Seduce # 1

82K 1K 15
                                    

~

BORING.

Iyon ang unang napansin ni Cherry Anne ng makababa siya sa eroplanong sinakyan niya mula sa Paris hanggang dito sa Pilipinas. Sa totoo lang ay ayaw na sana niyang bumalik ng Pilipinas. Ang kaso nga lang ay kinailangan niya dahil nabalitaan nito na bumalik na ng mansion ang anak ng Tita Arianna niya.

Tsh. Matagal ng patay ito at wala naman siyang pakialam dito as long as sa kanya ipinagkakatiwala ni Maximo Domingo - ang lolo nila - ang kompanya nila. Ang kaso nga lang ay nabalitaan niyang doon na nakatira sa mansion ng lolo niya ang mga anak ng auntie niya. Ayaw niya ng may kahati ang gusto niya ay siya lang ang bida ! Siya lang ang reyna.

Dalawa lang naman ang anak ni Maximo Domingo, ang auntie ni Cherry Anne na si Arianna at ang kanyang ina na si Maxine na kasalukuyang nasa America kasama ang kanyang ama. Ang Auntie Arianna niya ay pinalayas ng lolo niya noong nalaman nitong nagbuntis ito at nag asawa ng walang kwentang nilalang. Kaya naman itinakwil ang kanyang auntie.

Which is her fault ! Duh !

Napairap na lang siya ng marating niya ang loob ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3. Wala pa ring pinag bago ang mga facilities dito sa Pilipinas. Puro walang class. Iyon ang nasa isip ni Cherry Anne.

Ugh !

"Take my baggage.! "

Mataray na sabi niya sa butler ng kanyang lolo na si Kiko na obviously ay sinusundo siya. Ganito siya ka-espesyal sa kanyang lolo. Dahil mula noong pagkabata niya ay ito ang nakasama niya. At ang lolo niya mismo ang nag alaga sa kanya. Iyon nga lang noong nagdalaga ito at nagkamuwang sa mundo ay mas pinilit nitong i-handle ang hotels nila sa Paris.

Cherry Anne flipped her hair as she ware her killer sunglasses. This is what she hate most in the Philippines. Sobrang init.

"Bobita ! Open the fucking umbrella !." Singhal niya sa katulong na kasama ni Kiko sa pag sundo sa kanya.

"S-sorry po maa'm."

"It's YOUNG LADY ! Tonta.!" Nag iinit na talaga ang ulo niya sa bobitang katulong na kasama nila. "Kiko, saan niyo ba napulot ang bobitang ito ?!" Mataray na baling niya sa butler ng kanyang lolo. "Anyway, don't answer it. Where is the fucking car ?. Dammit ! Ang init init." Sinabayan niya pa iyon ng pag irap.

Ganito siya umasta. Akala mo ay kung sinong may ari ng buong Pilipinas. Lahat ng kinaiinisan niya ay pinag iinitan niya. Kaya nga lumaki siyang walang kaibigan dahil alam naman niya kung gaano siya kamaldita.

Lahat na yata ng taong nakabangga niya ay hindi umubra sa pagka-bitch niya. Well wala naman siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya.

"Ayoko ng makita ang pagmumukha ng driver na ito Kiko. Napaka tanga mag drive ! Naabutan tuloy tayo ng traffic ! My gad ! Puro nalang ba mga tonta ang mga empleyado ni Lolo ngayon ?." Iritadong sabi ni Cherry Anne ng ma-traffic sila sa daan. Ganyan naman siya lagi. Mainit ang ulo.

She is, Cherry Anne Domingo Mavis. The only daughter of Cherry Maxine Domingo-Mavis and Richard Mavis. The lovely bitch grand daughter of Maximo Domingo the owner of Domingo Hotels. Siya ang pinaka bitch sa lahat ng bitch. At ang pinaka ayaw niya ay yung mga taong tanga tanga. Tss ! She's a perfectionist. Ganoon siya pinalaki ng kanyang mga magulang at isama mo ang sobrang pang i-spoiled sa kanya ng kanyang Lolo Maximo.

Actually kaya ayaw niya umuwi ng Pilipinas dahil ayaw na niyang makita ang lalaking minsang minahal at pinaka ingatan niya. Maging ang mga kaibigan nitong tinatawag niyang morons. Totoo naman kasi. Lahat silang magkakaibigan ay walang kwenta at puro babae lang ang inaatupag. Napairap nalang muli siya. Bakit niya ba iniisip ang lalaking iyon ? Tatlong taon na ang nakalipas at nakabaon na sa limot ang lahat ng iyon.

Seducing My Ex-Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon