Dali-dali kong sinuot yung sando at blouse ko habang si Charoum naman ay mala-kamatis na ang mukha. Umiwas siya ng tingin tapos tumalikod. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. My goodness! Of all, why Charoum? At bakit ba kasi napasok pa yan dito?
"S-Sorry. Hindi ko alam... na may tao pala rito," mahina niyang sabi habang nakatalikod.
"Eh sana kumatok ka!"
"S-si Pepper kasi... Sorry."
"O-okay. Okay lang." Sobrang nagmadali ako pagbibihis.
Okay lang? Naveen Jaizz, nasilipan ka ni Charoum, ang dating mo crush! Tapos okay lang? Hoy, naka-bra ka lang non. Okay lang?
"S-sige."
And then he left the room. Si Pepper? Bakit naman niya nabanggit si Pepper?
Halos mapaupo ako sa sobrang kaba. My whole system is still shaking when I reached my locker. Pagkalagay ko ng damit ko,pabalibag na sinarado ko yung pinto ng locker. Sumandal ako tapos napahawak ako sa dibdib ko. Hirap huminga! Yung tipong nakita ka ng ex-crush mo na naka-bra lang... Nakakaloka!
Pero wala na tayong magagawa. Nakita na eh. Nangyari na. Just let it go.
Kaso ang hirap! Nakakahiya talaga!
Hindi! Keri yan. Basta! Maganda naman ang katawan ko. Okay lang.
Hindi muna ako pumunta sa room. Medyo nag-cutting na ako sa last subject namin before lunch break. Ayokong pumasok sa klase. Makikita ko na naman si Charoum. Hindi ko pa ata kayang humarap muna sa kanya.
Nag-facebook nalang muna ako sa cellphone. Biglang nagtext sakin si Pepper.
From: Pepper
HOY, BRUHA! Di porket dyosa ka, allowed ka nang mag-cutting!
Gagang to. Palibhasa walang alam sa mga pangyayari sa buhay.
I texted her back.
To: Pepper
Bruha ka din! Alam ko. May emergency lang. Signal number 3.
Ang emergency kasi namin ni Pepper ay parang bagyo, may signal. Ang pinakagrabeng emegency ay number 6. Yung tipong life and death situation na. Yung kanina naman, medyo pa lang. Kaya kalahati lang.
Nagreply naman siya agad. Aba taray! Nagtetext habang nagkaklase. Mahuli sana to ng teacher namin. Joke.
From: Pepper
Oh? Ano na namang kaartehan mo yan? Tinatamad ka lang atang pumasok eh? O baka naman nilamon ka na ng locker mo?
Sana nga nilamon na lang ako eh. Kaysa dun sa nakakahiyang pangyayari kanina.
To: Pepper
Eh kasi eh! Nakita ako ng kakambal mong naka-bra lang.
Ay hindi! Wag to. Baka ipagkalat pa to ni Bruhaness. Akalain pa ng kambal niya, proud ako na nakita niya kong naka-bra lang. Mali. Mali. Mali.
To: Pepper
Basta.
Tapos sinend ko na. Huminga ako nang malalim. Narinig kong nag-ring na yung bell. Biruin mo yun! Naka-isang oras na kong nakaupo dito sa locker area? Nilagay ko na sa bulsa ko yung cellphone ko.
Makabalik na nga sa room. Napa-flat lang dito ang sexy butt ko. Tumayo na ko tapos dahan-dahang naglakad papuntang room. Tinitingnan ko kung nandun ba si Charoum. I badly need to avoid him right now! I am still nahihiya.
BINABASA MO ANG
Diary ng Dyosa
RandomThis story is a fan fiction of HaveYouSeenThisGirl's Diary ng Panget.