Dahan-dahan akong lumapit sa kama ko.
Totoo ba ito? Nananaginip ba ako?
'Di kaya kasama 'to sa sumpa? Na— na ako lang ang makakabasa nito?
'Di naman siguro.
Hays! Nahahawa na ako sa lalim ng imagination ni Ross eh.
Pero seryoso, bakit ngayon lang lumabas 'to? Anong kahiwagaan ang bumabalot sa kwentong ito?
Umupo na ako at kinuha ang notebook ko. Dapat kong tatagan ang sarili ko. Basahin mo na, Mara.
————
Chapter 2
Naalala ko itong chapter na 'to. Ito yung chapter kung saan pinaghiwalay ko yung classmate kong si Kitty at yung jowa niya. Sa pagkaka-alala ko, galit ako kay Kitty nung isinulat ko 'tong chapter na 'to kaya siya yung naging topic sa chapter na 'to.
.........
Nandito kami sa canteen ngayon. Kumakain nang may nagkagulo nalang bigla sa kabilang lamesa."Bakit ba ang sungit-sungit mo? Ano na naman yung kasalanan ko? Puta naman, Kitty eh! Nagagalit ka nalang ng walang dahilan! Palagi nalang akong nagpapasensya! Nabibwisit na ako! Punong-puno na ako! Let's end this! Break na tayo! " Pagkatapos ng mahabang litanya ng boyfriend ni Kitty ay nag-walk out na ito.
Naiwan namang luhaan si Kitty sa lamesa. Nagsimula ng magbulungan ang nakakita sa eksena kanina.
"Ayan, ang sungit kasi. Hindi na tuloy kinaya ng kasintahan, ayan ulit, nauwi sa hiwalayan." komento ni Ross, di nalang ako nag-react.
*Classroom*
"Wala lang naman ako sa mood kanina eh. Hindi ko naman akalain na magagalit nalang siya ng ganun-ganun." Narinig kong kwento ni Kitty sa mga kaibigan nya.
"I never thought na hahantong sa hiwalayan. Malabo kasi eh. Ang sweet pa niya noong mga nakaraang araw tapos ngayon? Huhuhu" Chismosa na ba ako masyado? Sorry, gusto ko lang makinig eh.

BINABASA MO ANG
Followed
غموض / إثارةPaano kung mangyari sa totoong buhay ang ginawa mong simpleng storya? Gawa ng iyong imahinasyon na sa kasamaan ay nalagyan ng sumpa. Matutuwa ka ba lalo na't buhay ng iyong mga minamahal ang nasa bawat pahina? Enjoy! Vote din :)