Sikreto

23 1 0
                                    

Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak itong notebook na naglalaman ng kwento na ginawa ko.

"Anak?" Nabitawan ko ang notebook dahil sa pagkabigla.

"Ma, andito po ako sa kwarto" sigaw ko at narinig ko naman ang mga yapak na papunta sa kwarto ko. Kumatok muna si mama bago pumasok.

"Anak, gutom ka na?" Tanong sakin ni mama at hinaplos ang buhok ko. Tanging ang pagtango lang ang naisagot ko.

"May dala akong paborito mong fried chicken sa jollibee. Tara kain tayo" Aya niya sa akin. Nawala naman bigla ang kaba ko nung marinig ang word na fried chicken.

————

Nagmamadali akong makaalis sa bahay sa kadahilanang gusto ko nang maibahagi kay Ross ang nabasa ko kagabi.

Pumara agad ako ng jeep at sakto namang hindi masyadong traffic.

————

"Ross!" Nasa pinto palang ako at tinawag ko na ang pangalan niya. Lumingon siya at tumakbo ako papalapit sa kanya.

"Mara, nabasa mo ba?" tanong niya. Tumango ako at umupo kami.

Nilagay ko ang bag ko sa lamesa at hinalungkat ito para makuha ang notebook na naglalaman ng kwento na ginawa ko ngunit laking gulat ko nang makita na wala ito sa bag ko.

"Oh ano bang hinahanap mo diyan?" Tanong niya. I sighed deeply.

"Yung notebook kong may story. Nasa bag ko lang kasi yun eh" sabi ko.

"Sure ka? Baka naman naiwan mo sa inyo?" Nag-isip ako ng mabuti.

Shit!

Nahulog nga pala yun kagabi noong dumating si mama!

"Naiwan ko pala sa bahay. Akala ko nailagay ko na sa bag." pagpapaliwanag ko,  she tsked me.

"Ang tanda mo na talaga!" Sinimangutan ko siya.

"So anong nabasa mo? Spill it already." Utos niya. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Sa story kasi—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pumagitna sa usapan namin si Leya.

"Mara at Ross" tiningnan namin si Leya habang humihila ng upuan para tumabi sa amin.

"Nabalitaan niyo na ba?" Tanong niya.

Nagtinginan kaming dalawa ni Ross at nagkibit-balikat ako.

"It's about John. Nahuli na ang pumaslang sa kanya and guess what?  Mga gagong adik ang pumatay sa kanya. Trip lang kumbaga. Napaka-cruel diba? To think na innocent si John and did nothing bad to them." Naiinis na pagkekwento ni Leya. Nagkatinginan kami ni Ross.

"Also, kumakalat ngayon sa school ang balita na bakla raw si John. I'm not sure but that's what others are saying." dagdag pa niya.

"Leya, halika muna rito" pagtawag ni Kitty kay Leya at agad itong tumayo.

"Iwan ko muna kayo. That's the chika for now." Tugon niya bago umalis.

Hindi ko napansin na nanginginig na pala ako. Hinawakan ni Ross ang nanginginig kong mga kamay.

"Mara" Tiningnan ko siya.

"Dapat na ba tayong kabahan?" Tanong niya na mas lalong nagpatindig ng aking mga balahibo.

————

Sinamahan ako ni Ross dito sa bahay upang mabasa namin pareho ang kwento na isinulat ko.

"Sigurado ka bang dito mo nahulog ang notebook? Kanina pa tayo naghahanap pero wala parin tayong nakikita. " Reklamo ni Ross habang patuloy kami sa paghahanap sa notebook kong ewan ko kung nasaan na ngayon.

"Mara, wala naman dito eh! " Reklamo ni Ross at  umupo na muna sa kama ko. Tinabihan ko siya.

"Eh anong gagawin natin?" Tanong ko habang inililibot ko ang aking mga mata sa silid.

"Magkwento ka nalang" sabi niya at humiga na nga sa kama ko. Tiningnan ko siya at nagtaka.

"At ano naman ang ikukwento ko?" tanong ko. Umupo siya ulit.

"Sa tingin mo, bakit magkapareho yung pangyayari sa kwento mo at ang nangyayari sa kasalukuyan?" seryoso niyang tanong.

Tumayo ako. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya umiling nalang ako.

"Baka may sumpa yang notebook mo? Saan mo ba nabili 'yan? Baka naman—" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil naaalala ko na ang lahat!

"Tama!" Biglaang sigaw ko. Napatayo na rin si Ross at nilapitan ako.

"Anong tama? Tama na may sumpa?" Pang-ususyo ni Ross. Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat.

"Hawak ang notebook ko noong isang gabi,  nakakita ako ng shooting star at hindi ko alam kung bakit pero biglang pumasok sa isipan ko na what if magkatotoo ang mga isinulat ko sa notebook." kwento ko kay Ross.

"Tumpak! Nagkatotoo ang hiling mo, Mara!" Napakagat labi ako. Bakit 'yon pa kasi ang naisip ko nung mga panahon na 'yon?

"Ang kailangan nalang natin ay hanapin yung notebook para malaman natin kung ano ang susunod na mangyayari. Ang kaso lang eh hindi natin mahanap" Kamot ulong pahayag ni Ross.

Lumalalim na rin ang gabi kaya napagpasyahan kong pauwiin na si Ross.

"Ingat ka ha" sabi ko. Tumango naman siya at tinalikuran na ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext siya.

"Sikreto lang natin 'to ha."

Habang papasok ako sa loob ng bahay ay nakatitig lang ako sa screen ng phone ko—naghihintay na magreply si Ross.

"Oo naman. Secret natin"

Napangiti ako sa nabasa at ibinulsa ang phone ko. Pumasok na ako sa kwarto ko at nanlaki ang aking mga mata nang makita ang notebook na nasa kama ko na.

PAPAANONG?????

FollowedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon