Love birds

4 0 0
                                    

Isang buwan na ang nakalipas simula noong pumanaw ang mga kaklase ko at sa kabutihang-palad ay wala ng isa pang sumunod sa kanila.

Masaya ako sa ginawa kong desisyon na sunugin nalang ang notebook para matapos na ang lahat.

Intrams namin ngayon at masaya kong inililibot ang aking mga mata sa loob ng campus.

Ang daming nagtitinda ng kung ano-ano at marami ring activities na pwedeng gawin sa loob ng campus.

Ang saya!

*click*

Napatingin ako sa aking kanang kamay na pinusasan ng isang estudyanteng hindi ko kilala.

Don't tell me isa 'to sa mga nababasa ko sa mga libro na pupusasan ang dalawang tao tapos whole day na magsasama para makilala nila ang isa't-isa? No way!

"Aaahm. Wala talaga akong oras para sa mga ganito kaya pwede bang tanggalin niyo na ito?" mahinahon kong pakikiusap.

"Yea sure. Sumunod ka lang sa akin para makuha natin ang susi. Sorry miss hehe" nakakamot ulo niyang sabi.

Napabuntong-hininga na nga lang ako at sumunod sa kanya.

"Sorry, ney. Ayaw niya kasi eh—" paliwanag ng lalaki sa kausap niya kaso...

*click*

Walang-hiyang lalaki!

"RODNEY!!!!!!!!" galit kong sigaw sa kanya.

Paano ba naman kasi? Imbis na makawala ako sa posas ay pinusasan niya ang kanyang sarili gamit ang kabilang posas na nakaposas sa kamay ko. Gago talaga!

"MARAAAA!!!" sigaw niya rin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"ARAY!" reklamo niya nang suntukin ko siya sa dibdib gamit ang kaliwa kong kamay.

"Akala mo ba nakakatuwa 'to?" nakataas-kilay kong tanong. Nakakainis!

"Ito hindi pero ang nakakatuwa ay makakasama mo 'ko buong araw." nakangisi niyang sabi. Inirapan ko siya.

Hinila niya nalang ako bigla-bigla. Walang mudo!

"Tara na at 'wag tayong magsayang ng oras" nakangiti niyang sabi. Huminto ako.

"Alam mo, Rodney wala akong panahon para sa mga trip mo. Kung may gusto ka sa akin, sabihin mo nalang agad hindi sa idadaan mo pa sa ganito na ang korni tingnan." sabi ko habang itinaas ang kamay naming nakaposas.

"Paano kung sabihin kong gusto kita?" seryoso niyang tugon habang tumititig sa aking mga mata. Umiwas ako ng tingin.

"Paano kung sabihin kong wala akong pake?" sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. Tumawa siya.

"Pasalamat ka na you look good with your bangs kundi aasarin na kita" nakapout niyang sabi. Inirapan ko siya.

"Halika bili tayong hotdog, libre kita" aya niya sa akin.

Libre? Sige pero kailangan ko munang magpakipot.

"Makakahindi pa ba ako e nakaposas tayo?" nakasimangot kong tugon. Hinila niya ako papalapit sa kanya.

"Hindi naman kita hahayaang humindi e" panunukso niya. Inilayo ko ang sarili ko sa kanya.

Maniac!

Bumili na nga kami ng hotdog at kumain. Hindi ko alam what's his plans para sa amin ngayon pero kung ililibre niya naman lang din ako—aba payag ako noh.

"Gusto mo manood tayo ng movie?" tanong niya habang ngumunguya ng hotdog. Tiningnan ko siya at natawa nalang sa mukha niya.

"May ketchup sa mukha mo mister" pagmamataray ko sa kanya habang pinipigilang matawa. 

"Mister?  So, does this mean you're my misis?" sinamaan ko siya ng tingin. Baliw!

"Mr. Perez  kasi 'yon gago!" pairap kong banggit sa surname niya. Tama naman ako ah, mayroong Ms. Mrs. tsaka Mr.

"Okay, okay. Huwag ka ng magalit Mrs. Perez." panunukso niya. Ang korni talaga!

Tumayo na nga lang ako at hinila siya para hindi na namin ma-tackle 'yang Mrs. at Mr. na 'yan.

"Manood na nga lang tayo ng movie. Libre mo ah" sabi ko habang hinihila siya patayo.

"Hindi man lang pinunasan 'yong ketchup ko sa mukha. Tsk" reklamo niya habang tumatayo.

Kinuha ko ang panyo ko mula sa aking bulsa at pinunasan ang ketchup na nasa gilid ng kanyang labi.

Gulat siya eh. Hahahahaha!

"Oh ayan na baby boy, next time be careful when you eat ha. Yaya will get mad na talaga to you" pabiro kong sabi sa kanya.

"Thanks baby girl" tugon niya habang ibinabalik ko sa bulsa ko ang panyo. Tiningnan ko siya ng masama.

"Nakakadiri ka" sabi ko at umakto na parang nasusuka. Tumawa siya.

"Oh? Buntis ka ba? Magiging daddy na  ba ako? " Ay nako hindi ko kaya 'tong lalaki na ito!

"Wow! Love birds ah! " napatingin kaming dalawa sa nagsalita. Si Ross.

"Ross! Tingnan mo 'to oh." sabi ko sa kanya at ipinakita ang nakaposas kong kamay. Tumawa ang siya.

"Hahahaha. Nabiktima ka pala niyan." natatawa niyang sabi. Tumango lang ako.

"Sige, mauna na ako sa inyo ha. Pupuntahan ko lang mga kaklase natin  Mara" pamamaalam ni Ross sa amin at tumakbo na papalayo.

"Tara na." aya ni Rodney sa akin at nagkibit-balikat lang ako.

Tara.

————

Hanggang ngayon ay hindi ko mapigilang tumawa dahil sa inakto ni Rodney kanina sa loob ng movie booth. As in sobrang funny!

"TAWA PA!" naiinis niyang pahayag. Inirapan ko siya.

Paanong hindi ako matatawa e umiyak siya noong hindi magkatuluyan ang girl tsaka boy sa palabas.

"Hindi naman mabiro eh. Heto na, hihinto na." pagpipigil ko sa sarili.

"I really like you, Mara" biglang sambit ni Rodney habang nakatingin sa malayo.

Walang nagsalita.  Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Parang ang bilis naman ata?

Pero ang hindi ko maintindihan is that my heart is beating so fast. Maybe dahil first time may nagsabi na nagkakagusto sa akin? Ewan!

May kinuha siya sa bulsa niya at ito ay isang susi.

"Na sa'yo lang pala iyan ha" sabi ko habang ginagamit niya ito para makawala kami pareho. Hindi siya nagsalita.

*click*

Tumayo na siya at iniwan akong mag-isa. Anong problema niya?

FollowedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon