Prologue

25 3 1
                                    

Hinalungkat ko ang notebook ko sa bag. Ito yung notebook na sinulatan ko ng story naming magkaklase. Mga classmates ko ang characters. Tungkol sa LOVE, HATRED, FRIENDSHIP, HORROR at iba pa. Basta kung anong mapasok sa isip ko, isinusulat ko.

Binuklat ko 'to hanggang sa last page. Tapos na nga pala 'tong storyang 'to. Natatawa pa nga yung bespren ko sa mga pinagsusulat ko dito eh. Siya rin ang tumulong sakin para tapusin ito.

Gabi ngayon at kasulukuyang nasa terrace ako nanunuod ng mga bituin. Hawak-hawak tong notebook ko, bigla nalang akong nakakita ng shooting star.

Pinunasan ko ang mga mata ko.
Baka nagmamalikmata lang siguro ako.

Pero-

PAPAANO KAYA KAPAG NAGKATOTOO ANG MGA ISINULAT KO SA NOTEBOOK NA ITO?

Imposible!

'Yan lang ang nasabi ko at pumasok na sa loob — para kasing lumamig bigla eh! Tsaka tinatawag na rin ako ni mama para maghapunan.

Dumiretso na muna ako sa kwarto para ilagay ang notebook sa bag ko.

————
Author's note:

I revised the story— changed the character's names , etc. I just want you to know especially sa mga nagbasa nito noon para hindi kayo magtaka bakit naiba 'to, nachange 'yon ganern hehe. Please continue reading and enjoy!

Vote na rin po!  Thank you!
Lablab :*

FollowedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon