Late akong nagising at kasalukuyang tumatakbo papunta sa classroom. Papatayin ako ni Ross nito.
Walang tao?
"Uy, Mara. Nasa auditorium na silang lahat naghihintay na mag-umpisa ang pageant." tugon ni Joshua nang hindi man lang ako tinitingnan. Naglalaro ata siya ng mobile legends.
"Okay, salamat. Ikaw? Hindi ka ba manonood?" tanong ko sa kanya. Ngumiwi siya.
"Hindi na, walang signal doon at hindi ako makakalaro ng ml." paliwanag niya. Tumango lang ako at nagpaalam na sa kanya.
"WOOOOOAAAH!!!"
Ang daming naghihiyawan sa loob. Papasok palang ako ay rinig ko na ang palakpakan at hiwayan ng mga nanonood.
Nasaan na kaya si Ross?
"Mara!" napalingon ako sa tumawag.
Hindi ko kilala 'to ah? Tinitigan ko ng maigi ang mukha niya. Sino siya?
"Halika" pag-aya niya. Kumunot ang noo ko.
"Mara!" biglang lumabas sa likuran niya si Rodney.
Siya na naman?!
Tinalikuran ko sila at sumingit para makapunta ako sa harapan.
Excuse me
Excuse
Ex—
"Hoy babae!" napalingon ako sa humila sa braso ko.
"Ross" tanging nasambit ko lang dahil sa ingay ng mga estudyante.
"Tara sa backstage" aya niya at tumakbo kami papasok sa backstage.
"Leya, ang ganda mo!" manghang tugon ko nang makita ko si Leya na naghahanda para sa next portion.
"Matagal na noh" patawa niyang sagot. Inirapan ko siya.
"Bakit kayo nandito? Hindi ba kayo manonood sa performance ko?" tanong niya habang nananalamin.
"We're here para suportahan ka" pahayag ni Ross. Tumango lang ako.
"Awe. Thanks guys!" sabi ni Leya.
"Leya, ikaw na susunod. Get ready" sabi ng organizer at iniwan na nga kami ni Leya para magpakitang-gilas sa madlang people.
"Hindi natin dapat iwan si Leya" tiningnan ko lang si Ross at sumang-ayon sa kanya.
————
"Congrats, Leya!"
"Congratulations!"
"Ang galing mo talaga, Leya!"
Nakangiti at masaya kaming lahat sa pagkapanalo ni Leya sa pageant. Nakakaproud!
"Let's celebrate!" Napalingon kami sa nagsalita.
Si Camella. Siya ang nakaalitan ni Leya noon.
"Sure!" masayang sagot ni Leya kay Camella.
Nagkaayos na nga pala sila at magkaibigan na ngayon.
————
"Ang sarap talagang kumain" pahayag ni Josh na panay kuha ng mga pagkain sa lamesa.
Natawa na nga lang ako. Kanina hindi siya nanood at sumuporta pero ngayon, present na present sa kainan hahaha.
"Kinabahan talaga ako kanina" tiningnan ko lang si Leya habang kumakain ng cake.
"Ang galing mo nga eh!" proud kong sabi sa kanya. Kumuha ako ng isaw at isinubo ito.
"Hindi ko akalain mananalo ako. Akala ko talaga hindi ako makakapasok sa top 3 eh." sabi niya habang ngumunguya ng pagkain.
" Ang importante, panalo ka!" sabat ni Ross sa usapan namin. Tumango ako ng nakangiti.
"Congratulations, Leya!" tugon ng isang lalaking bumeso kay Leya.
Kilala ko 'to ah.
"Thanks, Rodney!" sagot naman ni Leya rito.
"Oh, Mara! Nakikikain ka rin pala?" tanong niya sa akin ng nakangisi. Sinimangutan ko siya.
"Nakikicelebrate ako" pag-correction ko sa kanya.
"Magkakilala kayo?" takang tanong ni Leya. Nagtinginan lang kami ni Rodney.
Walang sumagot.
"Ikaw, Rodney ha. Pinopormahan mo ba 'tong kaibigan ko?" nakangising sabi ni Leya sabay akbay sa akin.
Tumawa ang gago.
"Hindi ko naman 'yan type eh" naka-smirk pa niyang sabi.
Ang kapal talaga!
"Leya!" napalingon kami sa tumawag kay Leya na si Camella.
Nagpaalam si Leya sa amin para lapitan si Camella.
"Tara" biglang sabi ni Ross at hinila ako para masundan namin si Leya at Camella.
"Teka lang, Ross. Nahihilo ako" tanging nasabi ko at huminto saglit dahil parang umiikot na ang paningin ko.
"Ha?" takang tanong ni Ross at tiningnan ko lang siya na siya'y paikot-ikot.
Ipinikit ko ang aking mga mata ngunit wala paring nagbago.
"Mara! "
"Mara!"
At nagdilim na nga ang aking paningin.
————
Hah!
"Anak!" sambit ni mama habang niyayakap ako. Anong nangyari?
"Ma?" tanging nasabi ko lang.
Aray. Ano bang nangyari?
"Nahimatay ka anak kahapon while nagce-celebrate kayo sa pagkapanalo ni Thea ba 'yon?" napangiti nalang ako sa sinabi ni mama.
"Leya po, ma" sabi ko ng natatawa.
"Ay oo Leya nga. Buti nalang hinatid ka ni Ross at ni Roy dito sa bahay" napatingin na naman ako kay mama.
Sino si Roy?
"Roy po, ma?" takang tanong ko.
"Ronie ata iyon anak?" sagot niya.
"RODNEY?" gulat kong tanong. Tumango siya ng mabilis.
"Ay oo. Rodney ang pangalan." napakunot ako ng noo. Bakit sa dami-raming pwedeng maghatid ay siya pa? Trip ba 'ko nun?
"Jowa mo ba 'yon, Mara?" nakasimangot na tanong ni mama. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi ah! 'Di ko siya type" sagot ko.
"Sabi mo eh. Ipaghahanda na kita ng pagkain. Bumaba ka na ah" sabi ni mama bago ako iwanan.
Humiga ako ulit sa kama at binuksan ang cellphone ko.
"Ayos ka na ba?" text galing kay Ross.
Magrereply sana ako kaso insufficient balance. Hays.
Nag-vibrate ulit ang cellphone ko at agad-agad kong binuksan ang mensahe na aking natanggap.
"Natalo si Leya. Nakita siyang hindi na humihinga sa kama niya hawak-hawak ang tropeyong napanalunan niya kahapon. Wala na siya, Mara —
Patay na si Leya. "
Napabangon ako mula sa aking pagkakahiga at nanlaki ang mga mata ko sa nabasa.
Hindi ko alam kung paano ako mag-rereact kaya naitapon ko ang aking cellphone sa sobrang pagkabigla.
LEYAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!
BINABASA MO ANG
Followed
Mistério / SuspensePaano kung mangyari sa totoong buhay ang ginawa mong simpleng storya? Gawa ng iyong imahinasyon na sa kasamaan ay nalagyan ng sumpa. Matutuwa ka ba lalo na't buhay ng iyong mga minamahal ang nasa bawat pahina? Enjoy! Vote din :)