa ulo ko? Anong tingin niya sa ulo ko? Unan? Nakaayos na rin ako ng upo. Uminat si Charoum na katabi ko habang si Pepper ay nakatayo sa harap namin. Hindi ba nagalaw ang bus? Bakit parang petiks lang sa pagtayo ang pamintang to?

Yung totoo, bakit ang dami kong tanong sa chapter na to? -____-

Nang makaayos na kami ni Charoum, bigla kaming tinitigan ni Pepper nang nakakalokong tingin. Ano na naman ang nasa isip ng bruhang to?

"Oh... anong tinitingin-tingin mo diyan?" tanong ko habang sinusuklay ang buhok ko na parang walis na sa sobrang pagkafrizzy dahil sa byahe.

"Wala." sabi niya pero nakangiti pa rin. Yung ngiting may pinipigil na irit o tawa.

"Ang sakit ng leeg at balikat koooo." reklamo ni Charoum tapos in-exercise ang leeg niya.

"Paanong hindi sasakit ang leeg mo, eh ginawa mong patungan ng ulo mo ang ulo ko. Anong tingin mo sa ulo ko? Unan? Bigat na bigat ng ulo mo." singhal ko sa kanya habang todo polbo pa rin.

No make-up needed. Natural beauty lang, pak na pak na.

"Nakakahiya naman sayo, Panget. Syempre, mabigat ang ulo ko kasi maraming laman! Ikaw nga diyan. Makahiga ka sa balikat ko kanina. Anong tingin mo sa balikat ko? Kama?!" ganting singhal niya sakin.

"Aba! Eh malay ko bang mapapasandal ang ulo ko sa balikat mo. Sumakit nga bigla ang ulo ko. Tigas kasi ng balikat mo. Puro buto."

Inayos rin niya ang bag niya. "Hindi yun buto, Ngets. Muscles yun." tapos iniumang pa niya sakin yung braso niya na pinapakita ang 'muscle' kuno niya.

"Buto yan. Buto at taba." sabi ko.

"Sus. Taba daw. Muscle yan, Ngets. Maaaaseeel. Sumakay ka pa diyan." pagyayabang pa niya.

Diary ng DyosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon