Insensitive

0 0 0
                                    

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa hallway para ilagay ang mga libro namin ni Ross sa locker. Nauna siyang maglakad sa akin.

"Hays, buti nalang talaga at tapos na ang math subject, nakakabagot talaga si sir magturo" reklamo niya habang inilalagay ang mga libro sa loob ng locker.

Inilagay ko na rin ang mga libro ko sa loob ng locker ko at isinarado ito.

*ringing*

"Opo, ma. Hanapin niyo nalang sa kusina, doon ko lang inilagay yun" napatingin lang ako kay Ross habang kausap niya ang mama niya sa kabilang linya.

Nakabukas pa ang locker niya kaya tiningnan ko muna kung ano ang laman nito. Teka lang—

*blag!!*

Napaatras ako nang bigla niya nalang isarado ang locker niya. Bakit ba siya namimigla?

Bago pa man ako makapagsalita ay may narinig na kaming nagsisigawan sa may canteen. Nagtinginan kaming dalawa ni Ross at agad-agad tumungo papunta roon para malaman kung anong nangyayari.

.......

Heto na naman tayo sa nagkukumpulan at nagsisiksikang mga estudyante. Nakikipagsiksikan na rin ako para makita ang kaguluhang nagaganap.

"Beh, kumain rin ako niyan"

"Hala nakakatakot! Ayoko ng kumain rito"

"Nasaan na ba ang ambulansiya? "

Mga usap-usapan ng mga estudyante habang pinipilit ko pa ring makapunta sa harapan para makita talaga ng dalawa kong mata ang kaganapan.

"Tumabi kayo!" utos ng lalaki sa amin habang si Ephraim naman ay nasa stretcher.

Anong nangyari sa kanya?

"Nalason raw sa kinain niyang bibingka"

"Nakakatakot naman. Balak ko pa naman sanang kumain ng bibingka"

"Buti nalang hindi, girl! "

Napatingin ako sa mga estudyante. Nalason? Sa dinami-raming estudyante dito, bakit si Ephraim? Bakit kaklase ko pa?

"Anong nangyari?" hindi ko man tingnan ay alam ko kung sino ang nagsasalita.

"Usap-usapan ng mga estudyante e nalason daw" sagot ko at hinarap siya.

"Talaga?" tanong niya habang isusubo na sana ang bibingkang hawak niya.

Nanlaki ang mata ko at sa sobrang kaba ko na masubo niya ito ay tinapik ko ng napakalakas ang kamay niya kaya natapon ito.

"Heeeey!" sabi niya habang pinulot sa sahig ang bibingkang nahulog.

"Nalason ang kaklase ko dahil sa bibingka! Itapon mo nga 'yan!" singhag ko at tumayo naman siya.

"Chill,  Mara. Eto na, itatapon na nga oh" sabi niya at itinapon ito sa trashcan.

Umupo muna ako at tiningnan lang siya habang bumabalik papalapit sa akin.

"Gusto ko pa naman kainin 'yon" reklamo niya at tumabi sa akin. Inirapan ko siya.

"Kainin mo para malason kang kupal ka!" naiinis kong sabi at inirapan ulit siya. Tinawanan ba naman ako.

"Why are you acting like a concerned girlfriend to me? Sinasagot mo na ba 'ko? Tayo na ba?" gagong lalaki talaga 'to.

Hindi ko siya sinagot at inirapan ulit. Tumayo na ako at naglakad papalayo sa kanya.

"Baliw!" sigaw ko at iniwan na nga siyang mag-isa ngunit malayo man ay narinig ko paring sumigaw siya pabalik.

"Sayo!"

Gago talaga!

Ay oo nga pala. Asan na si Ross? Isa pa 'yong babaeng 'yon, bigla-bigla nalang nawawala.

————

"Laila, ano ba kasing nangyari kanina?" tanong ng mga kaklase ko sa kasintahan ni Ephraim na si Laila.

Hindi siya kumibo at nakayuko lang. Nasa hospital na si Ephraim kaya siguro okay na siya.

"Ross!" tawag ko sa kaibigan ko habang papasok siya sa classroom. Tumabi siya ng upo sa akin.

"Saan ka galing? Bakit pawis na pawis ka?" tanong ko sa kanya. Nagpunas siya ng pawis.

"Tumae" bulong niya sa akin. Tinawanan ko lang siya.

"Gaga ka talaga" sabi ko. Tumabi siya sa akin.

"Kumusta si Ephraim?" tanong niya. Tiningnan ko lang siya.

"Paano mo nalaman na si Ephraim ang dinala sa hospital e wala ka kanina diba?" takang tanong ko. Tiningnan niya ako ng masama.

"E yun ang pinag-uusapan ng mga estudyante e" sagot niya.

"Ah okay" sabi ko at umalis na siya sa tabi ko. Lumapit siya sa grupo ni Laila at sumawsaw sa usapan nila.

"Laila, magiging okay lang si Ephraim. Huwag ka ng mag-alala" sabi ng kaklase ko kay Laila. Tumango lang si Ross. Lumapit na rin ako para makisali sa usapan.

"Don't let it affect you, Laila. Huwag kang magpapakamatay ha." sabay kaming nagtinginan kay Ross na nagsalita.

Tinapik ko siya sa likuran. Tapik na nagpapahiwatig na sobra lang 'yong sinabi niya.

Tumayo si Laila at tumakbo papalabas ng classroom. Wala kaming nagawa at nagsibalikan sa aming mga upuan.

"Bakit mo 'yon sinabi?" tanong ko kay Ross. It's just so insensitive for her to ask such question like that to a person who's hurting.

"I was just warning her. You know, katulad noong kay Gasel, naaalala mo?" tanong niya sa akin.

"Pero mali parin 'yong sinabi mo" sabi ko sa kanya. Inirapan niya ako.

"Ewan ko sa'yo, Mara. Ikaw na ang tama" sabi niya at pumunta na sa upuan niya.

Insensitive!













FollowedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon