Akala

5 0 0
                                    

Tulin lang ako sa paglalakad papasok sa campus at kahit hindi ko tingnan ay alam kong may mga matang nakamasid sa akin habang ako'y naglalakad.

Hindi ko ito pinansin at itinuloy lang ang paglalakad patungong classroom.

"Mara?" nakakunot-noong bati ni Ross sa akin. Tumabi ako ng upo sa kanya.

Pinagtitinginan ako ng iba ko pang kaklase dahil sa new haircut ko.

"Bakit ka nagpagupit?" takang tanong ni Ross sa akin. Nag-pout lang ako.

"For you to know na naka-move on na ako sa pagkamatay ni Leya at para hindi na kayo mag-alala pa sa akin." paliwanag ko.

Nailibing na nga pala si Leya at nabalik na rin sa dati ang lahat. Simula nung sunugin ko ang notebook ay wala nang patayang nagaganap.

"Bagay sa iyo ha in fairness!" compliment ni Ross sa akin. Nginitian ko lang siya.

"Nga pala 'yong kwento mo—" tiningnan ko lang siya. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Wala na 'yon, Ross. Sinunog ko na. Tapos na ang patayan. Wala ng mamamatay, Ross" nakangiti kong sagot sa kanya.

Nag-iba ang kanyang facial expression at sinamaan ako ng tingin.

"BALIW KA NA BA?" singhag niya. Tumayo siya at nag-walk out.

Anong problema niya?

Tumayo na rin nga lang ako at sinundan si Ross kung saan man niya balak pumunta.

"Drop the drama, Ross! Anong problema mo?" nakapamewang kong tanong sa kanya.

Nandito kami ngayon sa garden ng campus. Walang masyadong estudyante kasi nga may klase pa sila.

"Anong pumasok sa kukute mo at sinunog mo ang notebook? Hindi mo lang ba naisip na nang dahil sa ginawa mo, wala na tayong guide sa kung sino ang susunod na mamamatay! Inisip mo ba 'yon, Mara ha?"

"Hindi mo 'ko naiintindihan, Ross! Alam mo bang wala akong isinulat na bagay na ikamamatay ng kaklase natin pero kahit ganun, may namamatay pa rin! Kung hindi ko susunugin iyon ay mamatay tayong lahat!" paliwanag ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at walang umimik sa aming dalawa. Makalipas ang ilang minuto ay tumayo si Ross sa pagkakaupo niya.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit. Nagtataka man ay niyakap ko rin siya.

"Tama ka, Mara. Tama 'yong ginawa mo. Pagpasensyahan mo na ako. Nabigla lang ako sa sinabi mo" sincere niyang tugon sa akin.

"O-okay lang, Ross. Ang importante ay wala na ang notebook. Wala nang sumpa, Ross! Wala nang mamamatay" nakangiti kong paninigurado sa kanya.

Sumang-ayon lang siya sa akin at nagpasya na kami na bumalik na sa classroom.

Okay na ang lahat.

FollowedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon