"Ba-bakit na sa iyo 'yan?" tanong ko sa kanya habang tinuturo ang notebook na hawak niya sa kanang kamay.
"A-anong sinasabi mo?" pagmaang-maangan niya at itinago ito sa likuran niya. Nilapitan ko siya.
"Sagutin mo 'ko, Ross! Bakit nasa iyo 'yan? PAPAANO MO 'YAN NAKUHA?" Galit na tanong ko sa kanya. Hindi ko alam paano napunta sa kanya ang notebook ko. E anong notebook 'yong nasunog ko?!
"ARAY!" tanging nasabi ko dahil itinulak ako ni Ross at tumakbo siya papalayo.
"ROSS!" sigaw ko habang tumatayo at para habulin siya. Walang-hiyang babaeng 'to!
"Bitawan mo 'ko sabi eh! 'Wag kang makialam!!" pagsisisigaw ni Ross habang kumakawala kay Rodney.
"Rodney 'wag mo siyang bitiwan! " sabi ko at lumapit sa kanila.
Kinuha ko ang notebook na hawak-hawak ni Ross. Notebook ko nga ito pero bakit nasa kanya?
Binuklat ko ito at binasa.
Alkenna...
Jannice....
Clarissa...
Ephraim....
Laila....
Patay na silang lahat, sinong susunod sa kwento?
Si Ken!
"Kinuha ko 'yan mula sayo noong ihatid ka namin sa inyo nung nahimatay ka sa party ni Leya. Nakita kong nasa kama ang notebook kaya kinuha ko 'to para basahin kaso tinawag ako ng mama mo kaya hindi ko natapos basahin so dinala ko nalang. Sasabihin ko naman sayo e, manghihiram lang sana ako kaso sinabi mo sa akin na sinunog mo na 'to. Alam kong ibang notebook 'yong nasunog mo kaya I acted like I don't know anything and itinago nalang sa'yo na nasa akin talaga 'to"
"Nagsinungaling ka pa rin sa akin!" singhag ko sa kanya. Kumawala siya kay Rodney.
"Kailangan kong gawin 'yon!" sigaw niya pabalik. Ha?
Anuraw?
"Kaya pala alam mo 'yong mga nagaganap na patayan rito kasi nababasa mo sa kwento ko. P-pero bakit kailangan mong itago? Bakit kailangan mong magsinungaling? Bakit hindi mo sinabi sa akin na nasa sa'yo 'to? Ganoon ka na ba kasakim? " sigaw ko sa kanya. Inagaw niya ang notebook mula sa akin pero inilayo ko 'to sa kanya at hinawakan ulit siya ni Rodney.
"Ako pa talaga ang sakim? E sino ba yung may balak na sunugin yang kwento para raw mawala na ang sumpa? Pasalamat ka pa nga sa akin at hindi 'yan nasunog"
Nag-abot ang dalawa kong kilay. Ako? Magpapasalamat?
"Dahil sa'yo kaya patuloy na namamatay ang mga kaklase natin! Kung hindi mo 'to ninakaw mula sa akin, sana matagal na 'tong wala!" sigaw ko sa kanya. Tumawa siya.
"Dahil sa akin? Una palang ikaw na ang may kasalanan kaya namamatay ang mga kaklase natin! Kung hindi lang sana pumasok sa makitid mong utak na magsulat ng kwento at humiling ng kagagohan, edi sana walang kahit sinong namatay!" tugon niya ng mayroong panunukso sa mukha.
Natahimik ako.
"Ta-tama ka na ako ang may kasalanan. Pe-pero hindi tama na magnakaw ka ng gamit sa ibang tao!" sigaw ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako.
"Talaga ba, Mara? Iibahin mo talaga ang usapan? Mamamatay tao ka, Mara! Ikaw ang pumatay sa mga kaklase natin—" sabi niya habang dahan-dahang lumalapit sa akin.
Nakatingin lang si Rodney sa akin at natulala sa mga pangyayari.
"You heard it right, Rodney. Killer si Mara! If I were you, iiwan ko na siya bago pa niya 'ko mapatay!" pagpatuloy pa niya habang humahakbang parin papalapit sa akin.
"—at kapag ako namatay, hinding-hindi kita mapapatawad" nakataas-kilay niyang pahayag habang nakatitig sa mga mata ko.
Binangga niya ang balikat ko gamit ang balikat niya at nilagpasan ako. Dinampot niya ang kanyang bag at umalis pero bago pa makalabas sa silid ay nilingon niya muna ako.
"Simula bukas, wala na akong Mara na kilala" tugon niya at tuluyan na ngang umalis.
Napaluhod ako sa nangyari. Humagulhol ako ng iyak. Bakit si Ross pa? Bakit nagkaganito na? Ano bang kasalanan ko at nangyayari ito sa akin?!
"Tahan na" nilingon ko si Rodney habang hinahaplos ang aking likuran. Niyakap ko siya.
"Sorry, sorry, sorry" tuloy-tuloy kong pag-iyak habang mahigpit na nakayakap sa kanya.
Sorry sa lahat ng nagawa ko. Sorry sa lahat ng namatay. Patawarin niyo 'ko please, hindi ko sinasadya.
"It's okay, shhh" tanging sagot ni Rodney at hinaplos lang ang likuran ko.
Tinulungan niya akong makatayo at pinunasan ang mga luha ko. Kinuha niya ang bag ko at siya ang nagbitbit nito.
"Hatid na kita sa inyo" sabi niya at tumango lang ako...
.....................
Tahimik lang kaming dalawa ni Rodney sa loob. Ako naman, patuloy sa pagpigil sa iyak ko. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit nagawa ni Ross sa akin 'to.
"Anong killer ang sinasabi niya, Mara?" napatingin ako kay Rodney na seryoso ang mukha at nakatuon lang ang tingin sa daan.
"Pwe-de bang 'wag mu-mu-na nating pag-usa-sa-pan?"nauutal kong sagot dahil kapag hindi ko pinigilan ang sarili ko ay maiiyak lang ako ulit. Tumango lang siya at wala ng nagsalita sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Followed
Mystery / ThrillerPaano kung mangyari sa totoong buhay ang ginawa mong simpleng storya? Gawa ng iyong imahinasyon na sa kasamaan ay nalagyan ng sumpa. Matutuwa ka ba lalo na't buhay ng iyong mga minamahal ang nasa bawat pahina? Enjoy! Vote din :)