Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.
Anong oras na?
Bumangon ako sa kama at itinuon ang pansin sa wall clock sa harap ko.
7:54
7:54? Patay! LATE NA AKO!
Dali-dali akong tumayo at dumiretso na sa banyo. Naman oh! Bakit hindi ako ginising ni mama? Hayst!
Isinuot ko na ang uniform ko at bumaba na.
Nasaan si mama?
Napatingin ako sa relo ko.
Hala 8:00 na! Late na talaga!
Leche!
Kumuha nalang ako ng slice bread sa ref at tumakbo na papalabas. Sana makasakay ako agad.
Para!
Walang hiya! Hindi ba naman tumigil? Ayaw niyo ng pamasahe? 'Di wag! Bwisit! 8:23 na. Sobrang late na talaga!
Para po!
Yes! Tumigil din.
*School*
Naman oh! Sarado na ang gate! Nagmadali pa 'ko tas late pa rin.
Aha!
Doon nalang ako sa likod dadaan. Walang tao ngayon doon. Aakyat ako sa bakod tapos papasok sa restroom para di ako mapagkamalan na late.
Ang talino mo talaga, Mara!
————
Madali lang ito, hindi naman masyadong mataas eh.
Ah!
Ayos, nakapasok din. Pinagpag ko ang uniform ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Anong ginagawa mo?" Napalingon ako sa nagsalita.
Nakita niya ba ang ginawa ko?
"Ang ano?" taka kong tanong. Act natural, Mara.
"Nakita kitang umakyat sa bakod. Kababae mong tao —" tinaasan ko siya ng kilay.
"Pake mo ba?" tanging sabi ko at inirapan siya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at nilagpasan ang lalaking nakatayo sa harapan ko.
————
Gaya ng plano ay dumiretso ako sa restroom at inayos ang sarili ko.
Walang-hiyang lalaki. Akala mo kung sino kung makasermon.
Lumabas na ako sa banyo at naglakad na papunta sa classroom ko.
Okay na ring late kesa absent diba?
Patuloy lang ako sa paglalakad nang biglang may nahagilap akong tao.
Si Ross ba yun?
"Hoy, Ross!" tawag ko sa kanya. Tumakbo siya papunta sa akin. Umiiyak ba siya?
"Bakit ka—" Naputol ako sa linya ko nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat.
"Si-si Ki-kit.. Na- nabasa mo ba yung story?" Bakit siya nanginginig?
"A-anong problema?" takang tanong ko.
"SAGUTIN MO 'KO! NABASA MO?" singhag niya. Tinulak ko siya.
"OO! BAKIT BA?!" Nakakainis! Ayoko sa lahat yung sinisigawan ako!
Umatras siya at umupo sa sahig.
Humagulhol siya ng iyak. Lumapit ako sa kanya. Anong nangyayari?
"Pasensya na, Ross. Ano ba kasing—" natigil ako sa pagsasalita nang tingnan niya ako sa aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Followed
Mystery / ThrillerPaano kung mangyari sa totoong buhay ang ginawa mong simpleng storya? Gawa ng iyong imahinasyon na sa kasamaan ay nalagyan ng sumpa. Matutuwa ka ba lalo na't buhay ng iyong mga minamahal ang nasa bawat pahina? Enjoy! Vote din :)