~
LAHAT NG mga empleyado sa Domingo Hotel ay nagyuko ng makita ang pagdating niya. Ngayong araw balak niya sanang mamasyal kasama si Sony pero ikinansela muna niya iyon dahil maraming mahalagang aasikasuhin sa opisina. Isa pa, anim na buwan lang naman ang hiningi niyang bakasyon. Kahit na siya ang may ari, ayaw niyang magkarecord ng AWOL. Ganoon niya kamahal ang Hotel.
Maraming empleyado ang nagulat sa pagdating niya. Pero mas marami ang nagulat ng makita ang malaki niyang sinapupunan. Idiots.
Taas-noong nag lalakad siya sa hallway ng Domingo Hotel. Kasunod naman niya sina Kiko at anim pang unipormadong lalaki. Kasama niya sana ang pinsan niyang si Sean pero inatake ng katamaran ang isang iyon at mamaya nalang daw ito pupunta. Tss.
"Good Morning, Madame." Salubong na bati sa kanya ng kanyang sekretaryang si Blessirine sa labas ng opisina niya.
Yes, it's now 'madame' hindi na kasi bagay sa kanya ang tawaging 'young lady' dahil nagdadalang tao na siya. Hindi naman siya pabebe para magpatawag pa ng ganoon sa kanila.
Tinanguan niya lang ang sekretarya niya at pumasok na sa loob ng opisina niya. Ayaw niyang magpaistorbp dahil re-reviewhin niya pa ang mga records this past six months. Gusto niyang malaman ang mga nangyayari sa opisina niya noong wala pa siya.
Kakaupo niya palang sa mala tronong swivel chair niya ng bumukas ang pinto ng opisina niya. Napakunot ang noo niya. Hindi ba't sinabi niyang ayaw niyang magpa-istorbo.
"Who the hell --"
"Ohhh please ! Don't bitch me out Cherry Anne ! Nagtatampo pa din ako sayo.!" Sansala nito sa sasabihin niya.
It's her mother. Kasama nito si Amaya. Mukhang sinasanay na din nila ang dalaginding sa kompanya. She doesn't care. Mukhang wala naman na siyang magagawa para mapaalis ang mga ito sa sistema niya. Bahala na sila sa buhay nila.
Cherry rolled her eyes. "Mom, wala po akong panahon sa kadramahan niyo.." kinalma niya ang sarili niya. "Aren't you happy na mag kakaapo ka na ?."
Humalukipkip naman ang kanyang ina. Habang ang kasama nitong si Maya ay nakatingin lang sa kanya. Inirapan niya ito. "Umalis na kayo." Sabi niya pa.
"Okay. I'm still waiting for your answer, Cherry.!" Anito sa kanya bago umalis.
Ang tinutukoy ng kanyang ina na sagot niya. Ay kung sino ang ama ng batang dinadala niya. Haist ! Nakailang buntong hininga na ba siya sa tuwing tinatanong ng ina niya kung sino ang ama ng batang dinadala niya. Buti pa ang Lolo niya, mabilis kasing maka pick up ito. Alam na agad nito ang sagot sa paulit ulit na tanong ng Mommy niya.
Muli siyang napabuntong hininga at pinagtuuan ng pansin ang monthly sales report na hawak niya kanina bago dumating ang ina. Alam niyang anytime ay makikita na din niya ang lalaking iniiwasan niyang makita. Balita niya, nabawi na daw nito ang kompanya nila. Dapat lang naman dahil kasal na ito kay Amanda. To the fact na magkakaanak na din ang dalawa. Tss.
NAGLALAKAD si Cherry Anne kasama ang mga bodyguards niya sa buong hotel. Chineck na din kasi nila ang bawat department. Naiinis nga siya dahil lahat ay nagulat ng makitang nag dadalang tao siya. Alam niyang palaisipan sa mga ito kung sino ang ama ng dinadala niya. Chismis, ofcourse.
Lumiko na sila sa may kanang hallway para puntahan ang finace department. Sa pinsan niyang si Arra Louisa. Kahit na ayaw niyang makita ito, wala naman na siyang magagawa dahil nandito na ang mga ito. Isa pa, pagod na din siyang makipag patintero sa mga ito. As long as nasa kanya ang Domingo Hotels, wala na siyang pakialam sa mga ito.
"MAMA ANNE ! MAMA ANNE !." Anang pamilyar na boses.
Agad siyang nagawi sa pinagmulan ng boses na iyon. Tama nga siya. Nakita niya si Sony na tumatakbo papalapit sa kanya. Tumatalbog pa nga ang katawan nito dahil sa sobrang katabaan.
Sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap. "Sinong kasama mo dito, baby ?." Takhang tanong niya.
Imposoble naman kasing si Sync dahil alam niyang may pinuntahan ito kasama si Sean. Nagtext kasi sa kany ang pinsan niya na hindi na daw ito makakapunta dito sa hotel dahil may importanteng lakad daw ito kasama si Sync.
"Si Ninong po.!" Anito.Tinuro nito ang opisina ng pinsan niyang si Arra Louisa. Siguro ay si Kent ang tinitukoy nitong ninong.
Hinawakan niya ang kamay nito. "Lika, baby big boy ! Samahan mo akong maglibot." Aya niya.
Tumango naman ang bata at malapad siyang nginitian. This kid makes her really happy. Kung lalaki man ang magiging anak niya, sisiguraduhin niyang magiging matalik na magkaibigan ang dalawa. Hindi niya pa kasi alam ang gender ng magiging baby niya. Ayaw niya pa. Gusto niya kapag malapit na siyang manganak saka niya aalamin ang gender nito.
"Sony ! Sony !."
She froze. A very familiar voice is running towards them. Her world stop revolving. The time stop spinning. Kilalang kilala niya ang boses na iyon. Alam niyang papalapit na ito sa kanila dahil naririnig na niya ang mga yabag nito. What the fuck is happening to her ? Bakit hindi niya maigalaw ang sarili niya. Come on, Cherry. Escape.
Pero huli na. Standing in front of him. Is the man of her life. The she loves most. Prince Jack Ferrer. His mouth is a little bit parted like her. He's shock seeing her today. Kitang kita niya ang pagkagulat sa mga mata nito. Parehas silang nagtiti-tigan na para bang kinakabisado ang mukha ng isa't isa.
"C-che .."
She looked away.
She lost. Hearing his voice makes her heart triumph. Kasing lakas ng tambol ang tibok ng puso niya. May kung ano sa sarili niya na para bang gusto niyang yakapin at hagkan ang binata dahil sobra ang pangungulila niya dito. Pinigilan niya ang sarili niya.
"Ninong ! Ninong ! Do you personally know my Mama Anne ! She's my pretty Mama Anne."
Para bang hindi narinig ni Jack ang sinabi ng bata. Humakbang pa ito papalapit sa kanya. Gamit ang kanang kamay nito. Hinaplos nito ang kanyang pisngi. God ! His touch was electrifying. Hindi magpagkakaila na miss na miss na niya ang binata. Simpleng haplos lang nito ay malaki na ang epekto sa buong pagkatao niya.
"I miss you, my empress..."
Mabilis niyang pinunasan ang kumawalang luha sa kanyang mga mata. She can never be weak as this. He doesn't deserve any single tear.
"Move. I need to check every inch of my company." Aniya.
Umiling lang ang binata. Hindi nito alintana ang malamig na pakikitingo niya. "Ako ba ? Sa akin yan hindi ba ?."
Again. She froze. How did he know. Kinalma niya ang sarili niya. "Kiko, isama niyo muna si Sony sa opisina ko. Leave me for a minute. I need to talk to him."
"Copy, madame."
**