"Kailangan natin siyang makausap!" galit na tugon ni Ross habang patuloy sa paglalakad.
Kaya pala sa kwento ko, hindi na raw babalikan ni Bren si Kitty — dahil ba nakabuntis siya?
"MARA! TARA NA! " nabalik ako sa realidad at humabol kay Ross.
"Paano naman natin kakausapin si Bren? Hindi naman natin ka-close 'yun tsaka under investigation siya. Baka mapagkamalan pa tayong kasabwat ng lalaking iyon! " ani ko.
"Hindi naman siya ang kakausapin natin eh" Tumigil kami sa paglalakad.
Ha?
"Eh sino?" nagsmirk siya at binuksan ang pinto sa aming harapan.
"Si Gasel"
...........
"Anong ginagawa niyo rito? Makikichismis? Sige sumawsaw pa kayo!" Maattitude na bulyaw ni Gasel sa amin ni Ross.
"Pasalamat ka nalang may dalaw ka. " tugon ni Ross.
"So ano? " panimula ni Ross.
Tiningnan lang kami ni Gasel.
"Umalis nalang kayo rito. Wala kayong alam" tugon ni Gasel. Tumingin naman si Ross sa akin.
"Kaya nga makikipag-usap kami" kalmadong tugon ni Ross.
"Hindi niyo maiintindihan!" sigaw ni Gasel
"Ang alin?" tanging nasabi ko.
"Hindi man tayo masyadong close pero ligtas sa amin ang sekreto mo. Ibuga mo lang lahat ng nalalaman mo. Lahat-lahat. " Pangungumbinsi ni Ross kay Gasel.
"Alis!"
...............
"Uwi na ako, Mara." pamamaalam ni Ross pero hinawakan ko muna ang kamay niya at nagtanong.
"Ross, ano kayang alam ni Gasel?" tinitigan niya lang ako.
"Bakit hindi mo kaya basahin sa story mo?" tiningnan ko siya.
Oo nga noh?
"Bye, Mara! Bukas ulit! " pamamaalam ni Ross.
Kinawayan ko lang siya.
————
"Anak, napaaga ata uwi mo? " Bati ni mama sa akin.
"Opo. Wala pong masyadong ginawa eh. " sagot ko.
Dumiretso na ako sa aking kwarto.
Chapter 4
Umamin na si Bren. Siya ang pumatay kay Kitty.
The end of Chapter 4
ANO?
YUN LANG?
THE END AGAD? TAMAD KA, MARA! TAMAD!
Hindi ko alam kung ano yung tumatakbo sa isipan ko sa mga panahong ito. Ano bang pumasok sa isip ko at nagsulat pa ako ng chapter na ganito kaikli?
Anong kaputang-inahan 'to?
Teka—
Umamin na si Bren. Siya ang pumatay kay Kitty.
SI BREN!
SI BREN NGA! YES! ALAM KO NANG GUILTY—
—pero diba story ko ito.
Lahat ng isinulat ko nagkakatotoo.
Para bang may kontrol ako sa mga buhay ng mga kaklase ko. Pero nakasulat na naman to eh. Hindi ko alam na mangyayari ito.

BINABASA MO ANG
Followed
Mystery / ThrillerPaano kung mangyari sa totoong buhay ang ginawa mong simpleng storya? Gawa ng iyong imahinasyon na sa kasamaan ay nalagyan ng sumpa. Matutuwa ka ba lalo na't buhay ng iyong mga minamahal ang nasa bawat pahina? Enjoy! Vote din :)