Hindi ako mapakali sa nangyari kanina. Gusto ako ni Rodney? Bakit niya naman ako nagustuhan? Hindi pa nga kami masyadong magkakilala eh.
Sabi niya pa hindi niya ako type tapos ngayon biglaang sasabihin niyang he really likes me? Ulol.
Kung gusto niyang mang-trip, 'wag ako!
Ipinikit ko na lang ang aking mga mata para matulog pero—
I really like you, Mara.
—hindi mawala-wala sa isipan ko ang sinabi ni Rodney kanina. Ugh!!!
Kinuha ko ang unan at itinakip ito sa mukha ko. Kalimutan mo na 'yon, Mara!
————
Lumabas na muna ako sa classroom para pumunta sa restroom kasi naiihi na talaga ako.
Tulin lang ang lakad ko nang makasalubong ko si Rodney. Nginitian ko siya pero parang hangin lang ako na hindi niya nakikita.
Anong problema niya? Nakakunot-noong tanong ko sa sarili.
Sabi niya gusto niya ako pero bakit ganun? Iniiwasan niya ako? Baliw na lalaki!
"HUY!" tawag ni Ross sa akin kaya nilingon ko siya at agad-agad naman itong tumakbo papalapit sa akin. Ay oo nga pala, iihi nga pala ako.
"Tapos ka na bang umihi, kanina ka pa ah? Ihing-ihi na ako, hinihintay kitang bumalik para ako naman ang makalabas kaso ang tagal mo." sabi niya at hinila ako papunta sa restroom.
Hindi na nga lang ako umimik at sumama nalang sa kanya.
————
"Kanina ka pa tahimik, Mara. May problema ka ba? " tanong ni Ross habang kumakain kami ng lunch. Tumango lang ako.
Bakit umiwas si Rodney sa akin? Ang labo niya naman. Akala ko ba gusto niya ako? Bakit niya ako iniiwasan?
"Rodney, here!" napalingon ako sa kabilang lamesa. Who's that girl?
Tiningnan ko naman kung sino ang tinatawag niya at hindi ako nagkakamali. Si Rodney nga ang tinatawag niya. Akala ko ibang Rodney.
Nagkasalubong ang mga mata namin ngunit siya rin ang umiwas ng tingin at dumiretso sa babaeng tumawag sa kanya.
I sighed. Rodney Perez, hindi kita maintindihan!
"Girlfriend niya ba 'yan?" tanong ni Ross na nakatitig lang sa dalawang magkatabing kumakain. Tiningnan ko rin sila.
"Siguro?" sagot ko at uminom ng tubig para mawala ang kakaibang nararamdaman ko ngayon. Selos? Baka. Ewan.
"Diba kahapon lang ay—" pinutol ko na siya sa balak niyang sabihin.
"Tara na" aya ko kay Ross at nauna ng tumayo. Pinunasan niya muna ang baba niya at sumunod na rin sa akin.
"Kaya ka ba tahimik dahil kay Rodney?" tanong ni Ross habang naglalakad kami patungo sa aming silid. Umiling lang ako.
"Hindi ah" tipid kong sagot. Siniko niya ako.
"Nagseselos ka ba?"
"Ha? Bakit naman ako magseselos? " pabalik kong tanong sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya.
"Kasi gusto mo siya" sabi niya at nauna ng pumasok sa classroom. I smirked.
Hindi ko siya gusto!

BINABASA MO ANG
Followed
Mystery / ThrillerPaano kung mangyari sa totoong buhay ang ginawa mong simpleng storya? Gawa ng iyong imahinasyon na sa kasamaan ay nalagyan ng sumpa. Matutuwa ka ba lalo na't buhay ng iyong mga minamahal ang nasa bawat pahina? Enjoy! Vote din :)