Kasalanan

3 0 0
                                    

"Hindi ko akalain na magagawa niya iyon, Mara" naguguluhang pahayag ni Ross.

Umupo ako sa tabi niya.

"Ako rin Ross. May kaklase tayong kriminal. Mamamatay tao!" singhag ko. Tinitigan ako ni Ross.

"Pero bakit nasali si Gasel? Diba wala naman siya sa kwento mo?" takang tanong niya. Napaisip ako.

"Hindi ko talaga alam, Ross" I sighed.

Bakit ba ito nangyayari?

"Basahin mo ulit ang kwento mo, Mara" utos niya sa akin. Tumango lang ako at naglakad na siya papalayo sa akin.

Tiningnan ko lang siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

————

"Mara pala pangalan mo?" napalingon ako sa nagsalita. Pamilyar ang boses niya pero alam kong hindi ko ito kaklase.

"Ha? —" napatigil ako sa pagsasalita nang makita ang lalaking kaharap ko ngayon.

"Rodney. Kaibigan ako ni Bren" tiningnan ko lang siya na umupo at tumabi sa akin.

Lumayo ako ng kaunti. Siya 'yong lalaking nakakita sa akin noong umakyat ako ng bakod.

"Wala akong pake, okay?" mataray kong sabi. Tumawa siya ng mahina.

Tumayo na ako at naglakad papalayo sa kanya.

Lumingon ako sandali at nakitang nakasunod lang siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at mas binilisan ko pa ang lakad ko.

Pero ang gago tumakbo ba naman papalapit sa akin. Anong kailangan ng lalaking 'to?

"Ano bang problema mo?" sumbat ko at huminto sa paglalakad. Huminto rin siya at tinitigan lang ako.

"Ha?" tanging sabi niya at nauna ng maglakad sa akin.

Bastos na'to!

Nagpatuloy na nga lang ako sa paglalakad.

Huminto ako sa waiting shed kung saan ako papara ng jeep na masasakyan para makauwi pero—

"Uy, ikaw ata ang sumusunod sa akin eh" napairap ako sa nagsalita. Si Rodney.

Anong ginagawa niya rito?

Umupo ako at nagpanggap na walang naririnig at nakikita. Tumabi siya sa akin.

Napairap na naman ako. Ano bang kailangan nito sa akin?

Sabay kaming napatayo at dali-daling lumapit sa jeep na huminto.

"Isa nalang ang kasya" tugon ng konduktor.

Nagtinginan kaming dalawa.

"Sige ikaw na pumasok" aya ni Rodney. Tiningnan ko lang siya.

Gentleman.

Pumasok na ako at nagulat ako nang sumabit siya sa jeep. Gago, delikado ang ginagawa niya. Napailing na nga lang ako.

————

"Para po" sabi ko sa driver at huminto naman ito. Bumaba na ako sa jeep at bumaba rin si Rodney.

Hinarap ko siya at tinaasan ulit ng kilay.

"Kanina pa ako naiinis sa iyo ha! Sinusundan mo ba ako?" inis kong sabi.

Kumunot ang noo niya.

"Baliw" tanging sagot niya at nilagpasan ako. 

Tiningnan ko lang siya habang naglalakad at hindi niya pala ako sinusundan. Dito rin pala siya nakatira.

Mara! Napaka-assuming mo naman!

Nakakahiya ka!

Nagmamadali akong pumasok sa bahay at dumiretso na agad sa kwarto ko.

*beep*

Napatingin ako sa cellphone ko na nag-vibrate. 

"Patay na si Gasel" 

Nabitawan ko ang cellphone ko sa gulat.

Tumakbo ako pababa para uminom ng tubig. Napahawak ako sa dibdib ko. Papaano?

Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone na naglalaman na naman ng isang mensahe. Kinakabahan man ay binasa ko pa rin ito.

"Tumalon siya kanina sa bintana ng clinic. Mara please, basahin mo ang kwento mo kung hindi madadagdagan pa ang mga mamamatay"

Tumulo ng tumulo ang luha ko. Hindi ako makahinga.

Bakit? Bakit parang kasalanan ko pa ang mga nangyayari e wala naman akong masamang ginagawa ah. Isa lang akong simpleng dalaga.

At yung kwento — lalo namang walang kinalaman 'yun.

Chapter 5

"Oo nga girl. Sigurado ka bang good guy 'yang text mate mo?" ani ni Leya kay Klaris.

"Sure ako girl. Halos 3 months na rin kaming magka-text okay? Gusto niyang magkita kami. Aaminin ko— gusto ko rin ang ideya niya." kwento ni Klaris.

Patuloy lang ako sa pakikinig sa kanila.

"So anong balak mo, Klaris?" tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako at nag-isip.

"Plano ko makipagkita sa kanya ngayong hapon doon sa simbahan." nakangiti niyang sabi.

"Seryoso ka talaga? Hindi ba delikado?"  nakasimangot na tanong naman ni Leya.

"Hindi noh. I trust him and he trusts me." paninigurado niyang tugon.

Nagtinginan lang kaming lahat.

"Ikaw bahala,  buhay mo 'yan eh"  sabat ko.

————

Nagtipon-tipon kami ngayon sa classroom para pag-usapan kung anong nangyari sa meet-up ni Klaris at ng textmate niya kahapon.

"Dali na! Magkwento ka na bilis!"  excited na tugon ni Leya.  Nakangiti lang si Klaris.

"Eto na nga! Magjowa na kami!!!"

Natahimik kaming lahat.

"Agad-agad?" takang tanong ni Ross.

"Oo. Wala namang problema if mabilis ko siyang sinagot. What's more important is that mahal niya ako and I love him too." tanging sagot ni Klaris.

"Well, happy naman kami as long as happy ka"  nakangiting  sabi ni Leya. Tumango lang ako.

At masayang nagkaroon ng lovelife si Klaris. The End.

Isinarado ko ang notebook ko. Walang masamang nangyari. Hindi naman siguro ito dapat ipangamba dahil walang patayang naganap.

Bukas ko nalang ulit babasahin iyong ibang pahina. Ang importante ay maibahagi ko kay Ross ang nabasa ko ngayon.











FollowedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon