Siya ba?

10 0 0
                                    

Sinauli namin ni Ross sa mga imbestigador ang diary ni Kitty. Marami silang itinanong sa amin at lahat naman ay nasagot namin.

Kanina rin, nakita ko na isinama ng mga pulis ang kasintahan ni Kitty.

Nagpupumiglas pa ito pero kalaunan ay sumama rin. Tatanungin lang naman daw siya.

"Mara!" Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Leya.

"Uy?" Tanging sambit ko. Umupo siya sa tabi ko.

"Grabe noh? Sunod-sunod na ang mga namamatay dito sa school natin. Sa tingin mo, may sumpa kaya itong school na 'to?"

Tiningnan ko siya ng masama. Baliw din itong babaeng 'to. Anong sumpa?

"Baliw! Sumpa ka diyan. Baka naman kasi oras na nila kaya ganun." Sagot ko. Feeling expert lang.

"Oras? Kailan kaya ang oras ko? Ano kaya ang dahilan ng pagkamatay ko? Sa anong paraan kaya?" Napailing nalang ako sa mga pinagsasabi ni Leya.

Tumahimik siya.

"Ikaw, Mara. Kailan ka mamamatay?" Napatingin ako sa kanya.

Ang seryoso niya. Yung mga mata niyang kulay asul ay nakatingin lang ng diretso sa  mga mata kong kulay itim.

Kumunot ang noo ko.

"Ewan ko sayo!" sagot ko at tinawanan siya.

"Hindi ka pa ba uuwi? Sabay na tayo" aya ko. Umiling siya.

"Susunduin ako ni Mikael eh. Una ka na lang" sagot niya.

"Edi ikaw na may love life!" sarkastiko kong sabi.

Nagpaalam na ako sa kanya at tumungo na pababa para umuwi. Nag mumuni-muni at napa-isip ako sa sinabi niya.

Kailan nga ba ako mamamatay?

Dali-dali akong tumakbo at pumara ng jeep. Kailangan ko yung mabasa para alam ko kung anong sunod na mangyayari.

"Para!"

————

Nakarating ako ng safe sa bahay. Pumasok na ako at dali-daling umakyat papunta sa kwarto ko. Nasaan na naman kaya yung notebook?

Hinanap ko ito sa kung saan-saang bahagi ng kwarto ko.

Kasi naman eh, ba't ba palagi 'yong nagtatago? Bata ba 'yon? Mahilig sa tago-tagoan?

Napalingon nalang ako bigla nang may nahulog.

ANG NOTEBOOK!

Binuksan ko kaagad ito at binasa.
Anong chapter na nga ba ako? Ay, oo nga pala! Chapter 3.

Chapter  3

"Dear, Mara

Matagal na kitang gusto. Alam kong minsan nakikita mo ako kasi nagkakasalubong tayo sa lobby ng maraming beses.

Kaya nga lang, hindi mo ako napapansin.

Ngayong Valentine's Day, gusto ko nang magpakilala sayo. Mamaya, sa quadrangle, makikita mo.

FollowedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon