"Get your notebook and copy the writings on the board" utos ng guro namin at lahat ng mga kaklase ko ay kinuha na ang kani-kanilang notebook at nag-umpisa na ngang magsulat.
Hinalungkat ko ang bag ko pero wala ang notebook ko sa loob nito. Hala! Baka naiwan ko sa amin!
Kumuha na nga lang ako ng papel at doon nalang isinulat ang dapat isulat. Ita-transfer ko nalang pagka-uwi ko.
"Malapit na kayong gumraduate. Anong plano niyo? Outing? Foodtrip?" tanong ni ma'am sa amin habang mayroon siyang binabasa.
Nagtinginan lang kaming magkaklase at pinagpatuloy ang pagsusulat. Tumayo si Ephraim at sumagot.
"Actually, ma'am, wala pa po kaming napagpapaplanuhan pero mukhang mas magandang mag-outing. Kayo guys? " tugon ni Ephraim at tiningnan kaming lahat.
"Maganda nga 'yan"
"Go kami!"
"Sigeeee"
Maingay na sa loob ng classroom dahil excited ang lahat sa pagpaplano. Nagpatuloy lang ako sa pagsusulat at nakinig lang sa diskusyon nila.
————
"Oh ano 'yan?" takang tanong ni Ross sa hinhawakan kong envelope.
Pang -old school lang ang peg? Ano kayang laman nito?
Papunta sana kami sa canteen pero dumiretso muna kami dito sa locker ko para hanapin sana ang notebook ko kasi baka nailagay ko 'yon rito pero iba ang nakuha ko.
"Mahal na letra ba 'yan? Buksan mo dali!" mas excited pa si Ross kaysa sa akin.
"Mahal na letra? Expensive letter?" tanong ko kay Ross. Inirapan niya ako.
"Ha-ha-ha. Nagbibiro ka ba, Mara? Mahal means Love then Letra means Letter— Love Letter, duh!" pagpapaliwanag niya. Inirapan ko siya. E kung sinabi niya nalang kaya agad na love letter, sus!
Tiningnan ko ang envelop at malalaman mo rin nga naman na love letter ito kasi may guhit na maliit na puso sa gilid ng envelope.
"Said I love you
And I mean it
Butterflies in my stomach
And confusion in my head
You know I don't know how
To say
And express it to
You but
On the other hand I'm writing this
Not to confuse you
Girl but to
Utter
My agenda which is
Understandable only
When you read it—
I mean, the first letters of every lines."Nagtinginan kami ni Ross. First letter ng bawat linya?
"Said I love you
And I mean it
Butterflies in my stomach
And confusion in my head
You know I don't know how
To say
And express it to
You but
On the other hand I'm writing this
Not to confuse you
Girl but to
Utter
My agenda which is
Understandable only
When you read it—
I mean, the first letters of every lines.""Sa-bay ta-yong umuwi?" basa namin ni Ross pareho. Kumunot ang noo ni Ross habang napa-snob naman ako.
"Si Rodney 'yan" sabi ko sa kanya.
"Si Rodney, 'yong gwapong pinsan ni Leya?" takang tanong ni Ross.
"Magpinsan pala sila?" tanong ko habang ibinabalik ang liham sa loob ng locker.
"Oo naman, kaya nga nandoon siya noong celebration sa pagkapanalo ni Leya, diba?" sagot niya at tumango lang ako.
"So ano?" tanong niya habang naglalakad kami patungong canteen.
"Anong, ano?" tanong ko.
"Si Rodney. Ang arte niya ha. May pa-solve-solve siyang nalalaman" natatawang sabi ni Ross, inirapan ko lang siya.
"Hahaha ewan ko sa kanya. " tanging sagot ko.
Sa kapal ng mukha ni Rodney, magbibigay siya ng liham? Bakit hindi niya na lang sabihin ng diretso at harap-harapan sa akin na gusto niyang sabay kaming umuwi? May sayad talaga 'yong lalaking 'yon!
"Isang chicharon nga ate tsaka juice" banggit ni Ross sa tindera at binayaran na ito. Ako naman ay pumipili pa ng makakain.
"Sa akin ate ano—" banggit ko habang pumipili pa rin. Ano bang masarap kainin...
"Chicharon na nga lang rin po ate tsaka juice." banggit ko at kumuha na ng pera sa pitaka ko pero—
"Bayad po oh" napatingin ako sa nagsalita. Si Rodney.
"Ay hindi po, ako na magbabayad" sabi ko at binawi ang pera mula kay ate at inabot ko ang sarili kong pera.
Kinuha ko na ang sukli ko at hinarap si Rodney ng nakasimangot. Anong trip niya?
"Anong akala mo sa akin, walang pera?" tanong ko. Tumawa lang siya. Gago talaga!
"It's just my way of courting you" pahayag niya. Inirapan ko siya bago talikuran.
"Ang sabihin mo, it's your way of being a gago!" sabi ko at hinila na si Ross para iwanan si Rodney ngunit bago pa kami nakalayo e may isinigaw pa ang mokong.
"Mamaya ha. I'll wait for you" sigaw niya at pinagtitinginan siya ng mga estudyanteng kumakain sa loob ng canteen. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy kami ni Ross sa paglalakad.
"Tinanggihan mo pa talaga 'yong grasya" sabi niya habang ninunguya ang nabiling pagkain. Inirapan ko lang siya.
"Gusto ko ng libre pero hindi sa ganoon lalo na at nanliligaw ang mokong na 'yon. Baka akalain niya na makukuha niya ako gamit ang pera niya" sabi ko at humigop ng juice.
"Ewan ko sa'yo, Mara. Balitaan mo nalang ako kapag kayo na" natatawang sabi ni Ross habang inaayos ang pagkakaupo niya.
"Che!" sabi ko sa kanya at umayos na rin ng upo dahil malapit na matapos ang break time at baka pumasok na ang next subject teacher namin.
BINABASA MO ANG
Followed
Mystery / ThrillerPaano kung mangyari sa totoong buhay ang ginawa mong simpleng storya? Gawa ng iyong imahinasyon na sa kasamaan ay nalagyan ng sumpa. Matutuwa ka ba lalo na't buhay ng iyong mga minamahal ang nasa bawat pahina? Enjoy! Vote din :)