"Ross, pahingi naman ako ng pabango" tugon ko kay Ross habang nagsusuklay ng buhok.
Sabay kaming uuwi ni Rodney ngayon. Hindi sa nagpapa-impress ako kay Rodney ah pero kailangan mabango ako. Ayoko namang masabihan na mabahong babae.
"Nasa bag, kunin mo nalang" sabi niya habang nagwawalis. Tumayo na ako at tumungo na sa upuan niya para kunin ang perfume sa bag ngunit bago ko pa man mabuksan ito ay agad-agad niya itong hinablot mula sa akin.
Tiningnan ko siya ng may pagtataka. Inilayo niya sa akin ang bag at siya na ang nagbukas at nagkuha ng pabango.
"Thanks?" sabi ko at sinauli ang perfume at nginitian niya lang ako.
Weird.
"Mara" napalingon ako kay Laila.
"May naghihintay sa'yo rito sa labas" sabi niya habang nakatingin sa labas ng classroom namin.
Bakit kailangan niya pa akong puntahan dito?
"Mauna na ako sayo, Ross ha" pamamaalam ko kay Ross at dinampot na ang bag ko.
"Anong nakain mo at naisipan mo pa talagang pumunta dito?" tanong ko kay Rodney at nauna ng maglakad sa kanya.
"Sinusundo ka, malamang" sabi niya at humabol ng lakad sa akin.
"Doon tayo sa parking lot" sabi niya kaya napahinto ako ng lakad. Anuraw?
"At anong gagawin natin doon?" takang tanong ko. Hinarap niya ako.
"Ang dami mong tanong " tanging sagot niya pero bago paman ako makareklamo ay hinila niya ako bigla at tumakbo kami papunta nga sa sinabi niyang destinasyon.
....
"Ayoko talagang gamitin 'to kasi driving is so tiring pero hindi ko naman hahayaan na ihatid ka sa inyo ng nagco-commute" pahayag niya habang binubuksan ang sasakyang nasa harapan namin ngayon.
Marunong siyang mag-drive?
"Ang bata mo pa ha! May license ka ba? " nakataas-kilay kong tanong. May kinuha siya sa pitaka niya at ipinakita ito sa akin.
"Student's license" banggit niya. Hindi parin ako nako-convince.
"Ano ba, Mara. You denied the libre a while ago. Don't tell me tatanggihan mo pa rin ako? Gusto ko lang naman magpa-impress sa'yo eh."
"Ewan ko sa'yo" sabi ko at pumasok na nga lang sa kotse niya.
Pinaandar niya na ang sasakyan at umalis na nga kami. Habang siya ay nagmamaneho ay ako naman ay nakatingin lang sa daan.
Walang nagsasalita. Kung nagpasound trip lang sana siya e mababawasan 'tong katahimikan sa loob.
"Are you hungry? Do you want me to buy you any food? Magdrive through tayo, gusto mo?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.
"'Wag na, ayos na 'tong paghatid mo sa'kin" tugon ko habang nakatingin pa rin sa daan.
"Ako nagugutom kaya mag drive-thru muna tayo sa Jolliboy" ani niya at sumang-ayon lang din ako.
Anong magagawa ko e siya ang nagmamaneho ng sasakyan? Alangan naman na komontra pa ako e ayaw rin magpatalo ng mokong na 'to.
"Ang dami naman niyan" sabi ko habang kinukuha niya ang order mula sa cashier. Inabot niya ito sa akin.
"It's not just for me. Hati tayo" sabi niya at kinuha ko naman ito para makapagmaneho siya ng maayos.
"Subuan mo naman ako ng fries please" pakiusap niya habang tinutuon ang tingin sa daan.
Ano ako, yaya?
"Ang arte mo ha" reklamo ko.
"Gusto kong kumain e. Anong gusto mo, huminto tayo tsaka kakain o dumiretso tapos susubuan mo ko? Kapag huminto tayo mas matatagalan tayong makarating sa bahay niyo" pagpapaliwanag niya.
ANG GALING TALAGA NG LALAKING ITO!
Isinubo ko na nga lang sa kanya ang fries kasi wala lang. Pinag-drive niya ako si maybe it's just fair? Ewan.
"Thanks for the ride." sabi ko habang lumalabas sa kotse niya.
"Anytime" tanging sagot niya at nagflying-kiss pa. Tarantado!
Sinamaan ko siya ng tingin at itinulak ang pintuan ng kotse. Tinalikuran ko na siya at pumasok na sa loob ng bahay.
————
"Kumusta? Anong nangyari kahapon? " tanong ni Ross at tumabi sa akin ng upo. I yawned before answering her question.
"Okay lang, hinatid niya ako sa bahay gamit ang kotse niya" walang gana kong sagot. Inaantok pa talaga ako.
"May kotse siya? Sabagay, sa porma niya palang halatang mayaman na kaya hindi na nakakapagtaka na may kotse ang kagaya niya" sagot ni Ross sa sarili niya. Nagkibit-balikat lang ako.
"So wala ng nangyari?" tanong niya ulit. Tiningnan ko lang siya.
"Oo, 'yon lang" tanging sagot ko.
"Ross, diba kayo ang cleaners kahapon? May nakita ba kayong liptint?" sabi ni Erik, ang bakla kong kaklase.
Tumayo si Ross at nilapitan siya. Nag-usap sila at ako nama'y nakatingin lang sa kanila.
"Mara, pakikuha nga nung liptint na nasa bag ko" sabi niya at tumayo naman ako para kunin iyon sa bag niya.
"Oh" sabi ko at lumapit sa kanila.
"Ayan na, rik. Next time kasi, ilagay mo sa bag mo after mong gamitin" paninermon ni Ross kay Erik. Bumalik ako sa upuan ko at nagtaka.
Bakit kahapon e parang may tinatago si Ross sa bag niya at ayaw niya itong pabuksan sa akin samantalang ngayon, okay na para sa kanya na galawin ko ito? Nakakapagtaka ha.
"Oh, anong iniisip mo diyan? " sabi ni Ross habang kinaway-kaway ang kamay niya sa harapan ng mukha ko.
"Wala naman" pagtanggi ko. Nag-pout lang siya at bumalik na sa upuan niya.
Bakit parang may itinatago si Ross?

BINABASA MO ANG
Followed
Tajemnica / ThrillerPaano kung mangyari sa totoong buhay ang ginawa mong simpleng storya? Gawa ng iyong imahinasyon na sa kasamaan ay nalagyan ng sumpa. Matutuwa ka ba lalo na't buhay ng iyong mga minamahal ang nasa bawat pahina? Enjoy! Vote din :)