Seduce # 14

25.9K 520 3
                                    

~

ILANG ARAW na ang nakalipas at hindi pa din maganda ang lagay ng Lolo ni Cherry Anne. Palagi siyang dumadalaw sa hospital para bantayan ang kanyang Lolo, at sa mga araw na iyon ay hindi siya iniiwan ni Jack. Natutuwa siya, natutuwa siya at nasa tabi niya ngayon at lalaking mahal na mahal niya. Parte man ito ng laro o hindi pero natutuwa siya. Hindi niya lang iyon pinapahalata sa binata.

"Sweetie, I bought some foods. Kanina ka pa hindi kumakain.!"

Sweetie. How nice to hear.

"Hindi pa ako nagugutom.!" Tipid na sagot niya.

"Pero kanina ka pa hindi kumakain. Come, I'll feed you.!"

Hindi na nag inarte pa si Cherry Anne. Lumapit na siya sa binata at naupo sa sofa sa loob ng hospital room ng kanyang Lolo. Gustong gusto niya na pinagsisilbihan siya ng lalaking mahal niya. Masarap sa pakiramdam kahit na alam niyang panandalian lang.

Hindi maalis ni Cherry ang tingin niya sa binata habang sinusubuan siya nito. Ganoon pa din ang epekto nito sa kanya. Ang bilis pa din ng tibok ng puso niya sa tuwing malapit ang binata.

Pero ayaw niyang umasa. Ayaw niya.

"Dalawang araw nalang at matatapos na ang kalokohang ito.!" Sambit niya.

Bigla namang natigilan si Jack at kusang binitawan nito ang kubyertos na hawak hawak.

"Matatapos na ang larong 'to !." Dugtong pa ni Cherry Anne.

"Let's not talk about it, Che !."

Hindi inalis ni Cherry Anne ang tingin niya sa dating kasintahan or hindi naman talaga niya alam kung ano ba ang meron sila ngayon ng binata.

"You know that we should ! The game is about to over.!" Pagmamaldita niya. "I don't wanna see your face after this ! Ayoko ng guluhin mo pa ako.! Just go after this !."

Parang may kung anong matulis na bagay ang bumabaon sa puso ni Jack ng marinig ang mga sinabi ng dalaga. Hindi na niya ata kayang mawalay pa sa dalaga. Pakiramdam niya ay sasabog na ang pagnanais niyang makasama ito.

Pero paano si Amanda ?

Ilang araw na nito tinatakasan ang nobya niya. Alam niyang nabubugnot na si Amanda sa hindi niya pag papakita dito ng ilang araw pero anong magagawa niya ? Nais niyang makasama si Cherry Anne.

At kung maaari panghabang buhay.

"Please I don't wanna talk about this, Che." Pakli niya sa dalaga.

"NO ! One week is enough Jack. Just accept the fact that we are no longer Che and PJ after this. Hindi ba ito naman ang gusto mo ?" Humugot ng malalim na hininga si Cherry. "Ang lumayo ako sayo.!" Bahagyang bumaba ang tono ng pananlita ng dalaga.

No ! I want us like this.

Pinigilan ni Jack ang sakit na nararamdaman niya ngunit hindi talaga niya kinaya. Tumayo na siya at walang paalam na nilisan niya ang Hospital kung nasaan ang babaeng mahal niya. Fuck this love !

Sa ilang araw na maayos ang pakikitungo sa kanya ng dalaga ay ngayon lang ulit ito nag maldita sa kanya. Mas gusto niya pa din ang babaeng sweet na si Cherry kaysa sa malditang version nito. Pero alam niyang panandalian lang iyon at iniisip niya palang ang susunod na dalawang araw ay parang binibiyak na ang puso niya.

SUMAKAY na si Jack sa pinakamamahal niyang Lhamborghini. Pinasibad niya ang sasakyan kahit na hindi niya talaga alam kung saan siya pupunta. Kailangan niyang mag isip. Kailangan niyang pag isipan ang mga bagay na matagal na dapat niyang ginawa. Ngunit, napapabuntong hininga nalang ang binata sa tuwing naalala niya ang ama niya na hanggang ngayon ay nasa kulungan pa din at ang nakababata niyang kapatid na si Janella.

Seducing My Ex-Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon