~
MASAYANG MASAYA sina Jack at Janella sa naging hatol ng korte para sa kanilang ama. Sa wakas at makakalaya na din ito. Ito na ang matagal na panahong hinintay nila. Sabi nga nila, worth the wait.
"Malaya na ang ama mo, Ferrer. But it doesn't mean na malaya ka na din sa akin. Akin ka lang Jack. Sa akin ka lang." Bulong sa kanya ni Amanda.
Ayaw niyang mapalitan ng inis ang natatamasa nilang kasiyahan ng kapatid niya, kaya hindi nalang niya pinansin ang mga sinasabi ni Amanda. Masaya siya ngayon at iyon ang dapat na isipin niya. Pagkatapos nito ay balak niyang habulin si Cherry Anne sa airport. Hindi man niya ito malapitan, gusto niyang makita ito sa huling pagkakataon.
"Kuya ! Kuya ! I'm so happy." Masayang sabi ni Janella sa kanila kahit na kanina pa ito umiirap kay Amanda. "Salubungin na natin si Daddy. Tara na Kuya !."
Nagpahila na siya sa kanyang kapatid. Halatang masayang masaya ito sa kaalamang makakalaya na ngayon ang Daddy nila. Siya din naman, ang kaso lang ay may kulang. Mas masaya sana kung nandito sa tabi niya ang babaeng mahal niya, hindi ang babaeng umiipit sa kanya. Tsk. Too bad, alam niyang wala na siyang pag asang mabawi pa si Cherry Anne.
DUMIRETSO na sila sa mansyon ng mga Ferrer. Malapad ang ngiti ng kanyang ama na nakalanghap na din ng sariwang hangin mula sa labas ng selda. Kasama pa din nila si Amanda, alam naman niyang hindi komportable ang kapatid at ama niya kay Amanda pero hindi naman niya pwedeng iwanan nalang ito ng basta. Ano pa man ang mangyari, malaki pa din ang naitulong nito sa kanila para makalaya ang ama niya.
"I want to talk to my daughter and son privately, Miss Amanda." Ma-awtoridad na sabi ng kanyang ama.
Nakita niyang ngumisi lang si Amanda. "I'll wait for you in your room." Bulong nito sa kanya.
Tango lang ang sinagot niya sa dalaga at saka sumunod na siya sa private office ng kanyang ama na siya ang gumagamit noong nasa bilangguan pa ito. Sinarado niya ang pinto at tumabi sa sofa na kinauupuan ng kanyang kapatid habang nakatanaw naman sa malaking glass window ang kanyang ama.
"Tell me, Jack. Who is she ?." Panimula ng kanyang ama.
"Papakasalan ko siya, dad." Walang buhay na sagot niya.
Nanlaki naman ang mga mata ng kapatid niyang si Janella. "Tange ka ba kuya ? Bakit mo pakakasalan ang babaeng yon ? Akala ko ba si Ate Cherry Anne ang mahal mo ?."
Umiling nalang siya. "Tinulungan tayo ni Amanda para makalaya si Daddy. I need to marry her in return."
Tumikhim ang kanyang ama kaya sabay sila ng kapatid niyang napatingin dito. Hindi niya mabasa ang mukha ng kanyang ama. Kung kanina bakas ang saya nito sa paglaya, ngayon ay parang hinahalukay ang ekspresyon ng mukha nito.
"Jack. Wala akong kasalanan. Alam iyon ng babaeng yon. Hindi mo kailangang isakripisyo amg kaligayahan mo dahil wala ka namang dapat isakripisyo. Anak, alam mong malinis ang konsensya ko."
Nagyuko siya sa ama. "Dad, hawak niya lahat ng controls ng account natin." Pag amin niya.
"Let me handle it, son. Now, go and run for your love."
Nabuhayan siya ng loob sa sinabi ng ama. Agad siyang tumayo at tinakbo ang pagitan nila ng pinto ng private office ng kanyang ama. "Go ! Kuya !." Dinig niya pang sabi ng kanyang kapatid. Napangiti nalang siya. Now, kailangan niyang habulin ang babaeng mahal niya. Kailangan niyang bawiin ito by hook or by crook. Wala na siyang pakialam kung nasayang niya ang huling pagkakataon na ibinibigay nito sa kanya. Kung kinakailangang lumuhod siya sa harapan nito ay gagawin niya makapiling lang muli ang babaeng mahal na mahal niya.