Triple kill

5 0 0
                                    

"Bilisan niyo! Baka tumalon na si Alkenna" kabadong tugon ni Ross sa amin habang tumatakbo kaming magkaklase papunta sa rooftop.

Hinihingal man ay pinilit ko pa ring tumakbo para hindi mahuli. Siksikan kaming nag-uunahan makapasok sa rooftop.

"Alkenna!" sigaw ng mayor namin.

Lumingon sa amin si Alkenna habang nakatungtong sa edge ng rooftop. Kapag humakbang siya, mahuhulog siya.

"Tumawag kayo ng guro" bulong ni mayor sa amin ngunit walang kahit isang sumunod. Walang gustong umalis sa rooftop sa kadahilanang gusto nilang masaksihan ang mangyayari.

Lumapit si Jannice kay Alkenna at inabot ang kamay nito.

"Alkenna, bumaba ka na riyan. Kung ano man ang alitan natin, patawarin mo na ako.  Hindi ito ang solusyon. Patawarin mo ako dahil biglaan nalang kitang hindi pinansin. Aaminin ko, I'm jealous because nakakalamang ka sa akin kaya I kept my distance to you kasi kahit anong gawin ko,  hindi kita malamangan." patuloy na pahayag ni Jannice kay Alkenna habang si Alkenna naman ay patuloy lang sa pag-iyak.

"Bumaba ka na, Alkenna. Mahal ka namin!" sigaw ni Clarissa at sumunod naman kaming lahat.

"Alkenna, bumaba ka na"

"Libre ka namin"

"Alis na tayo rito, Alkenna"

"Alkenna, bumaba ka na please"

Isa-isa naming pangungumbinsi kay Alkenna para bumaba siya sa kinatatayuan niya.

"Alkenna, please. Abutin mo ang kamay ko" pagmamakaawa ni Jannice kay Alkenna.

Pinunasan ni Alkenna ang mga luha niya at ngumiti pero hindi niya pa rin inaabot ang kamay ni Jannice at nagpalakad-lakad siya sa tinutungtungan niya ngayon.

Nanginig ang mga tuhod ko dahil baka matapilok siya at mahulog. Tiningnan niya kaming lahat ng may pandidiri sa mukha.

"Akala niyo ba madadaan niyo ako sa ganyan?" panimula niya, walang umimik.

"I know that you're talking shits behind my back, Jannice and Clarissa. You both thought na wala akong alam pero I knew everything!" singhag niya. Pinagtitinginan ng mga kaklase ko sina Clarissa at Jannice maski ako ay tiningnan rin kung ano ang magiging reaksyon nila.

"Just for the both of you to know, fucking our teachers will get you to nowhere."

Nanlaki ang lahat ng mga mata namin sa sinabi ni Alkenna. Totoo bang—?

"Alkenna, tama na!" naiiyak na sigaw ni Clarissa habang tumatakbo siya patungo kay Alkenna at ang sumunod na pangyayari ay lalong ikinagulat namin...

"BAKIT MO SIYA TINULAK?!" Gulat na gulat na tanong ni Jannice kay Clarissa.

Nagsigawan kaming lahat at agad-agad tumakbo papalabas ng rooftop para puntahan si Alkenna sa baba.

"Puntahan niyo si sir" utos ng mayor namin at dali-daling tumakbo naman papalayo ang mga kaklase ko samantalang dumiretso na kami ng iba patungo sa lugar kung saan nahulog si Alkenna.

Napatakip ako sa mukha ko nang makitang hindi lang isang bangkay ang nasa harapan namin kundi tatlo.

Nagsigawan ang mga estudyante at pinag-uusapan na ang nangyari. Inilibot ko ang aking mata para hanapin si Ross pero ang dami ng estudyante na nagsisiksikan para makita ang mga bangkay.

Hindi ako makasingit kasi halos lahat ay nakikipagsiksikan pero may isang kamay na hinila ako para makaalis ako sa nagkukumpulang mga estudyante at—

"Rodney?" tanging nasabi ko at binitawan niya bigla ang braso ko. Hindi siya nagsalita at tinalikuran lang ako at naglakad papalayo.

Si Ross nga pala. Nasaan siya?








FollowedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon