"Hello, Ross?" tawag ko sa kabilang linya.
"Oh? " sagot niya. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ngayon o bukas nalang in person ang nabasa ko.
"Hoy! Ano? Bakit ka napatawag? " natauhan ako ng magsalita si Ross.
"Kasi—" pagdadalawang isip ko na magsalita.
I ended the call.
Ayoko nang mag-overthink. Sure ako sa sarili ko na walang kinalaman ang kwento ko sa kasalukuyang mga pangyayari like ang pagkamatay ni John.
Wala.
Sino ba naman ako? Ano lang ba naman iyong ginawa kong kwento na walang katuturan?
Wala akong kasalanan.
Walang may kasalanan.
————
"ARAY!" napahawak ako sa ulo ko at nilingon ang nanghampas sa akin.
"Ross naman! Para saan 'yon? " naiinis kong tanong sa kanya. Tinabihan niya ako ng upo.
"You ended the call last night, remember? Alam mo bang hindi ako nakatulog dahil sa curiosity kung bakit mo in-end ang call at kung ano dapat yung sasabihin mo ha?" galit niyang sabi. Naalala ko ang story ko.
"Oo nga pala. Yung kwento ko, I feel like you have a point about it na connected yun kay John." bulong ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya.
"YOU MEAN—" tinakpan ko ang bibig niya.
"Pero hindi pa sure! Maybe coincidence lang ganun. It can't happen you know. Imposible na magkakatotoo yung ginawa kong kwento." pangungumbinsi ko sa kanya.
"Pero pwede rin na mangyari, Mara! Magkwento ka pa nga sa akin!" pilit niya sa akin.
Ikinuwento ko lahat ng nabasa ko sa kanya at manghang-mangha siya sa narinig.
"Hindi maaari! Seryoso?" takang tanong niya. Tumango lang ako.
Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.
"Ma-Mara. U-uy, bakit ka umiiyak?" tanong ni Ross at inabot sa akin ang panyo niyang color pink.
"Ibig bang sabihin, kasalanan ko na namatay si John. Ako ang pumatay sa kanya diba , Ross?" naluluha kong tanong.
"Hindi, Mara. Wala kang kinalaman sa nangyari sa kanya, okay? Huwag ka nang umiyak" sabi niya habang hinahaplos ang aking likuran.
"Ano na ang gagawin ko, Ross? Natatakot ako sa kung ano pa ang pwedeng mangyari. Natatakot ako. Alam mo naman kung ano yung mga isinulat ko diba?" nakaluha ko pa ring tanong.
"Basahin mo ang story mo, Mara. Alamin mo kung ano ang mga isinulat mo at habang hindi pa nangyayari ay susubukan nating pigilan. Ayos ba?" nakangiti niyang sabi. Tumango ako.
"Walang ibang makakaalam nito, Ross ha. Tayo lang." Hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan siya ng maigi sa mata.
"Wala, Mara. Tayo lang. " paninigurado niya.
Napangiti ako at pinunasan ang mga luha ko. Pagkauwi ko, babasahin ko agad ang kwento ko.

BINABASA MO ANG
Followed
Mystery / ThrillerPaano kung mangyari sa totoong buhay ang ginawa mong simpleng storya? Gawa ng iyong imahinasyon na sa kasamaan ay nalagyan ng sumpa. Matutuwa ka ba lalo na't buhay ng iyong mga minamahal ang nasa bawat pahina? Enjoy! Vote din :)