Confession

5 0 0
                                    

Isang linggo na rin simula noong pumanaw iyong tatlo ko pang kaklase. Suspended agad ang classes tsaka in-orient pa kami na huwag nalang ipagkalat ang nangyari sa labas upang maiwasan ang chismis at hindi masira ang image ng school.

Ngayon ay may counseling na mangyayari upang maiwasan na ng mga estudyante ang pag-commit ng suicide.  Sabi nila we need to know about our mental health and keep it healthy upang maiwasan ang depression na minsan ay nahahantong sa suicide. 

"Mara, it's your turn to share something to the class" pahayag ng guro na namin.

She said that we need to be true to ourselves and tell everyone what we feel about them para mapag-usapan ang dapat magpag-usapan at hindi na mahantong sa chismis, away at iba pang kaguluhan.

"Ephraim, ayoko sa'yo kasi utos ka ng utos sa amin. Naiirita ako sa'yo lalo na kapag sinisita mo kami sa pagiging maingay namin e kapag ikaw naman ang maingay, hindi ka namin sinisita. I just hope you'll change the way you act inside the classroom and be a better mayor not just for me but for all of us."

"Ikaw naman Joshua, hindi sa ayoko sa'yo pero minsan naman ay tumulong ka kapag may group project tayo kasi pabigat ka sa grupo. Gustong-gusto kitang isumbong sa guro natin na hindi ka tumutulong pero pinipigilan ako ng iba pang classmate natin. I hope this confession will let you reflect and change— to work hard and be independent."

"Para sa'yo naman, Ana. I think we're all unique and are all talented in so many ways  kaya please lang stop comparing us to you. You are narcissistic and I don't like it. " kalmado kong tugon.

Since malapit na naman kaming gumraduate, mas better ng sabihin ko sa lahat ang hinanakit ko para no regrets after.

"Laila, sipsip ka"

"Elise, ang arte mo"

"Ken, feeling gwapo"

At lahat-lahat na ay sinabi ko sa mga kaklase ko. Kalmado lang sila pero I know that galit na galit na sila sa mga pinagsasabi ko.

"Nevertheless, I'm happy na magkaklase tayong lahat." ending statement ko tsaka umupo.

Hindi naman nila ako masisisi sa sinabi ko kasi lahat ng sinabi nila sa akin ay puro negative lang din naman.

Matapos naming humingi ng tawad sa isa't-isa, magyakapan, mag-iyakan at pag-usapan ang mga problema namin ay masaya naming tinapos ang counseling.

"Mara" napalingon ako sa nagsalita. Ilang araw ko na rin siya na hindi nakakita. Anong nakain nito at namamansin na?

Hindi ko siya pinansin at nilagpasan lang. Matapos mo ako na e-ignore at iwasan? Lintik lang ang walang ganti, Rodney.

"Pwede bang makipag-usap sa'yo?" sabi niya sakin habang hinahawakan ang kamay ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Para saan? Matapos mo akong iwasan at hindi pansinin? Ngayon bigla-bigla mo nalang akong kakausapin?" singhag ko. Yumuko lang siya.

"Kung ayaw mo, okay" sabi niya sabay bitaw sa kamay ko.

"Teka" pagpigil ko sa kanya. Hindi ko alam bakit ko siya pinipigilan e galit ako sa kanya.

"Kumusta ka na?" panimula niya habang nakaupo kami ngayon sa may garden ng school.

"Pwede ba Rodney, get to the point already! Huwag ka ng magpaligoy-ligoy pa" tugon ko, he sighed.

"Mara I don't have anything to confess to you because you already know na gusto kita." panimula niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at I just hope na hindi ako nagba-blush.

"Wala ka man lang bang sasabihin?" tanong niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Okay, you don't need to talk. I just want you to know na I will court you" naigting ang tenga ko sa narinig.  ANURAW?

"Anong court? " tanong ko, hinarap niya ako

"Liligawan kita,  Mara" pahayag niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Pagkatapos mo akong iwasan? Ngayon babalik ka bigla para ligawan ako? Pinagtitripan mo ba ako, Rodney?" nakapamewang kong tanong.

"I kept my distance to you for me to know if what I have for you is just infatuation or not pero alam mo Mara, it's love." pahayag niya habang hindi inalalayo ang tingin sa akin.

"Nababaliw ka na, Rodney" sabi ko at akmang aalis na kaso hinawakan niya ako sabay sabing —

"Baliw na baliw sa'yo"

KYAAAAAAAAAAA!!!

Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata ko. Pigilan mo ang sarili mo, Mara. Huwag kang magpadala sa pinagsasabi ni Rodney.

"Uwi na tayo" sabi niya sa akin at nauna ng naglakad. Gago iniwan ba naman ako.

Tumakbo ako para makahabol sa kanya.

Walang mudo!

FollowedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon