Nagising ako na masakit ang buong katawan.
Ugh!
Wala naman akong masyadong ginawa kagabi kaya bakit masakit ang katawan ko?
--------------
After kong maligo, magbihis, kumain, mag-toothbrush at pumara ng jeep na masasakyan ay nandito na rin ako sa school.
Ang aga ko ba?
Bakit wala pang mga estudyante dito? Sa pagkaka-alam ko, may alam ba ako? Joke.
'Yun na nga, sa pagkaka-alam ko alas-syete na so dapat start na ng flag ceremony. Anyare?
Tulin lang ang paglalakad ko hanggang sa napahinto ako.
Nagkukumpulan.
May dugo.
May mga pulis.
Hindi ako sa classroom dumiretso kung 'di ay doon sa may nagkukumpulan. Anong meron diyan?
"Grabe! Sinong gumawa niyan?"
"Nakakadiri!"
"Tara na, bes! "
Teka. Anong nakakadiri? Ano ba kasing —
Shit!
Napatakip ako sa labi ko.
Isang patay!
Napalunok ako ng laway sa sobrang gulat.
Ngayon lang ako nakakita ng patay sa tanang buhay ko.
Nanlumo ako.
Gusto kong lumayo pero tila ayaw gumalaw ng mga paa ko. Nakatingin lang ako sa katawan na nakabulagta. Kawawa talaga. Yung isang kamay niya nakahiwalay sa katawan niya like pinutol pa talaga ha?!
"Umalis na kayo rito." tugon ng isang pulis at sumunod naman kami agad.
*Classroom*
"Grabe yung nangyari noh?"
"Sino naman kayang may pakana 'non?"
"Nakakadiri lang talaga tingnan."
"Hoy nandyan na si sir"
Napa-ayos kaming lahat ng upo nang pumasok ang aming adviser na si sir Jacob.
"Class, alam kong alam niyo na ang nangyari." Panimula nya
"Inaalam pa kung bakit iyon nangyari at —" napatigil si sir sa kanyang sinabi at inilibot ang tingin sa loob ng silid.
"Kayo ba? May kakilala ba kayong kaaway nung biktima?" Dagdag ni sir Jacob at tanging si Ephraim lang ang tumayo — mayor namin.
"Kaibigan ko po si John. Wala po siyang kaaway at ako lang ang kaibigan niya. Hindi ko alam kung bakit nangyari iyon sa kanya e—" Hindi na natapos ni mayor ang kanyang sasabihin pa sana dulot ng lungkot na nadarama niya.
Walang umimik. Katahimikan ang naghari sa buong silid.
"Let's offer a prayer to him nalang." Ang sabi naman ni Kitty.
Sabay kaming yumuko at nag-alay ng panalangin.
*Cafeteria *
"Mara, wala ka bang napapansin?" Napalingon ako sa kaibigan ko. Si Ross na nakatitig lang sa mga mata ko na tila mayroong mensaheng gustong iparating.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko at sinubo ang fried chicken. Iniwas niya ang tingin niya.
"Yung nangyari kay John, parang pamilyar" sabi niya at sumubo ng pagkain.
"Pamilyar?" Takang tanong ko naman.
"Oo. Para kasing nabasa ko na eh!" Sabi niya na may pagtataka sa mukha.
"Anong ibig mong sabihin? Nabasa? Eh ang dami mo na kasing nababasa na mga stories, baka pamilyar lang!" Sabi ko at uminom ng tubig. Seryoso niya akong tiningnan.
"Kaso lang— story mo ang naaalala kong may ganun na pangyayari. Ikaw? Does it ring a bell? " Tanong niya.
Napatingala ako.
"Hi-hindi ko maalala eh" sabi ko at pilit na inaalala ang mga pangyayari sa story na ginawa ko.
"Pagka-uwi mo, pakitingnan ah! Kasi parang 'yun talaga ang nangyari kanina na nasa story mo eh" Utos niya.
"Oo na po. Kumain na nga lang muna tayo." Sabi ko at tumango naman sya.
Story ko? Anong kinalaman ng story ko kay John?
-----------
"Hoy, Mara! " Bulyaw sakin ni Leya. Isa sa mga kaibigan ko na ang character sa ginawa kong story ay isang muse. Sabi niya kasi gusto niyang maging muse kaya kahit sa story ko man lang magkatotoo yung hangad nya.
"Ano na namang kailangan mo?" Pagmamataray ko.
Ganito talaga kami kapag nagkikita. Palaging nag-aasaran. Kapag pikon, talo.
"Pabasahin mo ako nung story na ginawa mo! Sabi mo ako ang susunod na babasa diba? Nasaan na? Akin na!" Walang preno niyang daldal.
Oo nga pala. Babasahin ko pa ang story ko mamaya.
"Wala! Nasa bahay!" Mataray kong sabi sa kanya. Inirapan niya ako.
"SINUNGALING!" sabi nya at hinalungkat ang bag ko.
Wala siyang nakitang notebook sa bag ko at bumalik na sa upuan niya.
"Bukas nalang!" Sabi ko at sinimangutan niya naman ako.
"Ikaw talaga! Hmpf!" Sabi niya sabay talikod sa akin.
Napatawa nalang ako ng mahina.
Inayos ko na ang pagkakaupo ko dahil pumasok na ang aming guro.
————
"Hindi ka ba magre-recess?" Tanong ni Leya sa akin. Break time kasi ngayon. May 30-mins kaming break para magsnack muna.
"Wala akong ganang kumain." Sagot ko at nagpaalam naman siya sa akin na bibili siya ng pagkain.
*Uwian*
Kasalukuyan akong nag-aarrange ng mga gamit ko. Uwian na kasi. Nagpunas muna ako ng pawis at naglagay ng pulbo sa leeg at mukha ko.
"Una na ako sa inyo ha, Ross at Leya. Ingat kayo." Tugon ko at lumabas na sa silid.
"Ingat ka rin!" sabay naman nilang tugon.
————
Habang naglalakad ako papalabas ng campus ay naalala ko yung habilin ni Ross sa akin. Dapat ko nga palang basahin ang story ko.
PERO IMPOSIBLE NAMAN ATA NA MASANGKOT ANG STORY NA GINAWA KO. ORDINARYO LANG IYON.
Imposible talaga.

BINABASA MO ANG
Followed
Mystery / ThrillerPaano kung mangyari sa totoong buhay ang ginawa mong simpleng storya? Gawa ng iyong imahinasyon na sa kasamaan ay nalagyan ng sumpa. Matutuwa ka ba lalo na't buhay ng iyong mga minamahal ang nasa bawat pahina? Enjoy! Vote din :)