Hindi ko maintindihan!
BAKIT NAMATAY SI LEYA?
BAKIT SI LEYA PA?
Wala akong isinulat na ikamamatay ni Leya pero humantong pa rin sa kamatayan.
Ano bang dapat kong gawin para matigil itong sumpa na 'to?!
Mawawala na ako sa katinuan kapag nagpatuloy pa 'tong lecheng sumpa!
Kumuha ako ng gunting at pinunit ang notebook ko.
Ayan!
Masira ka na!
Mawala ka na!
Pinulot ko ang mga pahina na nagkalat at dali-daling tumakbo papalabas para sunugin ang mga ito.
Sa ganitong paraan lang ito matatapos. Kung hindi ko gagawin 'to ay lahat kami mamamatay.
Nakangisi ko itong tiningnan habang ito'y nagiging abo.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at hawak-hawak ang gunting ay dumiretso ako sa banyo upang putulin ang buhok ko.
Simula bukas, hindi na ako si Mara. Si Mara na nagsulat ng storyang ikinamamatay ng mga kaklase niya.
BINABASA MO ANG
Followed
Mystery / ThrillerPaano kung mangyari sa totoong buhay ang ginawa mong simpleng storya? Gawa ng iyong imahinasyon na sa kasamaan ay nalagyan ng sumpa. Matutuwa ka ba lalo na't buhay ng iyong mga minamahal ang nasa bawat pahina? Enjoy! Vote din :)