~
SUMAMA SI Cherry Anne kay Jack. Hindi siya sigurado kung saan siya nito dadalhin pero hindi na din siya naglakas ng loob na magtanong pa dito. Nanatili lang siyang tahimik. Ayaw niyang pangunahan si Jack. Alam niyang magulo pa ang isip nito, handa naman siyang magpaliwanag dito kaya pinanatili niya lang kalmado ang sarili niya.
They ended up one of those familiar hills in her life. Napamulahan ang kanyang pisngi ng maalala niyang dito muntik mangyari ang kanilang unang pagkakataon. This place is really special to her. To them ...
Tahimik na lumabas ng sasakyan si Jack at naglakad ito papunta sa isang mlaking bato. Tanaw na tanaw sa pwesto nito ang buong syudad. Bumuntong hininga siya, bumaba na din siya ng sasakyan kahit na hirap siya dahil sa laki na ng tyan niya. Her baby is growing bigger and bigger.
Naglakad siya papalapit kay Jack. Nanatili lang siyang nakatayo dhil hirap na din siyang umupo. Dinama niya ang bawat haplos ng sariwang hangin sa kanyang balat. Nilingon niya si Jack, hanggang ngayon ay wala pa din itong kibo na nakatanaw sa buong syudad.
Huminga siya ng malalim. "Jack .."
"Just answer me, Cherry. Is it mine?." Anito ng hindi man lang siya nililingon. Bago pa man siya makasagot ay muli nanaman itong nagsalita. "Silly! Anim na buwan ka lang nawala doon palang alam ko na ang sagot.!" Anito.
Napangisi siya bigla. That line sounds familiar.
Nilingon siya ni Jack dahilan para tuluyang magtama ang kanilang mga tingin. His eyes is full of missery, is it because of her ? Hindi niya maiwasang tanungin ang sarili. Pero nag dadalawang isip din siya dahil kay Amanda. Hindi na pwede, ayaw na niyang ipagsiksikan pa ang sarili niya kay Jack. May sarili na itong buhay, buhay na wala siya.
"Anim na buwan. Anim na buwan kang nawala pero pakiramdam ko anim na taon ang tinagal. Kung tutuusin napaka-iksi ng anim na buwan pero bakit pagdating sa akin parang napakahabang panahon nito." Napailing pa ito. Hindi naman siya umiimik, hinihintay niya lang ang susunod pang sasabihin ni Jack. "Sabi ko noong umalis ka, susundan ba kita? Babawiin pa kita? Sa totoo lang sinundan kita sa airport para sana ipaglaban ka. Pero tang ina! Sinong niloloko ko? I loose that last chance, Cherry and I know that you mean it. Ang sakit lang. Ang sakit sakit nung makita kitang may kasamang iba sa airport na para bang handa ka ng bumuo ng panibagong simula ng wala ako." May pait sa pananalita nito.
Damn it. Bakit parang naiiyak siya. No! Naiiyak na talaga siya. Seeing Jack like that makes her heart tightened. Bakit ba sinasabi ni Jack ng mga ito. Hindi ba't dapat masaya na ito sa piling ni Amanda.
"I didn't choose you 'cause I don't want to be selfish with Janella. Alam ko kung gaano niya kagustong makalaya si Dad and only Amanda can do that. Pero tang ina, akala ko kakayanin kong wala ka pero isa akong malaking gago dahil pinakawalan pa kita. Mahal na mahal kita Cherry Anne. Hindi ko alam kung paano ko papatunayan para maniwala ka, pero mahal na mahal kita. Sagad 'yon hanggang kaluluwa ko." Anito.
This time pareho na silang umiiyak. Pareho na nilang hindi napigilan ang lungkot na emosyon sa kanilang dalawa. Bakit ganoon ? Bakit kailangan nilang masaktan ng ganito? Bakit kailangan nilang maghiwalay gayong mahal naman pala nila ang isa't isa.
"J-jack ..." tawag niya dito kaya napalingon naman si Jack sa kanya. May luha pa din ito sa mga mata. "I hate you. I hate you so much for choosing her again over me."
"I know."
"Pero bakit kahit na gaano kita kamuhian ikaw at ikaw pa din ang laman nito." Sabay turo niya sa kanyang kaliwang dibdib. "Ikaw lang Jack. Ikaw lang ang umookupa dito. Hindi ko alam pero kahit na anong pilit kong tanggalin ka sa sistema ko, e walang epekto. I am the empress and you rejected me for so many times. I even seduce you but again you decline me. I should be cursing you now but why my heart can't stop beating for you, can't stop loving you. I hate myself for loving you like this. I hate myself because it was always been you even if I'm hurting. I'm badly hurting PJ." Aniya na patuloy ang pag agos ng mga luha niya.
"Bakit PJ? Bakit ang hirap hirap mong mahalin? Ano bang kulang sa akin at pakiramdam ko kahit na maging perpekto ako hindi pa din ako ang pipiliin mo? Why, PJ? Why?."
Nakita niyang tumayo na si Jack ay ikinulong siya sa kanyang bisig. Nasasaktan siya. Oo, sobrang nasasaktan siya pero may part sa puso niya ang masaya dahil nailalabas niya ang lahat ng mga saloobin niya sa dati niyang nobyo.
"Shhhh ... Don't cry, Che."
"Akin ka nalang kasi Jack .. Akin ka nalang .." humihikbing sabi niya.
Jack hugged her tightly sapat lang para hindi maiipit ang malaking tiyan ni Cherry Anne. "Sayo lang naman ako, Che. Sayong sayo lang naman ako. Wala namang nagmay ari sa akin kundi ikaw lang kasi ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito."
Kumalas siya sa bisig ng binata. How could he say those words gayong kasal na ito kay Amanda. Sa inis niya ay sinampal niya ito ng ubod lakas. Bakas sa mukha ni Jack ang pagkagulat.
"What the fuck was that for?." Naguguluhan tanong nito.
"How could you say that, Ferrer? Kasal kayo ni Amanda tapos sasabihin mong sa akin ka lang. I don't wanna be a mistress. Kahit kailan hindi ko pinangarap maging isang kabit." Inis na sabi niya. Yung kaninang emosyong nararamdaman niya napalitan na iyon ng inis lalo ng ng humagalakpak ng tawa si Jack.
"Ferrer, ano ba! Stop laughing!" She hissed. Nayayamot nanaman siya.
Pero kahit na naiinis siya bakit mas lalong gumagwapo sa paningin niya si Jack habang tumatawa. Ano ba Cherry. Tumigil ka nga.
"Aalis na ako. Argh ! Bwesit ka ang pangit mo." Inis na sabi niya bago tuluyang tumalikod at naglakas pabalik sa LaFerrari ni Jack. "Bwesit na yon ! Ang pangit pangit niya." Inis na sabi niya sa sarili niya.
"Che, wait." Sigaw nito.
Hindi niya ito pinakinggan hanggang sa makarating siya sa sasakyan ni Jack. Akmang bubuksan niya iyon ng mabilis siyang napigilan ni Jack. Nahabol pala siya ng gago. At tumatawa pa din ito hanggang ngayon. Bwesit talaga.
"I swear pag hindi ka tumigil babasagin ko itong windshield ng sasakyan mo." Banta niya.
Agad namang tumigil si Jack at kinulong siya nito. Ang magkabilang braso nito ay nakahawak sa kotse nito at halos magdikit na ang mukha nila sa sobrang lapit ni Jack sa kanya.
"L-layo!"
"I missed you, my Cherry. Hindi kami kasal ni Amanda. Hindi tama ang hinala mo." Anito.
Napakunot ang noo niya sa sinabi ni Jack pero hindi iyon naging dahilan para mawala ang tingin niya sa ma-masa masang labi ng binata. Damn! He look so damn sexy.
"B-buntis s-siya d-diba.?" Damn. Bakit ba siya nauutal. Hindi siya makapag focus dahil sa lapit ng mukha nila ni Jack sa isa't isa. She can also smell his minthy breath.
"Yeah. Pero hindi ako ang ama." Mabilis na sagot nito.
"Pero——"
Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya ng tuluyang angkinin ni PJ ang kanyang mga labi. God. How she missed his lips and the way he kissed her. Mas lalo niya pang napatunayan sa sarili niya kung gaano niya ito kamahal.
"I love you, Che." Anito sa pagitan ng kanilang halik.
"I love you too, PJ."
**